Isang hiling na nagpabago ng lahat..isang hiling na kumitil ng isang buhay.Isang hiling na naisakatuparan.Isang hindi sinasadyang hiling...sa isang shooting star..
******
Nakaupo ako sa isang sulok at nakatingala sa langit.Hindi ko alam pero gustong gusto kong nakikita ang mga bitwin,tila nabubura kasi nila ang tambak kong problema..
Iginala ko ang paningin ko sa langit at sa di inaasang pagkakataon ay nakahagip ang mata ko ng isang shooting star.Dali dali akong pumikit at humiling.
"Sana makatagpo ako ng isang taong kayang mahalin at suportahan ako sa lahat ng gusto ko na makakabuti saakin at sa iba."ngumiti ako bago imulat ang aking mga mata.Sinasabi nila na hindi raw totoo at hindi magkakatotoo pag humiling ka sa isang shooting star..pero umaasa ako.Para naman kahit papaano maramdaman ko ang masuportahan at mahalin ng isang tao.
********
Pabagsak kong isinara ang pinto ng aking silid at mabilis na dumungaw sa aking bintana upang makalanghap ng sariwang hangin.Urghhh!Ano bat puro problema nalang ang meron sa pamilya ko.Ano bang naisip ng mama ko at nagtaksil siya kay papa? Kulang paba ang pagmamahal na ibinibigay ni papa sakaniya?Ang suporta?Ang oras?
Tumingala ako sa itaas upang mapigilan ang pagtulo ng aking luha,ngunit nakahagip ang aking mata ng isang shooting star.Pumikit ako at humiling..
"Kung sino man ang unang babaeng makakapagpaluha sakin..at mananakit..mas mabuti nalang na mawala siya sa mundong kinatatayuan namin..Sana mawala nalang siya kung katulad din siya ng aking ina."
*********
Humiling ako ng nakakabuti saakin at sa iba..."-Her
"Humiling ako ng ikakapahamak ng taong mahal ko..."-Him
********
Sinubukan kong bawiin pero huli na..oras nalang ang binibilang para kunin siya.Ang sama ko.Hindi ko pala dapat hiniling yon..problema lang namin ng pamilya ko yon..pero nandamay ako ng iba..
Anong malay ko't matutupad pala iyon?Hindi ko naman sinasadya..dala lang siguro iyon ng galit ko kaya nagpadalos dalos ako.Ang bobo ko!Ang tanga ko!
Sinubukan kong humiling sa mga tala..pero naging sobrang sakim ko ata talaga at..hindi nila tinutupad ang paulit ulit kong hinihiling..
Na"Sana habaan pa ang buhay niya..hayaan muna kaming magsaya"
Pero madaya ang mga tala pati na ng tadhana..-
*********