« Chapter 11: The Plan»

375 24 8
                                    

Hey guys! Pasingit lang nito; sana po ay suportahan niyo ang story ni FTorture naPutitay At Ang Magic Napkin” . Thank you! ❤

3rd Person's Point Of View

"Uy Krishna. Bilisan mo nga yang kilos mo, dinaig mo pa yung pagong sa kabagalan mo!" Sigaw ni Yuki. Kanina pa nila hinihintay si Krishna na bumaba.

"Naglalakad na ako sa hagdan, wag ka ngang magmadali. Makabagal 'to, akala mo naman kasing bilis niya si flash para magreklamo." Sigaw ni Krishna at nakabusangot habang tinatahak ang kanilang hagdan.

Nang makababa siya ay agad niyang nginitian ang mga kaibigan, "Tara na," Sabi niya at tumalikod at naunang maglakad.

Binuksan niya ang pintuan at ganun na lang ang panlalaki ng mata niya sa sumalubong sa kaniya.

"Good morning!"

"Bakit ka nandito, Nike?" Tanong ni Alyana nang makabawi sa gulat, "Am I not allowed here?" Tanong ni Nikolas Drake 'Nike' Smith, nakuha yung Nike dahil sa 'Ni' ng Nikolas at 'Ke' ng Drake

He's Haru's little brother. Sweet to her sister, a snob to her sister's friend and a cold and ruthless man to others, that's him.

"Wa–"


Naputol yung sasabihin ni Krishna nang biglang dumamba ng yakap si Yuki kay Nike. "Wah! Namiss kita Nikee!" Krishna just rolled her eyes nang marinig ang turan ni Yuki.

"I would like to miss you too but I just can't so I'm sorry because our feeling is not and will never be mutual. And you looked like a monster in your thick eyeglasses. Your messy hair. And your baduy clothes" Saad ni Nike at pilit na umaalis sa pagkakayakap ni Yuki sa kanya.

"Grabe ka naman sa'kin Nike." Nakabusangot na sabi ni Yuki, "May inutos sayo si Tito noh?" Dagdag ni Yuki.

"Ofcourse, I'm not that sweet para pumunta lang dito para bisitahin si Haru noona. Pinapatanong ni Dad kung kamusta na ba yung mission niyo kuno," Saad ni Nike. "Tell to Dad that we're still in the process in investigating our 'suspects'. Give us a 2 or 3 months and we'll completed it." Sagot ni Haru sa kapatid.

"Okay, if you say so. By the way, kanina pa ito naglalaro sa isip ko. Kung nandito si Nike pano natin ipapakilala si Nike kila Zach?" Natahimik ang lahat sa tanong ni Yuki.

"Who's Zach?" Nakakunot ang noong tanong ni Nike.

"Well Zach is one of our suspects. Tito gave us a mission and that mission is to investigate a hidden transaction in Smith Academy while disguising and pretending as a effing Nerd. And Zach is one of our suspects," Maikling pagpapaliwanag ni Haru. Tango lang ang sinagot ni Nike at biglang ngumisi,

"Wait! Hindi ba kayo mabubuking niyan kung papupuntahin niyo sila dito? I mean in people's mindset, nerd means poor. Ano lang kaya ang maging reaksyon nila kung makita kung gaano kayo kayaman?" Natahimik ang grupo nila Haru sa sinabi ni Nike, "Actually share ko lang 'to may naisip akong solusyon tungkol diyan." Dagdag ni Nike,

"Ano yang solution na yan? Tell us." Ngumisi si Nike sa sagot ng kanyang ate na si Haru. "Pasok muna tayo sa loob." Sabi ni Nike at linagpasan sina Haru.

~*~

"Bakit ba ang tagal nila?!" Pikon na sabi ni Krishna at muling tiningnan yung entrance door ng Starbucks. "For Pete's sake, they're 30 minutes late at 30 minutes na ring kaming naghihintay dito." Bulong nito sa sarili, 

"Chill ka lang Krishna. Dadating rin yan in the right time, kagaya lang ng love dadating din iyon sa tamang panahon." Natatawang saad ni Yuki, "Oh wait– Nandyan na pala sila oh!" Napatingin silang lahat sa sinabi ni Yuki. Pumasok ang grupo nila Zach at pumunta sa gawi nila Haru.

"Sorry kung nalate kami. Traffic kasi e," Paghingi ng pasensya ni Kai. "Walang magagawa yang sorry mo. Tara na nga." Sabi ni Haru at naunang naglakad palabas ng Starbucks.

Habang naglalakad ang dalawang grupo papunta sa mansion nina Haru na nasa pinakadulo ng subdivisiong ito, naalala ni Yuki ang planong naisip ni Nike para di mahalata nina Zach kung gaano talaga kayaman ang apat na kababaihan,

*Flashback*

"Oh ano yung naisip mo?" Seryosong sabi ni Krishna. Ngumiti lang si Nike, "Kunyari amo niyo ako, anak ng amo niyo to be specific tas kunyare mga katulong ko kayo. Syempre uutus utusan ko kayo. I'm gonna act like a spoiled brat, well actually in fact I don't need to act it, I'm actually a spoiled brat." Napanganga na lang ang lahat sa sinabi ni Nike.

"Wh–What?! Kami? Katulong? Nino? Mo? Aba putangina! Mas pipiliin kong magpakamatay na lang! Hindi ako makakapayag–"

"Kaya nga kunyari lang, Yuki noona. It's all an act, may sinabi ba akong totoo iyon? Diba wala." Pagputol ni Nike sa paghyhysterical ni Yuki.

"And don't worry hindi naman mahirap yung mga utos ko sa inyo e. Actually madali siya, hindi kayo gaanong maiistress. Trust me," Nakangiting sabi ni Nike. Napabuntong hininga si Haru bago magsalita at sabihin ang kanyang nabuong desisyon,

"No choice tayo, guys. Kailangan nating tanggapin yang alok ni Nike."

*Flashback Ended*

"Earth to Yuki! Hoy! Nandito na tayo." Nabalik sa sariling wisyo si Yuki sa sigaw ni Krishna sa kanya, sinamaan niya ito ng tingin at napatingin sa mansion nila. "Good luck to us"

Binuksan ni Mang Raul ang gate at hindi mapakaling naglakad sina Haru papuntang loob kaya napakunot ang grupo nila Zach.

"May problema ba?" Tanong ni Sky. Hindi na din kasi siya mapakali sa nagiging akto nila Alyana.

"Y-Yeah. Tensed lang kami." Natatawang pulusot ni Alyana at napakamot sa ulo. Imbes na magtanong pa ay nagpatuloy na lang sa paglalakad si Sky.

Nang makalapit sila sa harapan ng pinto ay agad silang pinagbuksan ng mga katulong,

Pagkabukas na pagkabukas ng mga katulong ay isang confetti at isang tunog ng turotot ang sumalubong sa kanilang walo,

"Welcome to my mansion! I'm Nikolas Drake Smith, Nike na lang para madali. Ang nag-iisang gwapitong amo nina Haru. It's pleased to meet you, guys."

Mission: Disguise And Pretend As A Nerd [#WeHelpYouPh19] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon