Kabanata 1

17 1 0
                                    

Unang Lihim

"Anak, kumain ka na" sabi ni Manang ng mapansing nakatulala ako sa hapag kainan.

Iniisip ko kung anong nangyari kay Mommy at Daddy kagabi.

Narinig kong may pinagtatalunan sila at hindi iyon pang karaniwan because I know, when they have a problem, agad nilang pinag uusapan ng maayos.

Lumaki akong hindi ko nakitang nagalit si Mom, samantalang si Dad, kahit busy palaging naglalaan ng oras para sumabay sa hapunan.

"Manang, nasaan po si Mommy?" nagtataka kong tanong dahil Saturday ngayon, wala s'yang pasok sa opisina.

"Pumunta sa Zelara bibisita raw sa kaibigan n'yang si Aina" malumanay na tugon ni Manang habang pinupunasan n'ya ang lababo.

Ang Zelara ang kasunod ng bayang ito. May bahay bakasyunan rin kami roon.

Pagkatapos kong kumain, nagpaalam ako kay Manang na pupunta akong burol gamit si Venti- ang aking kabayo.

Dali dali kong isinukbit ang aking bag at pumunta sa kwadra. Agad akong sumakay kay Venti at matuling pinatakbo.

Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang malawak na palayan. I never get tired of watching this kind of scenario every weekends.
Ang mga magsasakang maaga pa lamang ay nasa palayan na upang magtanim o kaya'y para mag-ani.

The smell of fresh air that makes me realize that there is where I belong. My Home. 

Ipinagpatuloy ko na lamang ang paglatigo kay Venti upang mas bumilis ang takbo nito.Hanggang sa makarating ako sa boundary. Ito ang naghahati sa Zelara at Nalera.

Ano kaya kung dumiretso ako sa resthouse namin? Tutal nandun naman si Mommy.

Bumungad sa akin ang mga namumukadkad na bulaklak sa Hardin. Kahit kasi hindi kami nakatira dito ay pinapanatili pa rin nila Mang Juan ang kagandahan ng Hardin.

Agad akong bumaba sa aking kabayo at itinali ko sa tabi.
Pinadausdos ko ang aking kamay sa barandilya habang naglalakad.

I am humming while walking towards the beautiful daisies. Tanim ito ng aking pinakamamahahal na Lola. I miss her. I looked away before my memories gets deeper.

Pero parang wala sina Mang Juan, dahil kung naririto sila, kanina pa nila ako sinalubong.

Nagdire diretso ako hanggang sa nakarating ako sa double doors. I push it at agad na tumambad ang mga antigong kagamitan sa salas.

This house has modern-style interior but with antiques furnitures, vases and figurines. Ipinatong ko ang bag ko sa sofa at tiningala ang mga pictures ng Lolo at Lola ko. On the right side of those pictures is the stairs and on the left is the kitchen.

Pumihit ako pakaliwa hanggang sa may marinig akong nag uusap. No, scratch that. Nagtatawanan.

I know that eavesdropping is bad. But I am just a curious 14 year old girl. What would I do?

"Hindi ka ba hinahanap ni Xander?" the manly voice said.

"Nasa rancho iyon ngayon. Why would he?"

Hindi ako maaaring magkamali. Boses ni Mommy iyon. And why the hell they are talking about my Dad. And who is this man?

Hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito sa akin. Samantalang si Mommy ay nakatagilid kaya hindi n'ya ako napansin.

Napapitlag ako at napahawak sa aking bibig nang biglang tumayo ang lalaki. Hindi ako lumikha ng kahit anong ingay.

Kitang kita kong diretso ang lakad ang bulto ng lalaki. May inilagay sa sink at binuksan ng gripo.

Tumayo si Mommy at yumakap sa likod ng lalaki. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita.

Nagsalita si Mommy na dahilan ng pagkawasak ng munti kong puso.

"I love you Amiel. No one can change that" may paninindigang lintaya ng aking ina.

This can't be. The picture of my soft-hearted and perfect Mom was gone. My tears continously falling. But I remain silent.

Tumalikod ako at naglakad ng maingat while my mind is clouded with what happened. I can't understand. Para akong mawawalan ng lakas sa nakita ko.

I am thinking about Dad. And this make my heart broken into pieces. Saan may mali? Sinong may pagkukulang? I grew up with love of my parents. How did it happened? When did it starts?

I managed to ride with Ventri eventhough my hands were weak at matang namamaga.

Wala na akong paki alam kung madilim man ang kalangitan, uuwi ako sa mansyon para makapagpahinga at makapag isip ulit.

Pinatakbo ko si Ventri ng mabilis, hinihiling na sana... sana panaginip lang ang lahat...

Pero hindi, dahil ramdam na ramdam ko nang mabitawan ko sa tali ni Ventri at ang sakit ng pagkahulog.

Sa palayan nahulog ang katawan ko at ang ulo ko ay tumama sa bato na nasa pilapil. May naramdaman akong likido sa ulo ko, hindi ko alam kung talsik ba ng putik sa palayan o kung ano.

All I feel is pain. Physically and emotionally. I am tired..

And I don't know what happen next.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Never ToldWhere stories live. Discover now