Biglang nag-alarm yung orasan ko, kaya ang resulta? Nahulog ako mula sa kama.
"Puta ang sakit. Anong oras na ba? Tsk." Tinignan ko yung orasan at nakitang 2:30 pa lang ng umaga. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo, kasi mag-tratraining na ako ngayong araw. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin at ginulo ang buhok ko. Naghilamos na ako. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at pumunta ng training center.
"Commander, we need to tell the cyborgs their assigned districts."
"Okay. We'll them later. When they've all woken up."
"Yes Commander."
Naririnig ko ang mga pinaguusapan nila habang naglalakad ako sa hallway. Tungkol sa mga districts daw namin na pro-protektahan. Okay rin naman.
Pagdating ko sa training center, malamang walang tao. Eh alas-tres pa lang ng umaga. Malamang tulog pa yung mga 'yun.
Pinili kong mag-practice sa archery dahil gusto kong ma-enhance ang targetting ko.
Kinuha ko na yung bow and arrow at nagsimulang mag-target.
Breath in, breath out. Slowly, release. BULL'S EYE!
Inulit ko pa ang pagtatarget ng ilang beses tsaka nag-desisyong bumalik na ng kwarto ko dahil wala na akong magawa.
Habang naglalakad ako, nararamdaman kong parang may sumusunod sa akin pero hindi ko linilingon dahil baka guni-guni ko lamang 'yun kaya nagpatuloy lang akong maglakad habang naka-lagay ang mga kamay ko sa loob ng aking bulsa.
Nadaanan ko na yung mga kwarto ng ibang cyborgs at ramdam ko na tulog pa silang lahat. Mga tulog-mantika aba.
Nung nasa tapat na ako ng aking pinto, lumuhod ako para itali yung sintas ng sapatos ko. Pero nung pagtayo ko, biglang may nagtapon ng isang dagger. Nakuha ko iyon bago tumama sa akin. Lumingon ako sa pinanggalingan ng dagger at nasense na may tao. Lumapit ako ng kaunti.
Cyborg. Tsk.
"Lumabas ka na. Alam kong nandyan ka." Inikot ko yung dagger sa kamay ko habang hinihintay na lumabas kung sino mang cyborg ang nagbalak na sugatan ang mukha ko.
Sumilip siya at biglang nanlaki ang mata dahil siguro malapit ako. Ang gwapo ko kasi. Putangina.
Lumabas na siya pero hindi ko ma-identify kung sino siya. Nakatakip kasi ng mask yung kalahati ng mukha niya. Bale yung mata niya lang ang nakikita.
"P-paano mo nalaman?" Nakatingin siya sa mga mata ko habang sinasabi iyon. Nagulat ata siya na nalaman kong nandun siya. Pero parang nakita ko na 'yang mga mata niya. Hindi ko lang maalala kung sino.
"Alam ko lang," Nag-kibit balikat lang ako, "Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?" Tanong ko sa kanya. Imbes na sagutin niya yung tanong ay bigla na lang niyang inagaw ang dagger. Bago siya makaalis ay nakuha ko pa ang dagger tsaka siya hinila pabalik. Parang nakayakap ako sa kanya pero hindi, "Sino ka ba?"
"'Di mo na kailangan malaman!" Pilit niyang kumakawala sa pagkakahawak ko pero hindi niya magawa.
"Sasabihin mo kung sino ka o hahalikan kita?" Ngumisi ako dahil ito nanaman ako. Nantritrip nanaman.
"Zuriel!" Nang sabihin niya iyon ay bigla na lang siyang nakawala. Tumakbo siya palayo habang ako ay naiwang tumatawa.
"Zuriel." Huling banggit ko at tsaka na pumasok ng kwarto ko.
---
[] Putangina ulit. Ang gwapo ko kasi kaya ganyan. :]
BINABASA MO ANG
Surviving Hell.
Science FictionWondering how I reached this far in the roleplay world? Why don't you read and find out?