Fall#16:Deal

33 3 0
                                    

If we fall

Fall#16:

              Deal

--------------------------------------------------------

Mabilis ang paglipas ng panahon. Natapos ang midterm at akalain mo nga naman. Finals na namin ngayon. Ang bilis lang talaga ng oras.

Busy ang lahat. Kahit nga kami ni Loko, ni hindi na nagpapansinan dahil  sa sobrang hectic ng sched.

Minsan nga, ni hindi na kami nagkikita.

"Cha, nabalitaan mo ba yung kumakalat na tsismis?" Tanong ng dakilang chismosa na si Janine.

"Hindi eh." Walang ganang sagot ko. Nase-sense kong hindi maganda ang ibabalita sakin nito.

"Alam mo, Janine. Siguro, mas maganda kung mag-focus ka na lang sa pag-aaral kaysa sa pagkakalat ng tsismis. You know, wala namang magandang maidudulot yun sayo!" Sermon ni Ven kay Janine.

"Concern lang naman ako kay Cha eh." Malungkot na pahayag ni Janine.

"Kay Cha? Bakit naman sya nadamay sa tsismis?" Sabat ni Des.

"May kumakalat kasing balita na may gf na raw si JD" nakangusong sabi ni Janine.

"What? Si Moo? Totoo ba yan? Janine, wag kang nagkakalat ng mga ganyang tsismis. Hindi yan nakakatuwa!" Galit na sabi ni Klarisse.

Nagulat ang lahat pati na rin ako.

"Teka nga, ano namang kinalaman ni Cha dito?" Napatingin lahat kay Ven dahil sa sinabi nito.

"Well, akala ko kasi sya ang pinaka-close kay JD. I thought, alam niya na yung tungkol dito." Sabi ni Janine.

"Wait, nakausap niyo na ba si Drake?" Tanong ni Ced.

"Hindi pa. Hindi naman kasi sya nagpapakita na satin." Sabi ulit ni Janine.

"Of course, busy sya dahil malapit nang mag-finals." Nanggagalaiting sabi ni Klarisse.

Saming lahat, si Klarisse ang pinaka naapektuhan sa balitang iyon.

"Ok ka lang ba, Cha?" Nag-aalalang tanong ni Ven.

Ako? Ok nga ba ako?

Tumango ako. Weird pero wala akong nararamdan na dapat kong ikabahala. Like, I care kung magkaroon man ng gf si Loko.

Gf? Wait, si Bree. Tama! Si Bree, ok lang kaya siya? Mabuti siguro kung tatanungin ko siya.

"Tulungan na kita dyan." Napalingon ako dahil narinig ko ang boses niya. Agad akong sumilip sa hall para makita siya.

"Ok lang ako. Kaya ko na to." Sabi ng Student Council President na si Ella.

"Sigurado ka? Tignan mo nga, tabingi yung nilagay mong banner. Bakit kasi hindi ka magpatulong dun sa mga co-officer mo?" Tanong ni Loko kay Ella.

"May nakatoka na silang gagawin."

"Seriously, ikaw lang mag-isa ang mag-aayos dito?" Tanong ulit ni Loko.

Hmm. I think, kailangan ko nang umalis. Kung totoo man na may girlfriend na si Loko, I should be happy. Pero teka nga, sino nga ba yung napapabalitang girlfriend ni Loko?

Hinanap ko sa buong campus si Bree pero hindi ko siya makita.

Nung natapos na ang klase ko, napagdesisyunan kong umuwi na.

"Hi, Cha!Long time no see?!" Si Chance.

Yeah, long time. Pagkatapos kasi nung magkasakit ako ay hindi ko na siya nakita pa, ngayon lang.

If we fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon