Full Part Completed

155 5 2
                                    

Warren's POV

“Uhh. Just wait for further response, Mr. Cruz. We will call you.”

Psh. Pamatay na ‘We will call you’. Panigurado, di na naman ako tanggap nito.

Pauwi nako galling sa paghahanap ng trabaho nang may makabangga akong babaeng mukhang hirap na hirap dalhin yung malaki nyang maleta.

“Naku, sorry. Sorry, Miss. Di ko sinasadya. Tulungan na kita.”

Pagkatunghay ng mukha nya ay nakita ko syang... Umiiyak? Nakapow. Sino nagpaiyak dito?! Ganda pa naman.

“Uhhh miss, panyo oh?” Inabutan ko sya ng panyo para mapunasan nya ang luha nya.

“Thanks.”

“Naku, miss. Sorry. Sorry talaga ha. Hatid na lang kita sa inyo. Sa’n ba bahay mo? Mukha kasing mabibigat yang dala mo e. Huwag kang mag-alala. Di ako masamang tao, pramis. Peksman.”

Naglayas kaya ito? Bagong lipat? Nagbukod? Ah, ewan. Di sya sumagot at tumuloy lang sya sa paglakad habang buhat buhat ko yung maleta nya. Hala! Eh, pano kaya kung masamang tao pala ako? Edi, inuwi ko nato? Ibig kong sabihin yung maleta nya. E kung magnanakaw pala ako at hinayaan nya kong buhatin tong mga bagahe nya e baka tinakbo ko na ito. Hays.

Tumigil sya sa tapat ng isang maliit na kubo. Ito na siguro yung bahay niya. Tsk! Tsk! Mukhang parehas pala kami ng estado. Hirap sa buhay..

“Salamat.”

“Ah. Ayos lang. Ako pala si Warren. Pasensya na pala sa nangyari kanina ha? Nabangga pa kita.” Napakamot ako sa ulo na para bang nahihiya.

“Apology accepted. I’m.. I’m Mika. Thanks.” Sabi nya ng walang reaksyon.Spokening dollar pala ito. Nosebleed ako dun ah! Dito ba talaga to nakatira? English speaking e!

"Ah-eh hindi. Wala yun.Salamat din at pinagkatiwalaan moko." 

Natawa sya ng kaunti. Mukha ba akong clown?

"Di ka naman mukhang masamang tao e. Sige, I need to get in. Bye and thanks again, Warren."

Pumasok na nga sya duon sa bahay nya at nagsimula na akong maglakad pauwi..

------------

The Truth and Mistakes Leading to Regrets (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon