“Nakakainis talaga yun! Ang galing magpakilig!”
Sigaw ko dun sa bestfriend ko habang papasok kami ng cr.
“Sos. If I know eh kilig na kilig ka naman talaga deep inside. Maharot! Makati! Higad!”, sagot naman niya.
Bestfriends talaga kami. Kaya normal na lang sa amin ang mga ganung salita. Yes, wirdo talaga kami. Haha. But before anything else follows, let me introduce myself.
I am Kurdapia. Isa akong napakapangit na babae na halos kasuklaman na ng lahat ng tao! Pango ang ilong ko, malago ang kilay, panay tigyawat, acne pa! Maitim din ako at sugat sugat. Nung nagsaboy ata ng kapangitan eh natripan kong malaro ng piko nung mga pagkakataong yun. Bakit ba kasi hindi taguan ang nilaro ko? At least nakapagtago man lang sa saboy ng kamalasan. Haha.
So naniniwala ba kayo na ganun ako kapangit? Well, maniwala kayo. Kasi totoo. L
Joke! Kidding aside, since napapansin ko na hindi nakakatawa yung jokes ko. Grabe, I don’t have any comedienne in me.
Maganda talaga ako, since yun yung lagging sinasabi ng mga magulang ko.
“Ang ganda talaga ng anak ko.” Yun lang. Diba? Very sincere.
May mga nanliligaw din naman sakin. Pero parang wala aking type sakanila. Ang gusto ko kasi talaga yung mga gangster type! Yung mga tipong sobrang yabanng pero pagdating sayo, titiklop. Yung hindi ka naman mataba, pero tingin sayo eh bilog at unti unting nagiging mundo niya! Well, ang corny nung line na yun. Gangster na nasa mafia ha to clarify things. Naalala ko tuloy nung kakwentuhan ko yung teacher ko tungkol sa lovelife. Yes, teacher. Batang batas? Di naman siguro. Cool lang din yung mga teachers ko.
“Ang type ko po kasi ay mga gangster. Yung mga nakikipag gang war.”
“Aba! Ganun pala ang gusto mo. Punta ka sa may amin. Maraming gangster dun. Palaging mga hubad baro dun sa kanto. Dun na ata natutulog yung mga yun lalo na pag lasing. At lagi pang may riot.”
Okay? Mali ang intindi. Bakit ba kapag sinabing gangster ganun agad ang nasa isip? Hindi ba pwedeng nasa mafia? Sa dami na rin siguro ng mga nababasa ko, ganun na ang naging effect sakin ng mga gangter. May pagkakataon naman na doctors and lawyers ang trip kong maging boyfriend. Dahil naman yun sa mga napapanood ko. Ang taas na talaga ng standards ko kaya hindi pa siguro ako nagkakaboyfriend. Parang wala pa kasi talagang pumapasa sa level ko.
“Hoy Georgina Ysabelle Fontanilla! Kanina ka pa dyan sa cubicle eh di ka pa rin tapos. Ano bang ginagawa mo dyan? Padating na si sir! Hel-lo?”
“Sorry naman Danielle Garcia. Tapos na ko. Nawili lang talaga ako pagdedaydream!”
“Babae, sa cr ba mangarap ng gising? Hala, mag ayos ka na at lumabas na tayo.”
“Okay. Just a sec.”
Yes, I’m Georgina Ysabelle Fontanilla. Friends used to call me George, but Dannie always insist on calling me Georgie. Para tandem names namin. Georgie-Dannie. Wala lang. Magkatunog.
Lumabas na kami at nakasabay na nga namin papasok ang terror prof namin. Ayaw kasi nun ng mga lates. Gusto niya pagpasok niya lahat nasa loob na. so he glared at us na parang talagang kakainin na niya kami. For sure di niya gagawing kainin kami kaya siguro nag minus na lang yun sa classrecord niya. Nakita rin kasi namin na may minark siya dun. Yari.
“Grabe ka Georgie. Yan tuloy agad agad tayong nakita niyang terror na yan. Ang bagal mo kasi eh.”
“Yung totoo? Bestfriend ba kita? Eh halos sister na kita tas kung manisi ka akala mo ang laking kasalanan agad nun.” Sabay tulo ng luha. Theater actress kaya to!
BINABASA MO ANG
Inconceivable [ONE-SHOT]
RomanceTrue to life po ang story na to. Based po ito sa story ng isang tao na sobrang close to my heart. May mga parteng inayos ko at may parte rin na gusto niyang mangyari in the near future. :) Kung sino man po ang nakakaalam ng identity ng mga tao sa st...