Chapter 1

19 3 0
                                    

"Hoy! 'Kelan lalabo mata mo d'yan ha?" Iritang tanong ng best friend kong si Ruby dahil halos kanina pa ako nakatutok sa cellphone ko.

"Wala, ano kasi.." pag iisip ko ng idadahilan kay Ruby, kasi pag nalaman nanaman nya na nag hihintay ako ng ka-chat ko sasabog nanaman ang dragon

"Don't tell me, china-chat mo nanaman ang ex mo?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"Di'no! 'bat ko nama- hoy! ibalik mo saakin yang cellphone kooo!!" Inis na sigaw ko sa best friend ko dahil bigla niyang hinablot sa akin ang cellphone ko para lang i-check ang ginagawa ko.

"Tsss! Sinasabi ko na nga ba eh! wala ka talagang dala! Iniwan ka na nga hinahabol mo pa!" sermon sa akin ni Ruby dahil ayaw nya akong nakikitang nasasaktan dahil lang sa pag-ibig

"Sorry na bes, nag babakasakali lang naman ako na baka balikan nya ako. Baka nabigla lang sya nung time na nakipag break sya sa akin."

"Nag babaka sakali? Naririnig mo ba mga pinag sasabi mo ha? Hiniwalayan ka na nya dahil ayaw na nya sayo o baka kailangan ko pang i-english 'yon?" Inis na inis nyang pag sermon sa akin.

"So-or-rry na" mangiyak-ngiyak kong pag hingi ng tawad sa best friend ko.

"Amethyst, alam ko naman na mahal na mahal mo si Jordan, kaso meron na syang iba,si chloe kaya wag kana mag habol sa kanya, please amethyst.. ayokong makita kang malungkot, gusto ko yung amethyst na masayahing nakilala ko."

Nahimasmasan ako sa sinabi sa akin ni Ruby. Totoo naman eh, lagi lang akong malungkot at tulala, lagi kong iniisip si Jordan, na sana panaginip lang yung sinabi nya sa akin.

"Ruby, sorry kung naging malungkutin ako, di naman ako 'ganto nung nakilala mo ko, nakilala mo ko na isang masiyahing tao, di ko alam kung bakit ang lakas ng epekto sa akin ng pakikipaghiwalay ni Jordan, sorry talaga Ruby."

"Alam mo amethyst, bestfriend kita at alam ko kung ano ang makakabuti sayo dahil parang kapatid na kita, ayoko lang kasi na nakikita kang 'ganyan"

"Mapapatawad mo pa ba ako?"

"Hmm, sa isang kondisyon..."

Kinakabahan ako, baka kasi kung anong kondisyon yun malakas pa naman ang trip nito.

"Anong kondisyon nanaman yan?"

"Kakalimutan mo na si Jordan, lahat nang may konektado sa kanya alisin mo sayo, okay ba ?"

"Ok deal" walang pa ligoy-ligoy pang sagot ko sa kanya.

Buti nalang at meron akong Ruby na best friend ko at kasama sa buhay ko, yung tutulungan ka, sesermonan ka at yung lagi kang inaalala.Masarap sa pakiramdam na meron akong ganitong klaseng kaibigan dahil sa panahon ngayon mahirap na makahanap ng katulad ni Ruby

"Oh, tama na ang drama mamaya mag-iyakan pa tayo rito tara samahan mo ko sa mall may bibilin lang ako sa Department store baka may bibilin ka din." Pagyaya nya sa akin

"Oo bibili din ako ng libro sa book store,"

"Sige, san tayo mag kikita?"

"Sa paboritong kainan natin, mag tetext nalang ako sayo kung ok na ako" habilin ko kay ruby.

"Ok tara na baka ma traffic tayo."

MY SECRET ADMIRERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon