Enoc
"Wag mo nga akong niloloko."
"Hindi nakakatuwa."
Yan lang ang sinabi mo sa akin, after i confessed about my feelings for you. It really hurts, why? Because I assumed that you like me too. Ang tagal kong pinagisipan lahat ng sasabihin ko, pero hindi ka naniwala na gusto kita. I dunno why, baka may sarili kang reason kung bakit. Hindi ko na tinanong pa, dahil nahihiya ako sayo. Napaka dami kasing "baka" ang tumatakbo sa isip ko. Masaya parin ako kahit hindi ka naniwala, dahil hindi mo ako nilayuan at mas naging close pa tayo.
Sobrang saya mong kausap, ang kulit kulit mo. Although, hindi tayo masyadong naguusap sa personal. Nakakatawa nga eh, kahit magkatabi na tayo ay nagcha-chat parin tayo. Ewan ko ba kung bakit hindi kita matitigan sa mukha, nahihiya akong kausapin ka ng malapitan. I've try so many times, but i failed. Hindi talaga kita kayang kausapin in personal.
Sabi mo nga, ang fame ng crush mo. Tinanong kita kung, "Bakit?"
"Kasi naguusap kami sa messenger pero sa personal ayaw nya kong kausapin." You replied
Nagpanting ang aking punong tenga, inisip ko kasi na baka ako yung crush mo. Dahil ganito tayo. Everytime na magkikita tayo, kinukwento mo yung mga scene na nangyari kapag magkachat na tayo. Pero hindi mo sinasabi kung sino o saan yun nangyari. Dahil dito, akala ko talaga na ako na yung crush mo.
Lagi mo kong hinahanap everytime na wala pako sa school, panay ang chat mo sakin sa messenger. Sakin ka din lagi tumatabi o sumasama kahit anong event sa school. Ang saya sa feeling pag tumatawa kana. Ang sarap mong pag masdan, parang ayaw ko nang umuwi kapag kasama ka. Kahit na hindi tayo masyadong naguusap in person. Pero panay naman ang tingin mo sa akin. Tapos pag nahuli kita, ngingiti ka bigla pero hindi mo ibabaling ang tingin mo bagkus ay titigan mo pako.
Ikaw lagi ang unang nagchachat sakin, napaka daldal mo. Hindi ka nauubusan ng kwento. Hindi ka matutulog hanggang hindi ako natutulog.
Naaalala ko pa, kapag matutulog na tayo. Mag ooffline ka tapos susunod nadin ako. Pero lilipas lang ang ilang minuto ay mag oonline ka ulit para lang icheck kung natulog na ba talaga ako. Ang saya sa feeling everytime na ginagawa mo to. Feeling ko napaka special kong tao para sayo. Yun pala, feeling ko lang pala takaga pero hindi ganon ang meaning nito para sayo.
Yes, I assumed na gusto mo ko. Dahil sa mga bagay na pinapakita at ginagawa mo. Everytime i ask you kung sino ang gusto mo. Ayaw mong sabihin. Sabi nila pag ganon daw, ikaw daw yung gusto ng isang tao. Sana pala hindi nalang ako naniwala sa mga sabi sabi nato.
Lumipas ang mga araw at buwan. Unti unti ko nang nararamdaman ang pagbabago. Hindi kana tulad nung dati, na madaldal kapag kausap ako. Si-ni-seen mo nadin minsan ang mga chat ko. Worst pa, sabi mo matutulog kana pero pag nag online ako sa dummy account ko. Nakaonline ka pa pala, pero naka turn off chat ka lang.
Ang sakit, gusto kitang komprontahin pero ayoko. Wala naman kasi akong karapatan sayo. Hanggang sa lumipas pa ang mga araw at mas lumala pa ang mga pangyayari. Chinachat kita pero hindi ka nagrereply kahit naka online ka.
Minsan ay napapadalas ang pag-sstory mo ng mga sad memes or sad quotes. Naglakas loob akong tanungin ka kung para kanino ba ito. Kahit sobra akong nahihiya, ginawa ko para lang malinawan ako. Masakit man malaman pero ito ang tamang gawin.
"Wala na kami ni Erwin." Nanlamig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung akong sasabihin ko. Kaya sinabi ko nalang, "Hahahahaha. Kaya mo yan." Kahit masakit sakin.
Parang napahiya ako sa aking sarili. Akala ko may something na sa atin. Akala ko gusto mo rin ako. AKALA KO LANG PALA ang lahat. Hindi kasi ako nagtanong, kung ano bang meron sa atin. Nag-assume nalang ako basta.
Simula noon, hindi na kita ginambala pa. Lumayo ako sayo dahil alam kong ito ang mas makakabuti para sa akin at sa ating dalawa...
***
Hope you guys will enjoy this one. I'm a trying hard writer. Hahaha. If you don't mind, you can also check my orher stories. Hehe thanks in advance! And also, follow me? Thanks again!
BINABASA MO ANG
Ghost of you [One Shot]
Short StoryMahirap mag-mahal, lalo na kapag akala mo mayroong something na namamagitan sainyo. Pero ikaw lang pala yung nakakaalam non.