2.

71 8 5
                                    


~Family Day~


"Yawwwwn!"



"Stop yawning! Ang baho ng hininga mo tss." Reklamo ni..


Syempre ni Pareng Colin. Nasa tabi ko siya kaya sinamaan ko nga ng tingin.


Sunday today, so it means it's our Family Day. Nasa backseat kami ng kotse ni Colin at Prince Kian dahil pupunta kaming simbahan para magswimming.


Pero syempre joki joki lang. Ano pa ba'ng ginagawa sa simbahan?



Boplaks lang? Edi nagsisimba. Ang liit talaga ng utak mo, Nayumi!



"We're here!" Narinig kong sabi ni tito. Bumaba na kami sa kotse at sabay sabay na dumiretso sa loob ng simbahan. Agad kaming naupo at nakinig kay Father na nasa unahan habang nagsasalita. Hindi ko masyado naiintindihan ang mga sinasabi niya dahil hindi naman ako gaano ka-relehiyoso.



Agad kaming dumiretso sa mall nang matapos ang misa. Nagulat ako ng bigyan kami ni tita ng tig-iisang libo nina Colin at Kian.



"Buy all you want, sweety. May ime-meet lang kami ng tito Edward mo." Nakangiti niyang sabi sakin saka siya lumingon kay Felix. "Bantayan mo silang dalawa, Colin okay? Bumili ka na rin ng kung anong gusto mo basta wag mo silang iiwan. We have to go."



Naiwan kaming tatlo na nakatayo sa tapat ng NBS. Lumapad ang ngiti ko nang may pumasok sa isip ko.



Pocket book..



Mahilig kasi akong magbasa ng mga pockets kaya agad akong pumasok. Tinawag pa nila akong dalawa pero hindi ko na sila pinansin. Nasa counter na ako ng maramdaman ko ang presensya ng dalawa sa gilid ko.



"Bakit nandito pa kayo?"



"Just stop asking and pay your books." Inip niyang utos sakin kaya sinunod ko nalang. Napairap pa ako ng makita iyong babaeng cashier na nasa harap ko. Nagpapa-cute kasi kay Colin, eh hindi naman pinapansin.



Tss.



Habang naglalaro ako ng basketball dito sa WOF ay kunot na kunot ang noo ko. Panay kasi ang tingin sakin ng lalaking katabi ko. Bad trip!



Agad akong umalis dun nang matapos na ako.



"Hi." Napalingon ako sa nagsalita. Siya iyong lalaki kanina na panay tingin sakin. Parang magkaedaran lang kami. Gwapo sana siya. Maputi, matangkad, matangos ang ilong at mapupula ang labi. Kaso wala ako sa mood makipaglandian.



Crazy Inlove With Mr. CardovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon