three

3 0 0
                                    


HANGGANG sa nakauwi na ako sa condo ko ay hindi ko parin maalis ang tingin ko sa aking cellphone.  Shutangnems naman kasing lalaking yun, anlandeee. Humaba pa tuloy ang convo namin. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko sa pagreply mula pa kanina sa office.

Walang humpay sya sa mga jokes at mga pacute lines nya.

Samson Kurt
; at saka. Wala ka bang napapansin? Magka match pala names natin. Yieeeee😄😍

Delilah? Samson? Oo nga no?

Delilah Martina
: so? Ano naman?

Samson Kurt
; wala lang. Nakakatuwa lang, kasi what if pati mga puso natin magmatch?

Delilah Martina
: eh kung sunugin kaya kita ng match? Anong gusto mong brand? Fuego?

Samson Kurt
; HAHAHAHAHHAHAHA easy naman fo😂

Nabalot ako ng kahihiyan. Arrghhh! Masyado nga akong triggered.

Sakyan mo lang trip nya!

Huh? Eh hindi nga dapat ako nakikipag chat sa kanya in the first place eh.

In-off ko na ang phone ko at pumasok na ng cr.

Nang matapos akong mag shower ay umupo ako sa edge ng bed ko habang pinapatuyo parin ang buhok gamit ang tuwalya.

Ting!

Kinuha ko ang phone ko at nakitang message ulit ito galing kay Samson.

Samson Kurt
;Uyy joke lang.

Tsss.

Samson Kurt
; luh. Di na nagreply

Ang kulit talaga!

Samson Kurt
; tampo ka na nyan?

Hindi ko na siya pinansin at pinatay na lang ang phone ko. Kinuha ko ang laptop, notebook at lapis ko at nilagay sa kama. Magsisimula na akong magbrainstorming kung pano ko tatapusin ang kwento.

Happy ending ba o hindi? Haayyss ang hirap.

Halos mag-iisang oras na akong nakatingin sa laptop at kung ano ano na rin ang nasulat ko sa notebook but still hindi parin ako nakakapag come up ng magandang ending. Tsk.

Naiinis na akoooooo, no, naiiyak na talaga akooo. Lagot ako nito bukas.

"Lord! Help me Lord!"sabi ko habang magkadikit pa ang palad at nakatingin sa kisame. "Bigyan nyo naman po ng kahit katiting ng ideya lang ang walang laman kong utaaak. Huhuhu"

Dasal lang ako ng dasal habang umiiyak at hindi na namalayan na nakatulugan ko na pala ito.

Sumapit ang umaga at napabalikwas ako ng bangon ng nakita ko kung anong oras na

Omygaaaaad im soooooooo laateeee.

Dali dali akong pumasok sa banyo. Hindi ko alam kung ligo ba talaga ang ginawa ko pero natapos ako sa loob lang ng 5 minuto.

Di ko na nga matapos tapos ang kwento ko late pa ako. Hayyysssss..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHEN A WRITER FALLS IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon