Hyacinth's POV
Heto na naman ako. Hindi ko na naman maintindihan ang closet ko. Magulo at wala sa ayos. Naghahanap kasi ako ng perfect outfit kasi birthday ng isa kong BFF. May party sa bahay nila.
*kriiiing kriiiing*
May natawag. Nasaan na ba cellphone ko.
"Hell--"
"Hyacinth! nasaan kana? mag sstart na party ko. Pati ba naman sa party ko late ka pa rin. Dalian mo na sasabunutan na talaga kita!" si baklang France.
"Oo na. I'll be right there in 10 mins."
Binaba ko na ang cellphone ko at sinuot na lang ang hawak kong damit. Isang off shoulder dress na black na fitted.Wala na akong choice at male-late na ako.
I grabbed my car keys at pinaharurot na ang kotse ko sa bahay nila France.
Ako nga pala si Hyacinth Cruz. I'm 24 kakagaling lang sa breakup last 3 months. 5 years din kami ng Ex ko kaya hanggang ngayon di pa din ako nakakamove on.
Hay naku! naalala ko na naman ang panloloko ng Ex ko. Pinakamasakit sa lahat.
France' Party
"Hyacinth!" si Bianca one of my BFFs.
"Bianca, nasaan si Baklita?"
"Late ka luka. Nag speech si Baklita wala ka. Nabanggit niya tayo nakaka iyak. Anyways, nandun si France sa mga kalalakihan. Pero beshy andun si Kristoff." tumigil ang mundo ko nung marinig ko ang pangalan na yun. Pangalan ng taong minahal ko ng sobra sa loob ng 5 years na sinaktan ako ng sobra.
"Tawagin mo na lang si France. Masasampal ko talaga yang baklang yan. Bakit niya ininvite yung lalaking yon."
"Malamang pinsan niya yun at kapitbahay niya lang yun. Halika na muna kain ka muna girl. Tatawagin ko lang si Vaklush."
Umalis na si Bianca. Kumuha na lang ako ng wine. Parang gusto kong magpalamon sa lupa.
"Hyacinth! bakit ka late? gusto mo sampigahin kita. Kumain kana bang babae ka?" si France.
Niyakap ko siya.
"Happy birthday my sissy."
Nagyakapan kami. Napakalapit kasi ni France sakin sobra.
"Kumain ka ng madami Cinth at iinom tayo ng bongga."
"I have a present for you sissy."
"What? kinikilig naman ako beshy."
"Mamaya ko na lang ibibigay nasa kotse pa." napasimangot naman si France. Pina prank ko lang siya kasi ang totoo wala akong regalo sa kanya nakalimutan ko bumili. Hihi!
"Ewan ko sayo. Diyan ka muna at I'll just entertain the other folks. Mwa mwa!"
Siyempre iniwan na ako ni France. Nag try na lang ako ng mga handa ni France sa may Dessert table. May chocolate machine.
Kumuha ako ng cup cake, chocolate pulvoron, choco bars and --
"Cinth." pamilyar ang boses.
Hindi ko alam kung haharap ba ako sa kanya or papalamon nalang sa lupa.
I have no choice. Kailangan kong ipakita na naka move on na ako kahit hindi pa. Ayokong ipakita na mahina ako.
"Kristoff." ngumiti na lang ako kahit fake.
"Uhmm..kamusta kana?" bakit ang kapal ng mukha nyang magtanong ng ganun? Akala ba nya naka move on na ako? Parang gusto kong umiyak at pagsususuntukin mukha nya.
"Uhmm..Kristoff excuse lang muna kailangan ko ng mag CR." iniwan ko na sya. Ang kapal ng mukha nya.
Hindi ko pa rin sya napapatawad sa ginawa nya saakin.
Sa 5 years namin na naging faithful ako sa kanya pero anong ginawa nya? niloko nya ako.
Nung unang beses na ginawa nya sakin yon pinatawad ko siya kasi naisip ko baka sinusubok lang kami ng tadhana. Kaya binigyan ko siya ng isang pagkakataon.
Yun yung pinakilala ko sa kanya yung kaibigan ko, si Nathalie. Hindi ko alam na hindi ko pala kaibigan ang babaeng yun dahil nagawa niyang makipag landian sa boyfriend ko. Mag send ng nude photos, makipag text and chat. Kung hindi pa ako namulis at hinulaan password ng account at phone niya hindi ko pa makikita. Oo, pinalampas ko yun dahil wala e mahal ko si Kristoff at pinatawad ko siya kasi naisip ko na lalaki kasi sya at yung babae na ang lumalapit.
Napatawad ko siya at hindi nagbago pagmamahal at tiwala ko sakanya. Pero ito ang pinakamasakit, yung ulitin nila na maglandian at magsend ng nude photos vice versa at dumating sa point na nag hohotel sila, napunta si Kristoff sa condo ni Nathalie vice versa. T*ngina! siguro kung hindi yun nakita ni Kuya Hansel baka hanggang ngayon niloloko pa rin nila ako mga h*yop sila. Ini stalk pa namin sila nila Bianca. Kaya pala twice a month na lang kami magkita at tuwing umaga na lang nagkaka chat and text. Wala na, sumabog na ako. Hindi na lang siya kinausap at hinayaan na si Kuya Hans at France ang kumausap sa kanya. Sumuko na ako at tinigil na ang pagiging t*nga. Nakipag hiwalay na ako ng maayos.
And that's it. Ganyan ako niloko ng sarili kong kaibigan at Ex. I will make sure na hindi na yun mauulit.
"Hyacinth?? Oh my G. Bakit ka umiiyak?"
"Bianca. Nakita ko si Kristoff. Hindi ko pa kaya. Can you tell France that I'll go ahead na? I can't take this anymore. Ang sakit pa rin sis." niyakap ako ni Bianca.
BINABASA MO ANG
Tragic Love, Hate, Repeat.
Tiểu Thuyết ChungTragic kung mai dedescribe ang buhay ni Hyacinth pagdating sa Love. Dahil kagaya ng Kuya Hansel nya, naging masalimuot din ang naging buhay nya sa pag ibig. Magmamahal pa rin kaya ang tulad ni Hyacinth? o habang buhay na hatred nya sa Love?