Sabado. March 30, 20**
I ran as fast as I could para lang maabutan ang jeep pero pucha naman oh, hindi ko pa naabutan. Sayang ang effort ko sa pagtatakbo at sa pagmamadali. Kaya minsan tayo nasasaktan kasi nag-effort tayo tapos sa huli sinayang lang 'yong effort natin. Aba ang kapal naman ng mukha.
Ay, tae! Ano ba ito kay aga-aga ko namang humuhugot. Siguro kulang pa ako sa tulog?
Kailangan ko kasing magmadali ngayon dahil first day ko sa part-time job ko at ayaw ko ma-late, bad impression 'yon pag late! I don't want to be late kaya nga nag-alarm ako ng maaga kaso tinapon ko iyong alarm clock ko kasi nga ang ingay. Ay ang stupid ko rin eh noh?
Kung maghihintay pa ako para sa susunod na jeep, I'm pretty sure na matatagalan pa ako at male-late talaga ako at kung magtataxi ako, mahal kaya tapos nagtitipid ako ngayon noh. May 15 minutes pa naman ako bago mag 8 a.m kaya I'll just take the tricycle instead. Char english!
Nang makasakay ako sa tricycle, agad kong chinika si Manong. Ay pasensya na ha kung madaldal ako, ayoko kasing mapanis ang laway ko. Sayang 'yong pera ko na pambili ng toothpaste na seven pesos sa tindahan nila Aling Nina.
"Manong, hindi ba kayo napapagod na bumangon ng maaga para lang makapagbiyahe?" tanong ko ni Manong na busy sa pagmamaneho.
"Oo, nakakapagod rin bumangon ng maaga para lang bumiyahe pero sanay na ako. Iyong tipong gusto mo pang matulog pero kailangan mo ng bumangon kasi may pamilya na umaasa sa'yo," sagot ni Manong na may ngiti sa labi.
Ang tanga mo talaga, Brence! Kita mo na nga na obvious, tinanong mo pa, ayan tuloy nagmukha kang tanga. Ay dati ka namang tanga, wala naman na bago.
"Manong ilan po ba anak niyo?"
"Anim, Ineng,"
"Brence nalang po Manong since friends na po tayo. Hehe."
"Sige, Brence.
"Manong medyo may edad na po kayo, kailangan niyo po ng may nag-aalaga sa'yo. Nasaan na po pala ang mga anak niyo?" usisa ko muli kay Manong. Baka nakukulitan nato si Manong sa akin ah. May 10 minutes pa ako kaya keber muna. Medyo natagalan si Manong sa pagsagot kaya nagtataka ako at narinig ko siyang sumisinghot. Hala, anyare? Baka sinisipon si Manong? Sabagay, maaga pa kaya siyang nagbibiyahe.
"Ijha, gusto ko kasi ito. Ito lang ang kaya kong gawin. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil nga mahirap kami noon. Hindi kaya ng aking mga magulang ang pag-aralin ng sabay ang pito niyang anak. Pangingisda lang ang pinagkakakitaan ng pera ng aking ama. Oo, sinisisi ko ang aking mga magulang kung bakit hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Kung bakit naging ganito ang buhay ko. Mangmang at walang alam sa mundo. Dahil ako ang panganay na anak, inaasahan ako na tumulong sa aking ama sa pangingisda. Kapag umaga, imbes na nasa paaralan ako, nandoon ako sa dagat para humuli ng mga isda. Nagtitiis sa init ng araw.
"Sa edad na bente anyos, nakapag-asawa ako. Nang nalaman ng aking mga magulang na ako ay may asawa na, sila ay nalungkot at pinalayas sa aming tahanan. Sa mga panahon na iyon, ang hirap ng buhay. Mahirap na mahirap. Tumira kami sa isang maliit na bahay kasama si Nena at biniyayaan ng anim na anak. Ang panganay ko na lalaki ay nasa Cebu, nakapag-asawa kasi siya ng isang Cebuana. At iyong pangalawa ko namang anak, ayun isa ng police. Iyong pangatlo ko namang anak ay isa na ring nurse. Ang ikaapat ko namang anak ay isa na ring guro. Ang panglima at ang bunso naman namin ay nag-aaral sa sekondarya. Alam mo, ijha, kahit isa lamang akong tricycle drayber na kahit konti lang aking kinikita, ipinagmamalaki ko pa rin na marangal ang trabaho ko at nakapagtapos ang aking mga anak sa kabila ng kahirapan," ani ni Manong na siyang nakapaghanga at nakapagpangiti sa akin.