Apat

35 0 0
                                    

Apat

Sinadya kong magpalate sa school dahil alam kong wala nama

ng gagawin gaya ng mga nagdaang 3 araw.

Hindi ko alam kung bakit pa ba ako pumapasoké kung wala naman masyadong ginagawa sa school. Minsan ay binibigyan lamang kami ng dapat sagutan o basahin. Halos wala ng nag le-lecture na guro dahil sa kakaunti lamang ang estudyante sa room.

Nasa kahabaan ako ng pagkatunganga nang magring ang bell hudyat na recess namin. Naabutan ko sa corridor na tumatakbo ang ilang mga estudyante, karamihan ay mga babae.

Wala akong ideya sa nangyayari. Nang makita kong tumatakbo rin si Daniel na ngayon ay nakasalamin at may hawak hawak na math book, ay hinarangan ito at tinanong kung anong nangyayari.

"Aba, malay ko, papunta ako sa library hindi kung san din sila papunta noh" mataray nitong sabi.

Nagtaka ako sa asta ng binata, sapagkat hindi ito masyadong nagtataray. Marahil ay nape-pressure lamang ito sa pag-aaral ngayon. Well, mukha siyang nerd ngayon, yon lang.

Napagdesisyunan ko na lamang na pumunta sa matiwasay na lugar na kita ang basketball court at kumain.

"why here?" aniya nang binatang nasa harap ko. Napatingala ako nang maaninag ko ang mala anghel este mala mistoryosong lalaki.

Siya na naman?!! Arrgghh! Naalala ko na naman ang panunutya niya sa akin kamakaylan

"Cause i not there" turo ko kung san-san. Hindi man lang kasi makabuo ng buong sentence itong lalaking to, kaya ginaya ko.

"This is my place" aniya at napapitlag ako nang umupo ito sa aking tabi.

Alam kong balak niya na naman akong inisin at mamaya ay iiwan gaya ng kanyang mga ginagawa kaya uunahan ko na siya.

"Alam mo, try mong mag tagalog. Kasi wala tayo sa USA!. Panget! bleh" tumayo na ako at nagsimulang maglakad palayo.

E'm great! Masaya ako dahil nakabawi ako sa kanya kahit lame iyon. Yess! nanalo ako sa kanya ngayon. Nainis ko siya. Well, hindi ko alam kung nainis nga siya.

Nang may naramadaman akong humigit ng kamay ko at may bagay na lumapat sa aking labi.

O.O

"i told you, you're panget, not me!" aniya matapos nakawin ang first kiss ko at umalis.

Calm down, Mia. Walang nangyari, hindi ka niya sinaktan, hindi ka niya pinakitaan ng nakakatakot na tingin. Pero--

"Aaaahhh! Dexter!!!!" hiyaw ko kahit na nasa malayo na siya ay alam kong narinig niya ito.

Tama Dexter ang pangalan niya. Siya nga! Naalala ko na ang pangalan niya. Bwisit!

Pumunta ako sa badminton court na katabi lamang ng basketball court. Umupo ako sa may bench habang ang aking mata ay nakatingin sa naglalaro sa court pero ang isip ay lumilipad sa langit.

"Yaayy! wooh! i knew it, i knew it!" aniya nang matinis na tinig.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Anong karapatan niyang halikan ako, ayos din trip non eh. May pasabi sabi pang panget ako, tapos hahalikan pala ako. Psh! Bakit niya ba kasi ako hinalikan? waaahh! Wala na akong first kiss.

"kaya kung gusto mo matuto at kahit try out kahit late, sakin ka paturo--- Miaaaaa!" aniya ng tinig ng babae. Don ko lamang nalaman na katabi ko na pala si Zay.

Napababa ang aking kamay mula sa labi ko nang makita at marinig ang nakalaking mata at maingay na boses nito. Tinuon ko ang aking kinakabahang mata sa kanya, shit! ayoko kayang sabihin sakanya ang nangyari. Hindi pa man din niya kilala si Dexter!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PafallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon