Uno

6 1 0
                                    

XERA, sweetheart. Please wake up now.

Nakarinig ako ng boses. Pero hindi ko alam kung saan nang-gagaling 'yon.

I'm sorry for being not there when you need me. I'm here now so please, just please wake up. Please forgive me.

Naramdaman kong may pumatak sa mukha ko. Isa. Dalawa. Hanggang sa isa pa. At naging sunod sunod na.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Nararamdaman kong basa ang mukha ko.

Bakit basa ang mukha ko kung maganda ang klima at hindi umuulan? O kahit ambon man lang.

Maaraw pero hindi gaano masakit sa balat. Kulay kahel na kalangitan. Magandang simoy ng hangin.

Napaka-gandang tumira sa ganito kagandang paraiso. Pero parang may kulang.

Wake up please. I'm sorry for leaving.

Ang ngiti ko sa labi ay unti unting nawala nang parang nagdidilim ang paligid. Umiikot ang kapaligiran. Wala akong maintindihan sa nangyayari.

Hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

UNTI unti kong minulat ang mata ko pero para lang mapapikit ulit. Napakaliwanag. Masakit sa mata.

Sinubukan ko ulit ng dahan dahan at tuluyan ng nasanay ang mata ko sa maliwanag na kapaligiran.

Bumuka ang bibig ko para mag-salita pero walang lumabas kahit ni isa. Nilibot ko ang paningin sa kabuoan ng silid. Pero wala akong nakuhang sagot.

Puro puti ang nakikita ko. Puting kisame. Puting dingdig. Puting kurtina. Puting lamesa. At puting upuan.

Nasaan ba ako?

Hinawakan ko ang kamay na nakapatong sa isa kong kamay. Napabalikwas siya at umupo ng maayos.

Nang magtama ang mata namin ay biglang nanlaki ang mata niya at mabilis na tumayo't tumakbo papuntang pinto. Sinundan ko ng tingin ang lalaking nakaputi hanggang sa makalabas siya ng pintuan.

Paglipas lang ng ilang segundo ay iniluwa nito ang isang matandang lalaki na lumuluha pero may ngiti sa labi.

"Xera.."

Napatingin ako sa mata niya. Kumikinang iyon dahil sa luha pero makikita pa rin ang kasiyahan.

Xera ba ang pangalan ko? Wala akong matandaan. Hindi ko rin siya kilala.

"Ayos lang ba ang pakiramdam mo ija? May kailangan ka ba? Please tell me what do you need so I can give it to you right away."

Tinuro ko ang kulay puting kahon na may tubig. Sinundan naman niya ang itinuro ko at agad na naintindihan.

Agad siyang tumayo at kumuha ng tubig. Nilagay niya 'yon sa lamesa at tinulungan akong maka-upo. Pagkatapos ay saka niya ako inalalayang uminom.

Nang maka-inom ako ay parang guminhawa ang pakiramdam ko at gusto pang uminom ng marami.

"Okay na ba ang pakiramdam mo ija?", tanong niya sakin.

Tumango ako bilang sagot. Hindi ko alam kung sino siya. Pati ang sarili ko ay hindi ko rin kilala. Kung nasaan ako. At kung anong nangyari sakin. Wala akong matandaan.

"Thank god your okay now", mabilis akong napalingon sa nagsalita at agad nakita ang isang batang lalaki na palapit sa amin. Umupo siya sa binti ng matandang lalaki.

"Hi! I'm Xenon. Are you okay na po?"

Sino siya? Hindi ko rin siya kilala.

Tinitigan ko lang siya at hindi sumagot. Nakita ko siyang napatingin sa matanda at nagtatanong ang mga matang binalik ulit sa'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dreams SwitcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon