Shy Girl versus Campus Crush ng Bayan (One Shot)

2.8K 57 17
                                    

A/N: Una sabi ko, ano ba yang one shot story na yan? Akala ko one short, nakalimutan lang yung "r". Saka sabi ko bakit maraming nahihilig sa one shot story? Tapos nung magbasa ako, ah ganito pala yung one shot yung istorya na isang part lang at mas maikli kaysa short story. Sige na nga, wag nyong sabihin ha gaya-gaya puto maya... kundi makikiuso lang! Ahaha! Sinubukan kong gumawa ng ONE SHOT. Ewan ko basahin nyo na lang to kung gusto niyo.

******** ^_^ *******

Sophomore ng Bacolod High Academy, ito po ang inyong lingkod si Chuva Sierra Bernardo. Just call me Chuva for short. Ahihi. Basta tawagin niyo na lang ako sa ganun walang pakialaman. Ito'y para ma-protektahan ang aking tunay na pagkatao. Waaahhh, may ganun talaga? Seryus lang!

Ako iyung tipo ng tao na tahimik lang at hindi masalita, in short mahiyain ako. Wala akong masyadong kaibigan sa ugali kong ito. Kasi lalapit pa lang sila umiiwas na ako. Pag may nagtatanong iyuyuko ko agad ang ulo ko tapos pag sumagot yun bang puwet lang ang makakarinig? Yaaaaaay, grossy ba?!

Kung minsan gusto ko nang isumpa ang sarili ko sa pagiging mahiyain. Palagi akong nananalangin na sana naman mawala na itong pagkamahiyain ko. Negative kasi siya na attitude. Kaso lang naisip ko paano ko ba siya tatanggalin nang hindi nakakahiya? O di ba, mahiyain talaga!

Abah, isipin niyo naman kung sakaling bigla akong maging friendly o di ba maraming magtataka pag nagkaganun. Marami ang magtatanong, marami ang mapapataas kilay.. baka akalain nila sinaniban ako.. mas nakakahiya iyun!

Naiinggit ako sa mga classmates kong babae gaya ngayon na nagtatawanan habang nagkukuwentuhan. Iyun bang grabe lang makabunghalit ng tawa na mapapagaya ka talaga kaso pipigilan mong madala kasi hindi ka naman kasama sa grupo nila dahil nasa isang sulok ka lang at tahimik na nag-iisa, nakayuko sa librong nakabuklat nga pero sa totoo lang hindi naman nagbabasa. Ganun ang scene!

Maya-maya namalayan ko na lang natahimik sila. Nagtaka ako at mula sa binabasang props na libro pasimple ko silang sinilip. Nakita kong nakanganga silang lahat at nakatanga sa iisang direksyon. Sa pinto. Agad ko namang sinundan ang tinitingnan nila. At grabe, mapapanganga ka ngang talaga! As in waaaaaaahhh!

Sino ang di mapapanganga sa tindig ng bagong dating na ito. Ang Campus Crush ng Bayan slash Student Council President na si Kent Rowei Fontanar ay nasa tapat ng pintuan namin! As in ngayon talaga mismo! Owwww Emmmmmm Dyeeee!!!!! Gustong lumukso ng puson ko este ng puso ko sa kinalalagyan. Paano ba naman malapit kaya ako sa may pintuan! Kyaaaaaaaaahhhhh!!!!

Paanong ang guwapong nilalang na ito ay napadpad ngayon sa section namin? Fourth year kasi ito at star section pa. Samantalang ako ay 2nd year at last section lang naman.

KA-BLAG!

Nalaglag pa tuloy ang panty ko este ang libro ko na di ko namalayang dumulas na pala sa mga kamay ko. Awwtss, so kaka naman!

Shy Girl versus Campus Crush ng Bayan (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon