Chapter 21

6K 299 13
                                    

Autumn

Alas otso na ng umaga pero nasa kama pa rin kami ni Miss Davidson. Nagpunta na si Accalia sa mate nito habang si Alusia ay dumiretso sa trabaho.

I'm still in my wolf form at nakaunan ito sa akin. Ayos lang naman dahil hindi naman kami katulad ng mga ordinaryong hayop na nag-iiwan ng balahibo. Sa katunayan ay hindi nalalagas ang balahibo namin. It stays there thick and smooth maliban na lang kung gugupitan ito. So it's safe to cuddle us at parang sinadyang ganito talaga kami para laging safe ang mate namin.

Gumalaw si Miss Davidson at akala ko ay magigising na ito pero humarap lang ito sa akin at niyakap ako. Lihim akong napangisi. Kung ngayon ay plano kong unti unting nakawin ang puso nito. Sa susunod puri naman.

That's right! Agad kong narinig ang pagsang-ayon ni Alarick.

Not yet Alarick.

But we should mark her! Why wait if we can do it now? Sex her! Let's sex her!

Bakit kaya ang bastos ng wolf ko? Kung napapalitan lang sana ito pero hindi naman pwede. I have to deal with Alarick for the longest time.

I need to talk to Miss Davidson about us being mate pero ayaw ko itong biglain. Kapag nakuha ko na ang puso nito saka ko lang sasabihin ang lahat. Ayaw kong iwan ako nito kapag sinabi kong mate kami at kailangan ko itong gawing kauri ko. I wanted to take things slow but surely.

Tinitigan ko ang maamo at makinis na mukha nito. Mabuti at hindi ito nahulog sa ex nito kung hindi paniguradong malaking problema iyon. Hindi ko ito malalapitan at maliligawan. Siguro nagpakasal na rin ito doon kung sakali. Maiiwan ako at maghihintay ng napakatagal para sa second chance mate ko. It was rare pero hindi imposible.

Pero ngayong natagpuan ko na si Miss Davidson. Ayaw kong magkaroon ng second mate dahil ito lang ang gusto ko. Selene our moon Goddess would know about it. Binibigyan lang nito ang ilan sa aming namatayan ng mate o di kaya ay kinuha ng iba kung sakali. Pero ako magkamatayan na pero hindi ko pakakawalan ang mate ko.

I nuzzled my nose to Miss Davidson's neck. Kailangan na nitong gumising para makakain na ito ng umagahan. Ngayong nandito ito sa akin gusto ko itong alagaan at nungka kung papayagan ko itong makauwi. Kung nasaan ito ay dapat nandoon din ako.

Sweetheart gising na. I nuzzled my nose to her neck again.

Miss Davidson stirred at matagal bago ito nagmulat ng mga mata kaya ngayon ay magkatitigan na kami nito. Marahan kong kiniskis ang mukha ko sa pisngi nito. Mabilis itong yumakap sa akin.

"Ang sarap mong katabing matulog. You're so warm and fluffy!"

I wagged my tail. Natutuwa akong gusto nito ang pagiging isang lobo ko.

Let's go eat sweetheart.

"No! It's Saturday so let's get lazy!"

Natatawa ako rito sa aking isipan dahil para itong isang bata. Mas humigpit pa ang pagkakayakap nito sa akin.

Let's go and I'll take you somewhere.

Agad itong tumitig sa akin ng may pagdududa. What? I transformed my self into a human at agad akong yumakap dito pabalik. I buried my face into my mates neck and inhaled her scent. Ang bango!

"Let's have a date somewhere. I found this place and you will surely like it."

"Autumn we can't go out. If anyone sees us they will report it."

"Trust me sweetheart. Wala namang pakialam ang mga tao sa panahon ngayon. Besides para lang tayong magbarkada. And we're not going in public kung iyon ang inaalala mo. Gusto kitang dalhin sa tahimik at magandang lugar para masolo kita." Natawa ako rito ng mahinang tampalin nito ang braso ko.

"I don't like you thinking that way."

"Don't worry Miss Davidson. I don't think that way. At saka ikaw lang naman ang nag-iisip ng iba sweetheart." Natawa ulit ako ng mahina ako nitong kurotin. Tinitigan ko ito at namumula na naman ang mahal ko. Ang sarap talaga nitong tuksohin kahit kailan.

Miss Davidson buried her face in the crook of my neck. Halatang nahihiya ito.

"Sweetheart huwag na mahiya. It's just me your future girlfriend."

"Stop it." I heard her mumbled in my neck. Ang cute talaga nito.

"What? You don't like it sweetheart? Future wife then." Mahina ako nitong niyugyog kaya natawa ako.

"Autumn."

"Yes sweetheart?" Hinaplos haplos ko ang likuran nito.

"I want to give this a shot."

Natigilan ako at sinubokan kong titigan ang mukha nito pero nanatiling nakatago lang ito sa leeg ko. Napangiti ako rito. Does it mean magiging kami na?

"Sasagutin mo na ako sweetheart?"

Lumayo ito ng kaunti sa akin pero hindi naman kumalas sa pagkakayakap ko.

"You're not going to hurt me?" Iniisip ba nitong gagawin ko rito ang ginawa ni Jameson? That man is crazy. Dapat sa lalaking iyon ay tinuluyan ko na lang. Mas bagay doon ang mapunta sa mental hospital. He needs to be treated.

"Bakit mo naisip iyan sweetheart?" Is this the right time for me to tell her about it?

Napabuntong hininga ako. "Do you believe about vampires and wolves having a mate?"

Matagal bago ito tumango pero natigilan ito at nakipagtitigan sa akin. Kinuha ko ang kamay nito at inilagay sa mismong tapat ng puso kong nagwawala sa dibdib ko.

Napatutop ito ng bibig. "I am your mate?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Hinapit ko ito ng husto ng hindi ito makakawala sa akin.

"You're my mate and I will do everything for you. We are destined, the moon Goddess gave you to me at kahit anong gawin mo, hindi na kita pakakawalan. Makikipagpatayan ako kapag may pilit na kumuha sa iyo sa akin dahil hindi ako papayag na iba ang makatuloyan mo. Ako lang dapat kaya kung iniisip mong gagawin ko ang ginawa sa iyo ng ex mo. Think again sweetheart, I will never do that to you."

"I don't know what to say. I am your mate?" Tanong ulit nito kaya napangiti ako. Why does she have to be so cute? Hindi ba ito naniniwala sa akin?

Napatango ako rito.

"Akin ka lang Miss Davidson. And whoever comes between us.."

"W-What?"




"Buburahin ko sa mundo."

She's Fierce . She's a WOLF 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon