Part 3

611 4 0
                                    

KATH's POV

Kakatapos lang ng pictorial at sa kasalukuyan na kaming nagbibihis para sa kasal. Grabe ganito pala ang feeling noh? Madaming kailangang asikasuhing mga chu-chu. Pero kahit na malagas pa 'tong super shiny hair ko, ok lang at least kay DJ naman ako ikakasal.

"Ang ganda naman ng anak ko..."

Nagulat ako nung may tumabi sakin. Si Mama.

"Salamat po Ma. Syempre kanino pa ba ako magmamana kundi sa yo diba? Hihihi."

"Hay nako bola na naman ehh."

"Hahaha..."

"Anak, I'm so happy for you and DJ. I really can't believe na you're not our baby girl anymore.. You're all grown up. Basta lagi mong tatandaan na nandito lang kami para sa inyo ha? Alagaan mo sarili mo at yung baby...."

"Ma naman. Hindi pa nga nagsisimula yung kasal, baby na kaagad?!"

"Hehehe syempre excited na kasi akong magka-apo at magkaroon ulit ng Baby Chandria."

Niyakap ko nalang si mama. Enebeyen malapit na ko maiyak ehh.. Buti na lang at pumasok sa kwarto si Tita Karla, at si Ate Roanna. Nakabihis na rin sila ng outfit.

"OM Congrats Kath!!!" Niyakap ako ni Ate Roanna, kapatid ni DJ.

"Thanks Sis!! Kaw rin!" Kinasal na rin nga pala si Ate Roanna sa boyfriend niya a few weeks ago kaso nga lang ngayon ko lang siya kinamusta.

"Congrats and God bless anak. Take care of DJ ha?" Sabi sa akin ni Tita Karla. Nagbeso kami habang inaayos nila Ate Roanna at ni Mama yung veil ko.

"Salamat po Tita. Wag po kayong mag-alala kasi magsusumbong ako sa inyo pag may ginawang kalokohan si DJ. Hahaha."

"Hahahaha O siya. Mauna na kami sa venue..."

"Ok po. Bye.." Sabi ko. Niyakap ko sila Mama, Tita, at Ate Roanna bago sila umalis papunta sa venue ng kasal.

Pagkalabas nila, pumasok naman ang makeup artist BFF ko na si Julia para tapusin na ang hair and makeup ko.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

DJ's POV

"Congrats BRO!"

"Oy oy Congrats Pare, iiwan mo na ang single life."

"Ingatan mo si Kath ha? Kung hindi magtago ka na sa dulo ng Earth."

"Kelan magkakababy?"

(OPPPSSS! Commercial break!! Hahaaha. Favor lang po! Pakibasa po ang story ko na I Fell in Love with A Nerd?! naipa-publish sa September 21, 2013! I'll dedicate some chapters para po dun sa mga nag-comment at nagvote!)

Haay. Yan nalang ang mga narinig ko galing sa barkada. Ingay naman dito sa kwarto.

"Heh wag nga kayo diyan. Baby kaagad iniisip niyo eh hindi pa nga kami kasal eh." Sabi ko at inirapan si Lester. Hay nako tong loko.

"Oo na... Pero ako ninong!" Sigaw ni Lester.

HAAAYYS. Makulit talaga 'to.

"Hahahaha. Salamat mga pare ha. Supportive all-the-way kasi kayo eh. Salamat talaga mga bro. Promise iingatan at mamahalin ko ng lubos si Kath."

"Siguraduhin mo pre. Hahaha, anyways mauna na kami... Naghihintay na yata sila.."

"Sige kitakits nalang bro."

Ayan lumabas na sila. Pinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng buhok ko.

Hmmm..... I can't wait to see Kath in a wedding dress, ready to be my wife, my forever.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHORS NOTE:

Sorry sa lame update guys! Nakaklokang projects kasi eh.. Pero susubukan ko talagang mag-adjust sa school schedule para makapag UD :)

Thank you po sa mga nagread!!!

Kathniel Marriage (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon