This is my rant about EOF. (Former Crossover)
Unang una sa lahat, halos lahat ng story mo nabasa ko na. Una ang Fearless Queen, hanggang sa mga sumunod mo na stories. At nung time na nalaman ko na gagawa ka ng bago, I was so excited na halos mag hang ung laptop dahil sa dali-dali kong pag click ng crossover.
Unang chapter pa lang, na excite na ako at gaya nga sabi mo na astig ung female lead, napakita na agad sa unang chapter kaya nagtuloy tuloy na ako sa pagbabasa. Iyon din ang naging reason kung bakit kita naging isa sa mga favorite authors ko. Dahil everytime na gagawa ka ng story, sa unang unang bukas pa lang ng story mo, ma fi-feel agad ng reader ang excitement at pagiging curious. Yung para bang may nagtutulak sa reader na ituloy lang ang pagbabasa ng story.
I'm a huge fan of yours and this story. Walang halong biro, lagi akong nag hahanap ng "Crossover - Phase (—)" updates sa notifications ko kahit alam kong irregular ang update schedule mo at kung hindi naman ako makuntento, lagi kong binabalikan ung mga chapters. Yes totoo po iyon, binabalikan ko ang mga chapters.
About naman sa characters ng story. My goodness!
I'm so inlove with Keiron Villareal. Definitions pa lang ulam na, paano pa kaya kung makita mo na talaga, diba?
Abs, biceps, handsome face, husky voice, perfect lips.
Nakakaloka, tapos wait idagdag mo pa ung description ni D-ianne kay Keiron na "D*mn, he's f—king hot" lalo tuloy ako kinilig. Hahaha! Kay Dianne naman, I really admire her. Yung pagiging cool and brat niya, yung pagiging fashionable kahit wala sa tamang lugar. Haha! And syempre ung karisma niya!
Ikaw ba naman paligiran ng hot guys?! Sa kanya wala masyadong effect tapos sa akin, hindi ko nakikita pero todo ngiti ako!
Naman! Kinikilig ako lagi sa moments ni Keiron at Dianne!!
My Favorite Diron/Kianne Moments
> Part sa gym na sinigaw ni Dianne ung "babe" tapos biglang hinila siya ni Keiron! Oh my goodness! The feels!
> Ung pagiging possessive ni Keiron dun sa field and"his kisses" Nakakaloka!
> Ung bus scene nila, OMG!
Favorite part ko naman kay Keiron ay ung pumunta sila sa mail churvaness. Tapos ung nag-inat siya, ung nag flex ung muscles niya! GRABEHAN LANG! I NEED AIR, PLEASE.
"Seducing jerk of all times" Ika nga. Hahaha!
Favorite part ko naman kay Dianne ay ung part na tinackle niya si Keiron sa sa american football. HAHAHA! Nakakatuwa kasi eh, kahit hindi ko alam kung bakit ako natutuwa, siguro kasi na hug niya? Haha! Echos lang yun.
Para naman sa ending ko.
I seriously love this story at aabangan ko ang updates nito lagi.
And also, about sa sinabi mo na you're not really good at writing when it comes to romance dahil action ang forte mo, well ang masasabi ko lang, the best din pag gumagawa ka ng love stories gaya ng sa Fearless queen. Ang kilig na nararamdaman ko between Chase and Chesca. Super duper kilig na nararamdaman ko tuwing magsasama si Dianne at Keiron.
I love both you and your stories! Hahaha!
By the way, hindi masyado pang stories ang name ko kaya nakakahiya din minsang ipalantaran. Haha
+ Millen coming thru