Part 1

2.5K 10 0
                                    

AUTHOR'S NOTE

Hi guys! So, may upcoming fanfic po ako sa Kathniel kung saan ikakasal po sila :) Emeghed sobra kilig ko ngayon hahaha. Mag-papractice lang sana ako ng "kasal" nila dito sa one-shot na 'to para pwede kayong magbigay sakin ng mga suggestions :) Please read this and suggest!!!

- Bernie <3

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

KATH'S POV

This is it. This is finally it. Tumingin ako sa paligid ko at nakita kong nakahanda na ang lahat. Ngayon na ang araw na magpapakasal kami ng lalakeng pinakamamahal ko, si Daniel John Ford Estrada Padilla.

"Uy Kath. Kumain ka na para makapaghanda ka na." sabi ng BFF kong si Julia. Hindi ko pala namalayang nasa likod ko lang siya't nag-liligpit ng makeup niya. Grabe 'tong si Juls. Kikay na kikay at siya pa talaga ang nag volunteer na mag-hair and makeup sakin.

"OK BFF. Mukhang busy ka diyan ha." sabi ko sa kanya. She gave me that "of-course" look.

"Syempre naman BFF, hindi dapat makalat ang mga kikay stuff ko dito mamayang pictorial. Nakakahiya naman kung ako nanga yung magmemakeup, ako pa yung makalat noh."

Tinawanan ko nalang siya at tinulungan siyang mag-arrange ng makeup kit. Aba, ang dami niyang high-end na brands... may MAC, NARS, Maybelline, Bobbi Brown, Chanel, at kung anu-ano pang mga mamahaling brands.

"Alam mo Juls, I really can't believe na ngayon na pala ako ikakasal kay DJ. Parang kahapon lang, mag boyfriend-girlfriend lang kami eh fiancé ko na pala siya at soon-to be husband."

"Ako nga rin eh. Biruin mo, naunahan mo pa akong maikasal? Hahaha!" tumawa si Juls. Sa sobrang lakas ng halakhak eh narinig ng other BFFs kong si Sofia at Bianca. Naku gising na pala yung mga bruhang 'to. Haha, joke lang!

"Aba... nag-chika na ang mga loka. Kumain na kaya kayo haha." sabi ni Bianca habang dahan-dahang pumasok sa kwarto.

Biglang nagsalita naman si Sofia. "Hahaha oo nga. Kumain ka na Kath. Nandun lahat ng mga paborito mong pagkain pero hinay-hinay lang ha, baka mamaya hindi ka magkasya sa wedding gown mo hihihi."

Aba grabe naman kung makapang-asar tong mga BFFs ko nato. Pero sabagay, nahalata nilang gutom na ako. Ang galing nilang manghula noh?... Bumaba na ako sa private dining room ng ni-rent naming resthouse sa resort. Super lawak at maaliwalas ang dating. Napaka-classic at Parisian ang style. Tama nga si Sofia, nakahain lahat ng mga paborito kong pagkain. Pagtingin ko sa lamesa merong bacon, french toast, fried and scrambled eggs, garlic rice, chicken tocino, fruit salad, at buttered vegetables. Meron ding mga pampalamig tulad ng orange juice, milk, and water.

"Sino naman ang kakain ng lahat na ito?" sabi ko sa sarili ko. Haay iba talaga si DJ... masyadong maalaga. Sigurado akong siya ang nag-utos na ihanda lahat to para samin. Umupo ako sa pinakagitnang upuan ng 12-seater dining table. Ano kaya uunahin ko? Hmmm.. eto nalang french toast. Mmm.. wow masarap. E eto namang buttered veggies... in fairness malasa, hindi masyadong lunod sa butter. Kinain ko na rin yung chicken tocino, eggs, at garlic rice pati na rin yung salad. Anu bayan!! Umiiral na naman 'tong katakawan ko! Hmp.

Biglang may kumalabit sa balikat ko. Ay si Manang pala. "Bebe Kath maligo ka na at darating na raw yung mga photographers and wedding organizers mo." sabi niya. Oo nga pala, Bebe Kath tawag niya sakin kasi nga nakasanayan... ilang taon na kasi siyang katuwang namin nila Mama at Papa eh kaya parang second mom ko lang si Manang.

"Opo manang. Ayy, paki paligo na rin po pala sila Cola and Nacho para mamaya. Baka po kasi dumating yung mga sisters ni DJ eh." nginitian ko si Manag at umakyat ng kwarto. Sabay nag-ring yung phone ko. Si DJ :)

Kathniel Marriage (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon