Chapter 8: Date's Stalker

107K 2K 675
                                    



"HINDI po rito ang kuwarto ko."

"Please, just stay here," mahinahon niyang pakiusap.

Umupo akong muli sa kama dahil sa pakiusap niya. May isang parte sa sarili ko na gustong mag-stay at makasama siya, habang sinasabi naman ng kabilang bahagi ng utak ko na huwag akong manatili.

"Good night, doc." Tumagilid agad ako ng higa patalikod sa kaniya.

It felt so awkward that we were in the same bed!

"Good night, Namirah," he replied in a soft voice.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko subalit kahit anong pilit ay hindi ako makatulog. Ilang minuto na ang lumipas pero gising pa rin ang diwa ko.

"Can't sleep?"

Gising pa pala siya. Namilog ang mata ko nang humarap ako at muntikan ng maglapat ang mga labi namin. Kahit ang lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa madilim na silid ay naaaninag ko pa rin ang kaniyang mukha. Mabilis kong idinistansya ang sarili at tumihaya ng higa.

"Hindi ka rin makatulog?"

"Yeah."

"Sina Sofie at Tav-tav pala?"

"Doon muna sila sa tita nila. Ayaw pa rin nilang umuwi, may kalaro kasi. Hinayaan ko na lang."

"Ganoon ba? Nami-miss ko na agad sila."

"Nandito naman ako."

"Luh! Si Doc."

"I have my name, Namirah, and it's Treivhor Conzego. Just call me Treivhor."

"O-Okay. Treivhor, mahirap ba maging doctor?"

"Mahirap. Mag-aaral ka nang mahabang panahon. Four years in college, then may Med School pa, and more. It was a long process- a long journey to be there. Sa ospital manggagamot ka ng mga pasyente. You will encounter a lot of struggles along the way. But do you know what's the hardest part?"

"Ano?" kunot noong tanong ko.

Biglang naging malungkot ang mata niya.

"Iyon iyong araw-araw mong makikita ang mga taong pinapahirapan ng karamdaman nila. Araw-araw mong maririnig ang iyak ng mga taong nawalan ng mahal sa buhay. Tatayo ka sa pagitan ng buhay at kamatayan."

"Ang hirap pala..."

Dati akala ko ang gusto lang ng mga doctor ay kumita ng pera, na mabuhay o mamatay man ang pasyente nila wala silang pakialam ang mahalaga'y magkapera. Danas ko iyon noong namatay si Itay dahil na rin sa kapabayaan nila. Aaminin ko nagalit ako pero hindi ko pwedeng lahatin. May mga doctor pa rin namang mahal ang trabaho nila at dedikadong tumulong sa kapwa tulad na lamang ng lalakeng katabi ko ngayon.

"Iyong tipong araw-araw mong masasaksihan ang paglaban nila sa buhay. At iyong pinakamasakit sa lahat, may mga pagkakataon pang mamamatay sa harapan mo ang taong ginamot at inalagaan mo nang matagal. Maririnig mo ang huling tibok ng puso nila at ang paghinto nito. Kaya kapag naging doctor ka kailangang hindi ka naa-attach sa mga pasyente. Minsan kailangang maging manhid. Bagay na hindi madaling gawin. Hindi madaling magpanggap na okay sa paningin ng iba kapag namatayan ka ng pasyente."

Wanted Housewife (Conzego Series 1✓) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon