Prologue

8 1 0
                                    

"kuya naman e! iba nalang kasiiiiii.please." pakiusap ko sa kuya ko.

" hindi pwede bunso. a deal is a deal. hahaha" saad nito. hayssss. anubanaman itong kuya ko e.huhu

  Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ng kuya ko. Mukhang no choice na ako

"sige na bunso, bumababa kana.goodluck!hahaha" Nakakainis talagaaaaaaaa. nakakahiya naman to.

  Bumaba na ako ng sasakyan at napalunok nalang ako ng makita ko kung gaano karaming tao ang nandito ngayon sa park. kinakabahan ako sa gagawin ko. teka, alam niyo ba gagawin ko?syempre hindi.hindi ko sinabi e.

    Gusto ni Mom na pumunta ako sa England at doon ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Oo magandang offer nga pero hindi ko gusto na doon ipagpatuloy ang pag-aaral ko. May mga kaibigan ako sa bansang ito at may mga bagay akong ayaw iwanan dito kaya naman tumutol ako sa gusto ni mom. Naiintindihan daw ako ni mom pero ayaw niyang pumayag na dito nalang ako. Humingi ako ng tulong sa kuya ko na naging dahilan ng pagkakaroon nitong deal na'to.

    May pagkamaloko ang kuya ko kaya naman bilang kapalit ng pagtulong niya sakin ay ang paggawa ko sa kondisyon niya. He wants me to go here in the park, pumwesto sa gitna ng park at tumayo hanggat may sampung taong lumapit saakin.

  mukha bang madali?haha mukha lang pero hindi. kasi...

   kailangan kong ibahin ang itsura ko. kailangan kong maging isang nerd. nerd na hindi maganda kundi nerd na panget yun bang pina oa na itsura ng nerd na hindi mahahala na fake lang. Kung makikita mo ang ayos ko ngayon siguradong hindi mo gugustuhing lumapit sakin.

   Hindi lang natatapos sa pag-aayos ko ang deal na ito. tatayo ako sa harap ng maraming tao na may nakasabit sa leeg ko na karatula na ang nakalagay ay " free hugs". Hindi ko alam kung paano tatapusin tong deal na'to. duhhhh. sino naman kayang yayakap sakin ng ganito itsura? ang lakas kasi ng tama ng kuya ko e.

" nga pala bunso" tawag ni kuya sakin. Kakababa ko palang ng sasakyan. "you look gorgeous" sabi nito habang nagpipigil ng tawa. Diba, ang lakas talaga ng tama niya sa ulo? hay nako. kung diko lang kailangan tulong niya e. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at saka naglakad na papunta sa pepwestuhan ko.

Ako yung tipo ng tao na hindi sanay na humaharap sa maraming tao kaya di ako magtataka kung nakakaramdam ako ng kaba ngayon. Hindi pa man ako nakakapunta sa pepwestuhan ko ay pansin ko na agad ang mga mapanuring tingin ng mga taong nasasalubong ko. Kung ganyan na sila makatingin pano pa kaya nila ako yayakapin?

   Huminga nalang ako ng malalim at saka pumwesto na sa gitna ng parke kung nasaan ako ngayon. Isinuot ko na ang karatula at nanatiling nakatayo.

    lumipas ang ilang oras at sa wakas nakaka 8 na ako. parang ang bilis no? hindi den. kanina pa ako ditong 1 at ngayon 4 na ng hapon. nakakapagod. Matutuwa na sana ako na kahit ganto ang ayos ko ngayon e may mga lumapit parin sakin at yumakap sakin kaso... kaso pinagkakatuwaan lang nila ako :<

   Karamihan sa mga yumakap sakin ay mga magbabarkada na pinagkakatuwaan lang ako. Meron din namang mabubuting tao na tumanggap ng free hug ko pero mas marami paring tao na pinagkatuwaan lang ako pero ayos na din yun no. atleast dalawa nalang kailangan ko. yuhoooo!

  Dahil narin sa ilang oras nalang ay gabi na. kumokonti nalang ang tao dito sa park at nagsisimula na akong kagat kagatin ng mga lamok hanggang sa may napansin akong batang umiiyak. nilapitan ko ang batang babae

" bata ok ka lang ba?" tanong ko sa bata. napatingin ito sakin at bigla na lang itong umiyak ng malakas. hala,mukhang natakot pa sakin itong bata na to.

Chasing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon