Yumi's POV
Naglalakad ako kasama ang aking kaibigan na sina Akira at Kaori. Papunta na kasi kami sa sunod naming subject which is math -.-
Tapos ang layo layo pa ng classroom namin sa math dahil nasa pinakataas pa ito ng building kaya nakakatamad umakyat sa hagdanan eh -.- mabuti pa sana kung makakasalubong ko si Hiro
"Mistulang artista
nang aking nakita
Dahan dahang lumalapit~🎶🎶"Music ko po yan sa headset hehe
Inayos ko muna yung headset ko dahil bumuhol ito (lagi naman) at saktong pagtingala ko ng aking ulo ay bigla ko siyang nakita. OMG masyado ba akong naging mabait kaya tinupad ng tadhana ang aking hiling?
Nasa dulo ng hallway si Hiro kasama ang mga kaibigan nito at papunta sila sa direksyon namin habang kami ay papunta sa direksyon nila. Gets?
"May pa slowmo na moment
Pahangin effect ,na napakalupet~🎶"Haaay bakit ba kasi sobrang gwapo niya tapos famous pa? Ang hirap tuloy niyang abutin. Bakit kasi ang liit ko huhu
Malapit na kami magkasalubungan kaya kinuha ko na ang tyansa na matingin siya ng malapitan. Buti nalang at nasa gilid siya at nas agilid din ako. Pwedeng magdikit ang arms namin kapag siksikan sa hallway hihi
Tinitigan ko si Hiro pero hindi ito nakatingin sa akin. Ouch :(
Nang magkasalubong na kami ay tinitigan ko parin siya. Hindi ko na nga pansin na katabi ko kaibigan ko. Dahil para sa akin ay si Hiro at Ako lang nakikita ko
Nang malapit na siyang makalagpas sa amin ay nakita ko siyang tumingin sa akin. Kikiligin na sana ako kaso biglang may tumulak sa akin sa gilid kaya napunta ako sa side ni Hiro
OMG MATUTUMBA AKO SA HARAPAN NIYA HUHUHU >\\\\\<
"Cause you making me kilig
Kilig na kilig~🎶🎶"Hindi ako makapaniwala sa nangyari dahil pagmulat ko ng mata ko ay mukha agad ni Hiro ang nakita ko. Nakatitig din ito sa mga mata ko
"You making me kilig
kilig na kilig~🎶🎶"Ilang segundo din ang titigan portion namin ni Hiro dahil may bigla nalang nag 'ayieee' sa paligid kaya umayos agad ako ng tayo at yumuko para hindi niya makita ang namumula kong mukha
"You making me kilig,
kilig na kilig?
kilig sayo~🎶🎶""Thank you" sabi ko saka umalis habang nakayuko parin. Nahihiya ako >\\\\<
Nang makalayo na kami ay bigla kong hinampas ang katabi ko---si Akira ,dahilan para mapadaing siya
"Ano naman ginawa ko?" sabi nito pero nandun parin ang ngisi sa labi
"Bakit niyo ako tinulak sa kanya?" seryosong sabi ko at napalunok naman sila
"Sorry naman. Ayaw mo pa nun? May kilig moments kayo ni Hiro" sabi ni Kaori
"I mean bakit hindi niyo man lang ako winarningan na yun pala ang gagawin niyo. Baka mukha pa akong ewan nun huhu" sabi ko habang binilasan ang lakad. Lagot na kapag mahuli kami sa klase noh
"Loka para hindi scripted! Kapag sinabi namin sa iyo baka imbes na mahuhulog ka ay tatakbo ka agad. Ang pangit mo pa naman umacting" mahabang sabi ni Akira na sinang-ayunan ni Kaori
Grabe ang sama nila sa akin -.-
~*~
*Vacant Time*

BINABASA MO ANG
Kilig Sa'yo (One Shot)
Novela JuvenilCrush kita pero hindi mo alam ---O N E S H O T---