KYUNGSOO
Kamusta na kaya si shimin doon sa hotel? Nakaalis na kaya siya? Sana oo, at sana hindi siya nasaktan sa mga fans namin. Pero hindi ako sure kung nung umalis kami eh, wala na yung mga fans. Minsan kasi pag aalis kami nag'aantay parin sila saamin hangga't sa makarating ulit kami galing sa pinuntahan namin. Kaya nga puros order lang kami dito sa manila, hindi kami nakakalabas because of our fans na nagsisiksikan at nagtutulakan sa tuwing nakikita kami.
"Hoy! Kyungsoo!! Nag pa-practice tayo! Bat ang lalim ba ng iniisip mo?"
Panira talaga tong suho hyung na to! Paano ako nahuli nito na wala sa sarili? At may iniisip na iba? Diba pagong to? Dapat mamaya pa niya ako mahuhuli kasi ang mga pagong mababagal right? Hahaha. Don't tell suho hyung okay?
"Hyung wala to. Sorry, wala lang ako sa mood mag practice for our concert tomorrow"
"Naiintindihan ko na pagod ka. Maski din naman ako pagod diba? Lahat tayo. Kasi kulang yung time natin to rest. Pero sana ipagpaliban mo muna yan, sanay naman na tayo na napapagod diba? Get up. Kailangan na nating mag practice"
Hindi ko na siya sinagot. Si suho hyung WORDS OF WISDOM talaga ng grupo. Chine-cheer up niya kami kung alam niyang hindi namin kayang gawin yung bagay or kung pagod kami.
Napuno lang ng tawanan ang pag re-rehears namin pero nagseseryoso din kami minsan. Bukas na pala ang concert namin? Sana naman wala ng mainjured saamin. Every concert, ang ginagawa lang namin nag e-enjoy kami. We don't take our concerts seriously. Bakit? Wala lang, kasi FUN and ENJOYMENT yung pinapadama namin sa mga fans namin.
Shimin
Oo nga pala! Ano bang use ng pag lock ko ng pinto, kung may duplicate key naman? Dapat talaga kasi ninakaw ko yun at tinago eh!
"Min okay ka lang ba? Gusto mo pag usapan natin yung about sainyo ni erick?" Tanong saakin ng mga bestfriends ko.
"You guys know na hindi ito yung time para pag usapan siya. Gusto ko mapag isa. At nga pala, padala ako ng foods dito. Gutom ako at tinatamad akong bumaba"
Eh sa tamad nga talaga akong bumaba eh. Yung kaninang malumanay na boses ng mga kaibigan ko, ngayon naging pasigaw na. Sabay sabay pa sila at wala akong maintindihan sakanila.
"Tignan mo yan! Halos mapudpod na kamay namin kakakatok sayo dito sa kwarto mo tas ayaw mo buksan? Tas ngayon mag papadala ka ng pagkain? Oo na! Pasalamat ka at broken hearted ka ngayon, kasi kung hindi never kitang pag dadalhan ng pagkain dito"
Tumawa nalang ako to hide the pain. Oo kaibigan ko nga itong mga kpoper na to, and I'm proud of that. I checked my phone kung kinukulit pa ako ni erick, pero no calls from him but I have 2 texts messages? I opened it pero unknown number. I decided to text that unknown number back and wala pang 1 minute nag reply na siya
Shimin, si kyungsoo to. Philippine number ko pala ito. Save it nalang ha? If nagtataka ka at bakit nakuha ko number mo, well wag ka ng magtaka. Kasi kagabi doon ka naman natulog sa hotel at malamang pinakialamanan ni tao yung phone mo.
I smiled a bit nung nalaman kung si kyungsoo yung nagtext. Hindi ko na siya nireplyan kasi alam ko naman na nag re-rehears sila for their concert tomorrow. Na move kasi yung concert nila na dapat ay sa isang araw pa. Para daw makapag pahinga pa sila ng 4 days at makapasyal pa dito sa pinas. I will serve as their tour guide daw? Eh ni hindi ko pa nga nasasabi sa mga kaibigan ko na nakilala ko na ang exo at nakasama ko pa sa iisang unit? Sino mag aakala na si shimin, isang college graduating student eh nakilala at nakasama na ang exo? No one right? Advantage of my good looking haha. Char! Joke!
"Oh ayan na pag kain mo prinsesa. Pinagluto ka namin ng masarap dahil broken hearted ka. Samantalang ang lunch lang namin hotdog, tas ikaw ganyan? Fried chicken, chicken fillet with creamy sauce above at fried rice? Nakna shimin! Prinsesa ka puta! Last mo na yan. Mamaya ikaw lang mag ha-hotdog at ganyan ang ulam namin"
Nakakatawa talaga tong mga bestfriends ko. Napaghahalataan na cocern saakin.
"Salamat. You can go now, leave my room. I don't want you all here" I said.
"Wow lang talaga min! Pinagluto ka na nga lang namin tas ganyan pa asal mo? Aba't feeling prinsesa talaga tong babaeng to eh!! Oo na. Eat well. Sana mabilaukan ka mamaya"
Aba naman at may balak pa silang patayin ako? Hindi nila ako dinalhan ng tubig dito. No choice kundi ang bumama at kumuha. Kesa naman sa mabilaukan pa ako diba? Mamaya cause pa ng pagkamatay ko yan.
After kong kumain, humiga na ako. Oo humiga agad ako. Itutulog ko nalang to, to ease this fvcking pain inside my heart!!
BINABASA MO ANG
My Owl Boyfriend [Revising/Editing]
Fanfictionit's Funny how time flies when your inlove Parang kahapon lang ang lahat, parang kahapon lang nung makita kitang umiiyak parang kahapon lang nung nakita mo akong kahalikan si taeyeon at parang kahapon lang nung nang propose ako sayo SHIMIN PARK CAN...