Chapter 2

9 0 0
                                    

Dumeretso kami sa isang hotel malapit sa restaurant ni Lyka. Akalain mong itong shungang bestfriend ko, kayang magpatakbo ng isang restaurant?? haha mahilig kasi siyang magluto, niyaya pa nga niya ako minsan na culinary nalang daw ang kursong kunin ko para pareho kaming dalawa. Oo, mahilig din naman akong magluto, pero mas pinili ko ang kursong medicine.

Highschool pa lamang kasi ako ay gustong gusto ko nang manood ng mga doctor na nagrereseta, nanggagamot ng pasyente nila, at tumutulong sa iba. Tuwing summer noon, ay nag i-stay ako sa hospital namin. Actually, pagmamay-ari iyon ng lolo ko pero pinamana kay daddy kasi nag-iisang anak lang naman siya. Sumasama rin ako sa mga medical missions dati, tumutulong, nag aasist sa mommy ko pag nagbibigay ng gamot.

Hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Ako si Kade Celestine Lopez. 22 years old na ako ngayon, isa akong gastroenterologist. Expertise- liver diseases. Maputi, may pagkatangos ang ilong, may katangkaran naman, at brown na medyo curly yung buhok kong mahaba. Nanay ko, doctor din, half chinese siya, at tatay ko, businessman pero may iba na siyang family.

 "teh, kumusta naman ang London?" tanong bigla ni Lyka.

"maganda" yun lang ang tanging naisagot ko.

"nakatulong naman ba?" natigilan ako sa tanong niya.

"what do you mean nakatulong? nakatulong saan?"

"teh naman, ang LG (low gets) lang ang peg? syempre para makalimutan si----" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng magsalita na ako.

"stop it Lyka, ayoko nang pag-usapan yan" sabi ko.

"oops! sorry" sabi niya at nag peace sign pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

iloveyou XDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon