I Love That Fast Food Chain [OneShot]

2.7K 76 18
                                    

(EDITED VERSION.)

***

I LOVE THAT FASTFOOD CHAIN

OneShot by PollyNomial

 ***

Three years ago, I unexpectedly loved a man.

 

 

“Bye Xylene!” naghiwahiwalay na kami ng mga kaibigan ko nang makalabas kami ng school.

Uwian na namin. Inaya ko sana silang kumain na muna kami sa fastfood malapit dito sa school kaya lang ang sabi nila ay kailangan na nilang umalis dahil tatapusin pa nila ang mga requirements sa mga subjects namin.

Kaya nga ako nalang mag-isa ang mag-isang naglalakad papunta ng fastfood na tinutukoy ko.

Habang naglalakad ako ay hindi nanaman maipaliwanag na saya ang nararamdaman ko. I’m just so excited that I can almost feel that fast beating of my heart. Yung mga paruparo sa tiyan ko ay nangingiliti nanaman at hindi ko na rin maitago ang mga ngiti ng labi ko.

Nang nandoon na ako ay huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok. Unti-unting napalitan ng kaba ang mga naramdaman ko kanina.

Pagkapasok ay agad akong nagpunta sa paborito kong pwesto kung saan ito ay malapit sa bintana. Napangiti ako pagkaupo ko. Naramdaman ko nanaman ang saya sa dibdib ko. I love this place so much na sa araw araw na ginawa ng Diyos ay pumupunta ako dito. Ito ang pambawi ko sa maghapong pagod ko sa school.

Aside from their food na talaga namang napakasarap ay gusto ko rin ang ambiance ng lugar na ito. Palaging masaya. Kitang kita sa muka ng mga taong nandito ang saya habang kumakain kasama ang pamilya nila. Bata man o matanda ay nakangiti. Magnobya man o mag-asawa ay ay masayang nagkakainan. May mga magkakaibigan rin na nagtatawanan. Lahat ng klase ng tao nandito na.

Masarap din ang pagkain nila dito. Sikat ang fastfood na ito sa mura at masarap nilang pagkain. Isa pang nakakatuwa dito ay kahit fastfood lang siya ay parang restaurant na rin dahil mismong crew ang lalapit sa mga customers para makuha ang kanilang mga order.

Favorite kong orderin dito ay ang binebenta nilang fries at chocolate float. Tuwing magkakasama kami ng mga kaibigan ko ay yun lang ang kinakain ko. Isa pa sa dahilan kung bakit paborito ko dito ay dahil every time na nandito kami ay nakakapag-bond kaming magkakaibigan. Nakakalimutan namin lahat ng problema sa school. Sayang nga lang dahil hindi ko sila kasama ngayon.

Pero okay lang naman yun sa’kin. Kahit naman wala sila ay magagawa ko pa ring maging masaya. And it’s because of the one and the most important reason why I go here.

It’s because of that guy standing there, serving his customers.

Siya ang dahilan kung bakit sa araw araw na ginawa ng Diyos ay lagi akong nandito.

Matagal ko nang hinahangaan ang lalaking yan. Mula nang makasanayan naming magkakaibigan na dito kumain ay nakuha na niya ang atensyon ko.

I Love That Fast Food Chain [OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon