"BAKIT ang tagal mo namang bumalik?"
Kumunot ang noo ni Natalya nang maalalang may isang asungot na humarang sa daan niya kanina. Pasalampak na umupo siya sa kanyang upuan sa opisina. Kita naman niya ang pagtataka sa mukha ni Kira habang pinagmamasdan siya nito.
"O, nga pala," pagbabago nito ng usapan. "Naka-leave si Francis ng isang buwan. At sa atin iniwan ang mga trabaho niya. Paghatian na lang natin. Saglit lang naman ito at babalik rin naman agad ang asungot na 'yon."
"Mukha namang wala rin tayong pagpipilian, no?" aniya.
Napangisi na lamang si Kira. "Halata ba? Wala naman tayong magagawa kung tayo ang pinagkakatiwalaan 'nun, e. At least, nandito tayo sa opisina. Next month na ulit tayo lalabas para sa mga operasyon."
"Makakapagpahinga rin sa mga bakbakan," komento niya.
"So, kumusta naman ang inosenteng lalaking pinakulong mo last week?"
Halos manlaki ang mga mata niya sa biglaang tanong na iyon ni Kira sa kanya. Naiikot naman niya ang paningin sa buong opisina at sinisiguradong walang ibang nakarinig sa sinabi nito.
"Don't worry, walang nakarinig," pakunsuwelo naman nito sa kanya. "So, ano nga?"
Pinanlakihan niya ng mga mata si Kira. "Hindi ko nga sinasadya, 'di ba?" aniya rito. "Kung hindi kasi siya biglang sumusulpot at pinalayas 'yung lalaking kasama ko, e, 'di sana, nahuli ko talaga 'yung totoong suspek. Pakilamero kasi. Ayan, pati siya ay nadakip ng mga tauhan ni Francis."
"Hindi mo man lang natama?"
Bigla naman siyang nakaramdam ng konsensya sa sinabing iyon ni Kira. "Paano ko itatama? Nagkagulo na. Ginawa kong panakot 'yung baril para lubayan niya ako. Balak ko na dapat sundan at balikan 'yung suspek kaso biglang pumasok na ang SWAT Team. Kung alam mo lang kung anong takot at kaba ang naramdaman ko habang nakikita kong pinoposasan siya habang nakatingin sa akin. I know. I did something wrong."
"Dalawa tuloy silang nakulong ng suspek," natatawang saad ni Kira.
"Bakit kasi siya nandoon sa gaanong klaseng bar?" iritableng tanong niya.
Nakita niya ang pilyong ngiti ni Kira. "E, bakit parang apektado ka?"
"Hindi, ah!" mariin niyang tanggi.
"Iba ang sinasabi ng mga mata mo."
"Kira!" pigil niya sa pang-aasar nito.
Tinaas ni Kira ang mga kamay waring sumusuko na sa pang-aasar sa kanya. "Wala na nga akong sinabi, e. Change topic, huwag ka nga palang mawawala sa kasal ko, ah. Isa ka sa entourage ko."
Napanguso naman siya dito. "Wala na bang bawian 'yan."
"Baliw!" anito. "Hindi ka na nga sasama sa reception ko sa Batangas, pati ba naman sa simbahan na nga lang, tatanggihan mo pa ko."
"O, siya! Siya! Sige na! Huwag mo na akong konsensyahin!" aniya rito nang maging malungkot ang boses ng kaibigan.
"Alam ko namang hindi mo ko matatanggihan!" biglang pag-iiba ng tono nito.
"Ano pa nga bang magagawa ko?"
"Don't forget, ha! Kapag hindi ka dumating, 'yung inosenteng lalaking iyon ang magiging konsensya mo!"
"Kira!"
Pero isang malakas na tawa lang ng kaibigan ang binalik nito sa kanya. Napailing-iling na lamang siya. Well, if her friend knows what happened earlier baka todo-todong pang-aasar ang gagawin nito sa kanya.
"DON'T push me to the limit, Francis."
