Chapter 1

3 0 0
                                    


"babe Audrey..."

"yes babe?" tanong ko

"Mahal mo ba ako?" napangiti ako sa tanong niya

"yes babe. Mahal na mahal kita" hindi ko alam ang nararamdaman ko pero masaya ako.Masaya ako kasi kasama ko ang taong pinakamamahal ko.

"talaga babe?" tanong niya ulit

"yes babe. talagang talaga"

"kung ganon...Babe will you marry me? do you want to spend the rest of your precious life with me?"

"yes babe.I will marry you" nakangiti kong sagot sa kanya. Nakita ko naman na ang lapad lapad ng ngiti nito

lumapit siya saakin at may isinuot na sing sing sa daliri ko at saka niya ako niyakap.

Hindi ko maiwasang maluha... Alam kong tears of joy ito. Alam na alam ko dahil sobrang saya ko sa mga oras na ito.

Matagal kaming magkayakap at unti-unti ay napapansin ko na nagkakaroon ng tubig sa mga paanan namin.

Luha ko ba ang mga ito?kung luha ko nga ang mga ito bakit napakadami? ang OA ko lang siguro. Hindi ko nalang pinansin yung tubig na yun at mas lalo kong pinakiramdaman ang yakap ng mahal ko. Pero parang may nararamdaman akong malamig sa may bewang ko. Minulat ko ang aking mga mata at nagulat ako ng makitang pataas na ng pataas ang tubig.

Bumitaw ako sa yakap namin at hinanap kung saan nanggagaling ang tubig dahil nagpapanic na ako pero wala akong makita dahil puro itim lamang ang nasa paligid namin at tanging isang ilaw lang ang mayroon na nakatapat sa pwesto namin.

Natigilan ako ng biglang nawala sa tabi ko ang lalaking mahal ko. Hindi ko namamalayan na tuluyan ng nasakop ng tubig ang kinaroroonan ko at tila lumalangoy na ako sa tubig.

Nagmistulang dagat ang kinaroroonan ko at nahagip ng mga mata ko ang lalaking mahal ko na nasa isang simabahan. Simbahan sa ilalim ng dagat... nandon siya sa may altar at inaantay ako.

Simbahan sa may dagat??bago yun ah. Bakit hindi ako nalulunod?Napansin ko rin na nag iba ang suot ko na naging wedding gown. Nakangiti akong naglakad papasok ng altar. at ng makarating ako ay inalalayan naman ako ng lalaking mahal ko

Hindi kalauna'y nagtanong na ang pari...

"Mayroon bang gustong tumutol sa kasalang ito?"

"Celine!hindi na ako natutuwa ah!" nagulat kami ng biglang may sumigaw...sumisigaw na pating??! The heck!!

"Celine! pagbilang ko ng tatlo kapag hindi kapa gumising diyan,pababahain ko talaga dito sa kwarto mo!" Ano daw?Gumising? e gising naman na ako ahh.

"Isa...dalawa...tatlo!"

"CELINE!LETCHUGAS GUMISING KANA!"

napabalikwas ako agad ako ng makarinig ng malakas na sigaw. sigaw ni Angela...ang bestfriend ko

"ano ba naman yan! Ang ingay ingay mo!" sigaw ko dun sa nanggigising sakin.

Kunot noo akong tumingin sa kanya at sinamaan niya naman ako ng tingin. Ano bang problema nito? Nambubulabog ng panaginip e.

teka, panaginip?? Sa pagkakatanda ko, ang ganda ganda na ng panaginip ko e pero bakit biglang bumaha tapos naging dagat?Simbahan sa dagat?tapos pating na nagsasalita? ang weird ah

Habang nakatingin ako sa bestfriend ko napansin ko na may hawak siyang timba...Timba? para saan yun? hindi kaya...

Dahil sa naisip ko,bigla akong napatingin sa kama ko at sa kinauupuan ko at nagulat ako ng makitang basa ako at ang kama ko...Anong nangyari?Binuhusan niya ba ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon