9th Lie- Downfall

44 4 0
                                    

Pagkatapos ng second monthsary namin, which is April 28. Napadalas ang pagbabakasyon nila sa iba't ibang lugar. Nawalan na siya ng panahon sa akin. Madalang siyang magtext at sa tuwing magtetext siya, hindi na nagrereply. Wala na ring phone calls.  

In short, hindi na kami ulit nagkaroon ng communication.

 Pinabayaan ko lang siya dahil alam ko namang bakasyon at dapat lang na ienjoy 'to. Tsaka hindi lang naman sa communication nababase ang isang relasyon. Diba?

Nasabihan pa tuloy ako ng martyr ng mga kaibigan ko.  Kung bakit daw kasi pinapabayaan ko. Mamaya eh iba na raw pala.

May tiwala naman ako kay Raniel eh. Oo. Sobra sobra na yung pangungulila ko sa kaniya. Ang hirap kasing mahiwalay sa taong mahal mo. Ang corny pero maiintindihan mo yung nararamdaman ko kapag narito ka na sa sitwasyon ko. Lagi mo siyang naiisip kahit hindi mo sinasadya. Patingin tingin ka sa phone mo, nagbabakasakaling may naligaw na text mula sa kanya.

Yung bigla ka na lang malulungkot ng walang dahilan. Kasi nga, namimiss mo siya.

Pero tiniis ko lahat ng yun. Inaalagaan ko talaga ang relasyon namin. Lagi kong sinasabi sa kanya gaano ko siya kamahal. Kung pangungulila ko man ang kapalit para maalagaan kung anong meron kami, so be it. Magtitiis ako.  

Pero habang lumilipas ang panahon, lalo siyang nagiging cold sa akin. Lalo siyang napapalayo sa akin.

Third monthsary.

Hindi niya ako binati.

Hindi ko alam kung sinadya niya ba o nakalimutan niya lang talaga.

As a girl, mahalaga sa akin ang small details. Right girls? Alam ko naman na yung iba kasi gumigising pa talaga ng 12:00 AM para maunang bumati. Gagawa ng message na akala mo eh nobela sa haba. Ganyan naman talaga diba?

Kasi ganyan din ako.

Dahil doon, mas lalong sumakit ang dibdib ko. Ayokong magtampo sa kanya at gusto ko sanang intindihin na lang siya, pero hindi ko maiwasang sumama ang loob ko.  Bakit ganito? Bakit parang..

Ang sakit?

 Ang OA ko ba? Monthsary lang tapos ganito ako kaOA. Haha. Sorry? *punas ng luha*

Tapos pinipilit niyang binati niya ako when obviously, HINDI :(  

Then after that, hindi na ulit niya ako tinext. Hindi man lang siya nagcare na icomfort ako kahit na sinabi ko na lahat ng hinanakit ko. Tanging "K" lang ang ibinigay niya sa akin.

Doon na ako kinabahan dahil naging cold na talaga siya. Wala na siyang panahon. Napapadalas na rin ang away namin, at laging AKO na lang ang may kasalanan. Napapabuntunghininga na lang ako at ulit.. inintindi ko na lang siya. Siguro naman pagod lang siya right? Magiging okay din ang lahat.  

Pero hindi dumating ang okay na yun dahil dumating ang araw na kinakatakutan ko.

 June 5, 20**

Galing ako sa isang violin practice noong tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako kasi nakita ko ang isang pop up sa message panel ng phone ko at nakitang siya ang nagtext. Pero agad na napawi ang ngiting iyon nang mabasa ko ang laman ng message niya..

From: Bebilabs <3

Sent: 11:35 AM

"Wanna end the relationship?"

--

Nakakainis naman! Ba't maluha luha ako while editing this one? It brings back memories. Geez. Anong masasabi niyo sa chapter na ito? Katangahan ba? Sorry okay? Sarreh.

So malapit ng matapos ang LWL. 10th Lie then finale na. May hula na ba kayo sa mangyayari? I'm sure meron na :) Well, clue ito. Because of this, I learned to use a motto that I, Cae, personally made.

 

Add me on facebook: Deveruxe Wattpad

Claire WP

 

Please support my another story: I MET THE MAN WHO BROKE THE HEARTBREAKER'S HEART

Heartbreaker Mission 1: Moon Scar of the Past

 

__Diwatang Cae

Love with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon