KATH’S POV.
“Hrmm… ugh…”
Huh…?
Umaga na ba? Bakit ang ingay ni DJ sa tabi ko?
Nagising ako dahil sa mahinang boses ni DJ sa tabi ko. I looked at him habang nakakunot ang noo ko.
Nanlaki ang mata ko ng makita kong namumutla siya.
“D-DJ?” Tumayo ako sa pagkakaupo at hinawakan siya sa noo.
He looks so pale…
He looks like he is in so much pain…
“S-sandali lang, kukuha kita ng tubig.”
Bumaba ako sa kwarto naming at kumuha ng maligamgam na tubig. Kumuha din ako ng ice cubes at inilagay ‘to sa palanggana kasama ang isang maliit na towel.
First time ko siyang nakitang nagkasakit.
He looks so vulnerable…
“DJ… uminom ka munang tubig…”
Inabot ko sa kanya yung baso, pero nanginginig yung kamay niya kaya hindi niya mahawakan ng ayos yung baso. Hindi rin siya makaupo sa sobrang sama ng pakiramdam niya…
Aish.
Bahala na.
Kinuha ko yung baso at ininom ang tubig sa loob nito, pero hindi ko nilunok yung tubig. The water remained in my mouth.
Napabuntong-hininga ako.
I lifted his chin as I put my mouth on his mouth.
Unti-unti kong ibinibigay sa kanya yung tubig sa loob ng bibig ko.
Ramdam kong pulang-pula na ko sa ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
CAMPUS VAMPIRES: HEART AND BLOOD [ON-GOING]
Teen Fiction[CAMPUS VAMPIRES: BOOK 2] Anong pipiliin mo? Ang isinisigaw ng puso mo? O ang idinidikta ng dugo mo? Meet Kath and DJ. They meet, they revenge, fell in love, and got hurt.