Isang hagalpak na tawa ang narinig niya mula kay Francis ngayong nasa parking lot na sila ng Santo Domingo Church. Katatapos lang ng kasal nina Kira at Gerrard at ito nga 'tong chief niya ay inaasar siya sa nagawang kapalpakan sa trabaho. Hindi na siya nagtataka kung kanino nito nabalitaan iyon. Kira and Francis are bestfriends.
"Hindi ka ba talaga sasama sa Batangas?" pag-iiba ni Francis.
Inirapan niya nito. "Gusto mong masira ang bakasyon mo kapag nagkita kami ni Joanne?"
"Mauna na ako. Huwag ka nang gumawa ng kapalpakan," biglang seryoso nito sa kanya.
Nginisian niya ito. "Sama na kaya ako sa Batangas?" pang-aasar niya rito.
"Huwag na. Dito ka na lang sa Maynila magbakasyon."
Lumakas ang tawa niya sa serysong mukha ni Francis. "Takot ka, no? Sige, hindi ko na sisirain diskarte mo sa kanya. Enjoy sa bakasyon."
Dinuro naman siya nito. "Huwag kang gagawa ng hakbang nang hindi nag-iisip ng sampung beses. Matapang ka kapag ito ang ginagamit mo," anito sabay duro nito sa sentido niya. "Pero marupok ka kapag ito ang gumana," dugtong nito sabay duro sa dibdib niya banda sa kanyang puso.
Hinawi niya ang kamay nito. "Huwag mong paandarin ang pagiging kuya mo. Kaya ko sarili ko. Umalis ka na nga. Maganda mood ko kanina, sinira mo agad."
Tumango-tango si Francis. "Mag-ingat ka."
Agad niya itong tinalikuran. "Tatlong araw lang naman kayong mawawala, makapagbilin parang hindi na babalik."
Hindi na niya ito hinintay na makapagsalita ulit at agad na naglakad siya palayo dito. Nilagpasan niya ang mga service van para sa mga bisita ng bagong kasal. Dumaan siya sa gilid at naglakad sa gilid ng kalsada habang tinatanggal ang pagkaka-braid ng mahaba niyang buhok. Hindi siya sanay na nakaipit iyon. Lagi lamang iyong nakaladlad habang hinahangin. Sanay na rin naman siya magsuot ng heels kaya hindi na rin iyon naging problema sa kanya kahit maglakad pa siya sa kahabaan ng Quezon Avenue.
Wala pa siyang balak umuwi ngunit wala rin naman siyang maisip na puwedeng pagkaabalahan. Nakaramdam naman siya ng gutom nang madaanan ang ilang restaurant.
Bakit kasi sa Batangas pa ang reception? Inayos-ayos niya ang ilang hibla ng buhok nang mapansin niya ang isang pamilyar na bulto ng lalaki na nakasandal hindi pa kalayuan sa Santo Domingo Avenue. Kinunotan niya ito ng noo nang umayos na ito ng tayo at ngumiti ng pagkatamis-tamis sa kanya.
"Ikaw na naman?" inis na angil njya rito.
Jonathan didn't drop his sweet smile. "I just wondering if you would finally say yes to my offer to have a drink with me? Mukhang wala ka namang balak na sumama sa reception ng dinaluhan mong kasal?"
Inirapan niya ito. Mukhang mataas talaga ang tiwala nito sa sarili na mapapayag siya. Tinitigan niya ito sa mga mata. Isa lang ang pumapasok sa isip niya. Baka naman puwedeng samantalahin ang pagkakataon.
"Ayoko ng drinks lang. I want main course and appetizer, too. Ang cheap mo naman. Yayayain mo na nga lang ang isang magandang babaeng katulad ko para uminom lang ng juice or whatever?"
She saw the victory on his smile.
"You should already say yes before. So, pumapayag ka na?" paninigurado nito.
"May sasakyan ka o maglalakad tayo?"
BINABASA MO ANG
BOOK 9: Natalya, The Bold Wrecker
RomanceAngel With A Shotgun Series #9: Natalya, The Bold Wrecker Natalya is an NBI agent. Since childhood days, she's been into guns and roses. Pero mas tama sigurong sabihing sinundan niya ang yapak ng yumaong ama. Wala sa utak niya ang pagkakaroon ng lo...