Mr. Right??

31 1 0
                                    

"Jenna gising na!'

"Uhmm.."

"Bahala ka dyan iiwan talaga kita. Malate ka mag-isa."

'Naman eeeeh! 5 minutes nalang!"

"5 minutes your face! Gasgas na yan, pag nalate ka dadamay mo na naman ako. Ayoko nga!"

"Aist!" Bumangon na ako at nakapikit pa na tumayo. Naglakad na ko papunta sa bathroom.

"Hoy! Dito yung papunta sa banyo. Dumilat ka kaya!"

Napadilat narin ako sa wakas. Ay oo nga pala, palabas naman na ako patungo sa mini-terrace ng room ko.

"Ay oo nga noh." Sabay tumakbo na ko papunta sa banyo.

After maligo, kumain ng breakfast, sumakay sa car, at makinig sa sermon ng magaling kong pinsan na si Amy ay nakarating din kami sa school!

Second week ko palang to dito sa school na to. Okay naman at wala pang kahihiyan at showbiz tungkol sakin. Malinis pa naman image ko.

At ang pinakaTHEBEST sa school na to ay madaming cute boys! Wow ha! Londe ko noh? Haha. Pasensya, pero di naman ako flirt, sa mind ko lang siguro..I mean eh yung kapag wala kang ibang magawa, gumagawa ka nalang ng story sa isip mo, lalo na yung lovestory mo.

And as usual, si crush ang laging leading man at sarili ko syempre ang leading lady.

AND totoo ang nabasa nyo, second week ko palang dito may crush na ko, actually it's may MGA crush na ko. ^__^

Classmate ko nga yung tatlong main and super crush ko. Kami kasi eh..ehem..special children    este mga taga-special science class pala. Kahit naman walang buhay ang lovelife ko at ako, okay parin naman ako sa academics ko. And fourth year na kami. Oh say, nagtransfer ako kung kailan pang last year ko na sa high school. Ay eh mahabang storya yun, pakwento nalang kayo kay lola Basyang kung magkatagpo kayo.

At eto na nga, kakakwento ko ng tungkol sa ibang details ng buhay ko sa school eh nawala na tayo sa present..

"Jenna! JENNAAAAAAAAAA!"

"Huh? Ano ba sinisigaw sigaw mo dyan?"

"Ay kaloka ka, kanina pa pala ako nagkwekwento dito di mo manlang sinabing pupunta ka ng Mars!"

"Mars? Wala pa kong sapat na pera pampagawa ng spaceship ko noh."

"Di porke matalino ka niloloko mo ko. O sadyang pilosopo ka talaga? Kaanu ano mo si Confucius?"

"Lolo natin."

"Haixt dyan ka na nga! Mangongopya pa pala ako ng assignment ko sa Physics. Baboosh! Bahala ka na dyan, mag-usap kayo ng mga damo"

Kumaway na ko para magbabye. Wala ako sa mood kasi kulang ako sa tulog. Nagbasa lang naman ako ng wattpad kagabi. Naupo muna ako sa isa sa mga bench sa quadrangle ng school namin dahil di pa naman nagsisimula ang klase namin, may urgent meeting kasi ang teacher namin sa Physics tungkol sa pagsali ng school for the Most Clean and Green school, say nyo ang aga palang nagplaplano na, di rin sila excited noh? Biglang nawala yung antok ko at naging alert ng may nakita ako sa di kalayuan na dalawang tao, holding hands na naglalakad.

"Sila na kaya?" bulong ko sa sarili ko.

Yup malayo palang alam ko na si Richard Santiago yung naglalakad kasama ni Caitlyn Joy Ramos. Ganyan naman talaga ang eyes ko, pag si crush malayo palang alam ko na eh.

"Uyy tignan mo gurlash oh!"

"Oh me gassh! No way!"

"Gaga parang iyo ha?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Right??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon