Chapter 8: Letter to Tears

34 1 1
                                    

Nakapag isip na si Rin ng plano para maayos ni Alec ang nakaraan. Gumawa ng sulat si Rin para kay Denden na naglalaman ng saloobin ni Alec bago siya pumanaw.

Buong hapon nag sama sina Alec at Rin para matapos ang sulat. Habang nag sasalita si Alec upang isulat ni Rin ang kanyang saloobin tila naiiyak si Alec. Halong emosyon ang pumapasok sa kanyang isipan. Pinipilit ni Rin ang makakaya niya upang i-comfort siya...

Kinabukasan ng hapon. Magkasama ang dalawa ng makita nila si Denden na nakaupo sa isang puno at para bang malungkot. Nilapitan ito ni Rin at si Alec napiyak nanaman dahil sa dinadanas na sakit at pangiiwan niya kay Denden.

"Uyy para bang malungkot ata?" Sabi ni RIn

....... 

Walang imik si Denden kay Rin

"Alam ko masakit isipin pero kelangan mong bumangon at maging matatag.." Sabi ni Rin

"Paano ako babangon. kung yun lalaking mahal ko ibinabaon ako sa kalungkutan" Sabi ni Denden na may pagkalungkot sa sarili

Lumapit si Alec at tila nakaharap kay Denden....

"Rin ibigay mo na...." Sabi ni Alec

Ibinigay ni Rin ang sulat kay Denden

"Alam mo bang yan ang mga salita binitawan ni Alec habang nabubuhay pa siya"

Binasa ni Denden ang sulat

*Denden's POV*

" HI babyyy <3. Heheh. Sorry kung hindi ko natupad yun pangako ko sayo na I'll make you the happiest girl in the world. Kung may mali man akong nagawa sayo, kalimutan mo na yun at tumayo para sa iyon kinabukasan. Wag mo muna ako intindihin.. Masaya naman ako dito sa lugar ko. Kasama ko si Lord. Naala mo pa ba yun sinabi ko sayo?... Tayong dalwa lang hanggang sa dulo?...Mukhang nauna na ako sayo. Alam ko walang forever..Pero yun pagmamahal ko sayo meron. Nandito lang naman ako sa tabi mo. Yakap ka...at laging gagabay sayu... Ipagpatuloy mo lang buhay mo.. Tuparin mo mga pangarap mo :)

                                                                                                        Dito lang ako... 

                                                                                                                -Alec        "

Bumuhos ang iyak ni Denden. Napitigil si Alec...nilapitan si Denden at bumulong..

"Mahal kita" Bulong ni Alec

Sabay yakap ng pagmamahal si Alec kay Denden. Naramdaman ni Denden ang yakap at bulong ni Alec sa kanyang tabi. 

Napaka emosyonal ng pangyayari kay Denden. Pero marami siyang natutunan sa kanyang naranasan..

Next Chapter :)))

       

Parallel LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon