Kaori POV
After ng mga 1hr na mga basic moves and techniques na tinuro samin ng captainball ng woman's basketball team, nagdecide ang aming coach na hatiin ang grupo namin na maglaro ng whole court since tapos nang magpractice ang boys.
"Ok Team, Iwill divide you into two groups. We will be having a practice game. So ang 1st group ay ang mga bago and ang second group ay ang mga former varsity. Gina, since you are the captain ball, sa baguhan ka maglalaro as well as you Tiff, para naman di lugi ang newbies natin. Are we clear Team!" Sigaw ni Coach.
"Yes Coach!" Sabay sabay kami.
"Team 1, whose your 1st five?" Tanong samin ni Coach
"Ako po Coach, May, Liana, Gab and ahmmm si Kaori" Banggit samin ni Ate Gina. MayGad, first five ako. I mean sanay naman ako maglaro kaya lang nakakaba kasi nakakatakot yung mga kalaban namin. Magagaling yun for sure plus ang dami pa nanonood. Mga members ng boys basketball team at syempre kasali don yung captainball nila. Mukang di nya ako tatantanan talaga. Nakakaloka talaga.
Puwesto na kami sa gitna ng court.
"Oinuma, marunong ka bang magshooting guard?" Tanong sakin ni Ate Gina.
"Opo, yun po yung position ko po sa Japan dati." Sagot ko sa kanya.
"Very good! Ikaw ang shooting guard natin. Ako na ang center. May ikaw na ang power forward natin. Si Liana maliksi ka. Ikaw ang small forward natin. And Gab ikaw ang point guard. Ok ba yon"
"Yes Po!" Nakakakaba naman to. And nakakapressured. Kasi bukod sa ang gagaling ng kalaban namin e kailangan kong patunayan sa Meztisong kano na yon na may ibubuga ako. Na hindi pang ganda na sinasabi nya ang kaya ko. Na pang dito talaga ako at karapat dapat akong mapabilang sa list ng varsity players na nagtry-out.
"Peeeeep!!!!" Pito ng Coach namin.
Let the game begin! ...Rhys POV
Nakakapagod magpractice lalo na kapag may mga kasamahang bago. I mean, feeling ko, umuulit ulit kami ng basic. Si Coach kasi, pinasama pa kami sa basic bago paglaruin ng practice game. Tinapos na lang din namin agad. Kawawa kasi yung mga bago, pagod na din sila.
Kakatapos lang namin magshower at naglalakad pabalik ng court. Eto kasing si Kurt gusto manuod ng practice game ng mga babae. "Oi pree umamin ka, bakit tayo babalik ng court?" Kahit na alam ko na ang sagot tinanong ko pa din ang kumag na to.
"Pre manood lang tayo saglit ng practice game ng girls basketball team. Tingnan natin kung may mas ibubuga ang try outs nila kaysa sa mga nagtry out satin." Paliwanag nya
May point sya. Tingnan natin kung sino ang mas may ibubuga at potensyal samin team at sa kanilang team.
"Tska diba gusto makita kung talagang pang basketball talaga yung si ano ... anong pangalan ng nakaaway mo? Si Ka .. Kao..."
Ay oo nga pala.
"Kaori Oinuma" tuloy ko sa sinabi nya.
"Ouy pre bakit mo alam aa. Kala ko ba di ka nakinig sa kanya kanina aa. Iba na yan pree aa." Tuksuhin pa ako.
"Pre panong di ko malalaman e, classmate natin sya. Tska hindi ako magkakagusto sa babaeng yun. E mas astig pa sakin yun. Parang amazona sa sungit." Totoo naman ang sinasabi ko e. Maganda nga, napakasungit naman. Tska hindi sya type ko.
"Wag kang magsalita ng tapos, baka kainin mo yang sinabi mo pre. Or else sya pa din yung nandyan sa puso mo?!" Ay nako talaga etong si pareng Kurt. Ibalik pa ba ang nakaraan.
"Tigilan na nga natin to. Maupo na tayo" baka magtanong pa to. Ayoko nang balikan ang nakaraan na yan. Di naman nakakatuwa.Author's note:
Sorry po sa late update. Sobrang dami lang po reports sa work. Thanks po sa pagbasa ng story ko po. 💙
BINABASA MO ANG
Made to be Mine
Teen Fiction"Masaya naman sa Japan kahit mahirap ang buhay. Palagi lang akong positive sa mga pagsubok na dumadating samin. At ngayon na umuwi na kami ni Mama dito sa Pilipinas, nangangako ako na mas magiging matatag ako lalo na para sa mama ko at pamilya ko...