Prologo

4 1 0
                                    

"Dream like you'll live forever but Live like you'll die today."

PALAGING sinasabi sa akin ni Inay na kapag nangarap ako, kailangan sobrang taas katulad ng kalangitan.

Palagi niyang pinapa-alala na mangarap ako na parang mabubuhay ako ng pang-habambuhay.

Sinasabi niya lagi sa akin na mabuhay ako na parang huling araw ko na.

Na kailangan palaging masaya.

Na maging masayahin sa lahat ng bagay kahit ano pa man ang mangyari.

Pero hindi ko kaya...

Hinawakan ko ang pisngi ko at naramdaman kong basa ito. Tumingala ako sa langit at ngumiti.

"Bakit ka umiiyak inay?", itinaas ko ang kamay ko na parang kaya nitong abutin ang langit.

Hindi ko pa rin po talaga kayang mag-isa inay.

Nag-simula nang umulan pero hindi ko maigalaw ang paa ko paalis sa matarik na bangin na kinatatayuan ko.

"Bakit po ninyo ako iniwan inay? Hindi po ba't ipapakilala niyo pa ako sa itay?", napaluha ako ng maalala ang ngiti ni inay.

Pero masaya po ako na nakasama ko kayo.

Nabiyak ang lupang kinatatayuan ko at humangin ng malakas dahilan para tangayin ako nito't mahulog sa  bangin.

Nakatingin lang ako sa kalangitan habang bumubulusok sa dagat. Inangat ko ang kamay ko't itinaas muli para abutin ang kalangitan. Napaka-ganda pa rin kahit lumuluha.

Katulad mo inay...

Naramdaman ko ang lakas ng pagbagsak ko sa dagat. Ang hampas ng alon. Ang kadiliman na unti-unting lumalamon sa katawan ko.

Napangiti ako sa huling sandali bago nagdilim ang paningin ko.

Inay...

Dreams SwitcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon