( JANE POV)
"Jane bilisan mo ba't ba ang tagal mo diyan?"
"Goodness! Hanggang kailan kami maghihintay?"
"Wala na bang mas itatagal 'yan?"
"Sandali eto na!"
Mabilis Kong ibinalik sa cabinet ang notebook ko at inayos ang sarili sa harap ng salamin atsaka ako lumabas
"It's been 84 years" madamdaming sambit ni Williah
Napa irap ako. Adik sa titanic ang mga gaga. Kunsabagay nakakahumaling naman talaga ang ka gwapohan ni Leonardo DiCaprio. Mga echoserang frog lang talaga itong mga pinsan ko, kung makapang angkin kala mo hindi na 40 plus and edad ng tao. Well, age doesn't matter. Ika nga nila
"Dadaan dito si Lexus tinext ko siya para isabay na tayo papuntang school"
Napag desisyunan kasi namin na magpa enroll na ngayon since lunes at unang araw sa enrollment para maaga kaming matapos at makapag pahinga kami bago ang pasukan, at para mas magkaroon kami ng time na bumili ng paunang requirements
Ilang minuto ay dumating na si Lexus at kaagad kaming sumakay sa kotse niya papuntang school. Pagkadating namin doon ay wala pang masyadong tao kaya mabilis kaming natapos. Quarter to 11 ay biglang nagsidatingan ang iba naming pinsan at kaibigan
Napataas ang kilay ko. Nakakapagtaka kung bakit narito ang mga 'to? Naligaw ata
"Ba't kayo naparito Kuya?" Takang tanong ni Ionie
"We're just visiting our alma matter" sabi pa ni Kuya Van na sinasabayan ng halakhak ng mga kalalakihan at 'yong iba naman ay nakangisi
Tsk. Iba ang pinupunturya ng mga mokong na'to dito, panigurado
"Tigil tigilan niyo nga ang pang hahaunting dito kung ayaw niyong masakal"
Tumawa lang iyong iba at nagsialisan. Tsk. Mga dakilang playboy. Wala manlang matino sakanila, kaya ayoko sa relasyon-relasyon na 'yan. Lahat ata ng lalaki hindi makuntento sa isa, parang required ata sa kanila na lima every month.
Heartaches after break ups. For the women who got swayed by the man fake gestures they'll feel pain, they will make themselves stupid and I hate that thought. I feel pity for them. So as much I could do I will protect myself in danger
Napag kasunduan naming kumain sa resto nila Lance since malapit lang sa school
"Swimming tayo for the last time? O kung hindi sa bahay nalang nila Ace, movie marathon?"
Habang kumakain kami ay panay ang suggestions nila, last bonding daw dahil pasukan na next week
"Thursday? Ano? Game?"
"Anong meron sa Thursday? Ba't 'di nalang bukas? Or Wednesday?" Takang tanong ni Willah
"Siguro okay na rin yong Thursday para makapag prepare pa tayo ng gamit for school" ani Rona
Mas mabuti na rin siguro para may 3 days pahinga pa kami bago ang pasukan. Sumang-ayon naman ang lahat at talagang game na game ang boys. Tsk. If I know, mag iinoman nanaman ang mga yan.
"Cr lang ako" paalam ko
Habang tinatahak ko ang daan papuntang cr may naririnig akong sigaw ng babae. Parang galit na galit, nambubulyaw at talagang hindi ako nagkamali nakaharang sila sa pintuan ng girls' cr.
"--you're such a jerk! How dare you"
Ito na nga ba sinasabi ko. Heartaches. Ang nakakainis pa eh parang wala lang ang lalaki, nakapamulsa ito at diritso ang paningin. Napabuga ako ng marahas na hininga at nagpatuloy sa paglalakad.
