Excuse me! (ONE SHOT)

182 8 9
                                    

Excuse me! (ONE SHOT)

© Copyright 2014 by Iantatolala

"Excuse me. Mga salitang nagpainis sa kanya. Swerte ko na lang at napaamin ko siya gamit yun!"

à Secret na lang kung sino ako. Basta basahin nyo na lang. ß

"Anak! Anak! Gumising ka na! Male-late ka nanaman!"

Dali-dali akong bumangon mula sa pagkakahiga. Tinignan ko yung alarm clock ko na hindi man lang tumunog.

7:45

Shet!!! Lagot nanaman ako neto kay Sir! Papa-good shot na nga ako dahil 4th year na ko e! Bakit ba kasi hindi tumunog tong alarm clock na ito. "Sira ata to e. Tsk! Kaazar naman!"

"Anak! Gising ka na ba?!"

"Eto na po Ma! Gising na ko!"

Dumeretso na kong banyo saka naligo. Maitapon nga yung alarm clock na yun! -___-+++ Pagtapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng uniform ko. Time check: 7:55! Putek na yan!

Tumakbo ako papuntang kusina at kumuha ng isang pirasong pandesal. Yae na mamaya! Ikakain ko na lang to sa canteen. Lalayas na sana ako ng bahay ng tinawag ako ng magaling kong ina.

"Yung baon mo!" Sigaw niya. Haist! Nga pala.

Bumalik ako ng bahay saka kinuha sa kanya yung baon ko at takbo papuntang waiting shed kung saan may antayan ng jeep papunta sa school. Habang tumatakbo, may nakita akong lalaking nakatayo na nag-aantay din. Ka-schoolmate ko ata e. Pareho kami ng uniform. Pero syempre panlalaki kanya. Baka sabihin nyo bakla e. Lalaki nga e. Sasakay na sana siya ng jeep nang unahan ko sya.

"Excuse me!" Wika ko.

Sorry din po kuya! Nagmamadali lang e. Next time ka na lang. ^_^v

Paghinto ng jeep sa tapat ng school ay bumaba agad ako. Tingin sa orasan. Shet! 7:58. Dalawang minuto na lang. Kung nagtataka kayo na tatlong minuto lang ang byahe ay dahil malapit lang naman ang aming mansion este! Bahay lang pala.

Tumakbo ako ng classroom at dahan-dahang binuksan yung pinto. Pagkabukas ko, nakahinga ako ng maluwang ng wala pa yung guro namin. "Hay, salamat! Wala pa si Sir!"

"Ano iyon Ms. Zamora?" Wika ng isang tinig sa likod ko. Oh shit! Si Sir!

"Ah-eh, wala po yun sir!" Tugon ko naman sa kanya tapos pumunta na ng upuan. Pagkaupong-pagkaupo ko ay dinakdakan nanaman ako ng kaibigan/ate/nanay/seatmate ko. Oh diba? All in one! Si Kylie Dalicson lang ang nakakagawa nyan!

"Ikaw na babae ka! Bakit late ka nanaman---,"

"Hindi ako late."

"At least muntikan na. So muntikan ka na ring ma-detention. Ulit! Gosh! lkaw na babae ka, ano nanaman bang ginawa mo kagabi at late ka nanamang nagising. Apat na taon na natin tong routine. Buti na lang at nauna kang pumasok sa classroom kesa kay Sir. Alam mo naming terror yan kahit ganyan yan ka-gwapo. Aba maglilinis ka nanaman ng cr---,"

And then her babblings go on. See? Ganyan yang dakila kong bestfriend e. And totoong gwapo si Sir. At first natutuwa ako dahil may gwapo kaming teacher na tatayo sa harap namin buong magdamag at magtuturo ng physics. Pero nakilala namin sya at nalamang sobrang sunget ni Sir!

"---Tsaka-Hoy, babae, nakikinig ka ba?" Tanong nya.

"Uh. Hindi."

"Ano nanaman bang---,"

"Ms. Dalicson! I'm discussing something here and you are telling nonsense to your seatmate! Can you please repeat what I said?!" Galit na asik ni Sir ka Kylie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Excuse me! (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon