"Mahal Kita", sinungaling!

54 0 0
                                    


Hindi mo ba nababatid?
Ang "Mahal kita" ay di 
na sumasalamin sa tunay na 
pag-ibig?
Maaring ito'y bukam bibig
Ngunit hindi naman tunay kong
umibig

Ang tula na buong puso kung
bigkasin
Upang ang dalaga'y bigyan siya ng pansin
Habang gabi-gabi siyang naruon upang 
mag alay ng awitin

Ang madamdamin niyang pagsususlat
ng liham 
Upang ipabatid kung bakit ang dalaga'y
kaniyang nais maging kasintahan
Palihim namang magkukubli ang dalaga
ng kaniyang pagtingin hangga't di pa
siya tanggap sa tahanan

Ang magulang ng dalaga'y kaniyang
haharapin
Habang ipinagsasantabi ang kabang
bumabalot sa damdamin
Para lamang mapatunayang siya'y 
may malinis na intensiyon sa dalagang
iibigin

Hindi nagtatagpos dito ang kaniyang
pagiging makisig
Dahil kailangan niya niya pag lagpasan
ang pag-uusig
Para patunayang nararapat ang dalaga
na mapunta sa kaniyang bisig

Ganoon ang tunay na pag-ibig
Hindi lang puro pakilig 
Ang salitang "Mahal kita" ay 
hindi lang salita dahil ito'y
isang bagay na ginagawa at 
pinapakita.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TULA NG MODERNONG DALAGAWhere stories live. Discover now