chapter one

3 1 0
                                    

"Ionie!!"

napabalikwas ako ng bangon dahil sa ingay na iyon. Ugh! Inaantok pa ako. Wala sa sariling napatingin ako sa orasan ko. 11 am. WTF?! Ang haba ng tulog ko ah?

"Ionie wake up na" sigaw ng isang matinis na boses na sinasabayan pa ng pagkatok

Huh? si Williah ba 'yon? dahan dahan akong bumangon habang humihikab. Kung si Williah nga, anong ginagawa ng isang to dito? Mabuksan nga. Kinukusot ko ang mata ko habang binubuksan ko ang pinto, grabe! Parang gusto ko nalang tuloy humilata ulit sa kama. Sobrang tagal ko kasing natulog kagabi. Hays

"Naku! Ikaw na babae ka, ang bagal mo"

kumunot ang noo ko ng makita ko si Williah na bagong paligo. Ano bang meron? Biglang nanlaki ang mata ko nang may narealize ako. Shit. Today is the wedding day of ate Khryzl. What the heck! Bakit ko ba nakalimutan? Aish! Dali dali akong kumuha ng towel at patakbong pumasok sa cr. Shit talaga! Muntik pa akong madapa sa kakamadali ko.

"Bilisan mo!"

pagkatapos kong maligo ay nagbihis kaagad ako ng cycling at oversized white v-neck shirt. Hindi ko na naabutan si Williah sa kwarto kaya lumabas nalang ako at dumiritso sa kusina. Malayo palang ako ay dinig na dinig ko ang ingay ng tawanan na nanggagaling don. Nakita ko ang nakakatanda kong kapatid na si kuya Van, 2 years ang agwat naming at dalawa lang kaming magkakapatid,mukhang imbitado din ang mga kaibigan niya dahil kumpleto na sila dito. Sila Lance Ferrer, Jefferson Laspina at Bruce Willing na walang humpay sa kwentuhan at tawanan. Nandito na rin ang mga pinsan kong mga babae na sina Williah Devon, Ronalyn Devon at Jane Devon na kumakain habang nag ku-kwentuhan, at ang mga pinsan kong lalaki na sina Lexus Devon at Ace Devon. Bahagya akong natawa ng makita ko ang porma ng pagkaka upo ni Ace, nakapatong ang isang paa nito sa mesa habang nag ce-cellphone. Tss. Lazy bastard

"Tulog mantika" bungad sakin ni Lexus.

Inirapan ko lang siya sabay kuha ng pagkain atsaka ako umupo sa tabi ni Jane, at agd nila ako inusisa kung bakit ko daw nakalimutan. I just shrug at them.

"Makalimutin ako" Pinanlakihan ako ng mata ni Rona. Totoo naman kasi, makalimutin ako.

"Ngayong araw pa talaga Ionie"

"Kung hindi ko pa ginising iyan. Nako! Ewan ko nalang diya"

tinawanan ko lang sila at binalewala. Inaantok pa ako, masama akong kausap pag kulang ako sa tulog. Napa iling nalang sila sakin at nagpatuloy sa kwentuhan.

"Ang dami sigurong chix mamaya"

napa irap nalang ako sa hangin. Mga dakilang playboy talaga. Specifically Bruce at Lexus, loyal itong si Jeff kay Williah. Ewan ko rin kay Lance, di ko nakitang lumandi eh, isa pa 'tong si Ace kung makapag palit ng babae parang nagpapalit lang damit. Tsk.

pagkatapos naming kumain ay dumiritso na kaming mga girls sa kwarto para makapag ayos. Kulay light blue ang theme kaya di na nakapag tataka na kulay light blue ang gown namin bilang bridesmaids. Simpling tube at hanggang ankle ang gown na sosoutin namin. Bumabagay sa mga pinsan ko ang damit, si williah na talagang lutaw ang pagiging puti o kahit na sina Rona at Jane na mga morena. Napangiti ako, walang tulak bibig kung kagandahan ang pag uusapan sa mga pinsan ko. Si Rona na may boyfriend na si Kiann Lajera, isa sa mga sikat na basketball player sa ibang school, si Williah naman na mayroong manliligaw na si Jefferson, na sobrang gwapo din at si Jane na maraming nagkakandarapang lalaki pero talagang mailap tong pinsan ko na ito. Biglang nag vibrate ang cellphone ko at mas lalo akong napangiti nang makita ko kung sino ang tumatawag. Si Kenan Lajera, ang aking manliligaw na kapatid ng boyfriend ni Ronalyn. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin at nang masigurong maayos na tsaka ko sinagot ang tawag habang naglalakad palabas ng kwarto

his affectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon