Chapter 1

608 21 7
                                    

Aria Heavenly

Tahimik akong nag iimpake habang mahinang lumuluha. Hindi ko gustong umalis dito dahil dito na ko lumaki, pero hindi ko alam kung bakit pinipilit ng mga madre na kasama ko dito na kailangan kong tumuloy sa paaralan na kahit kailan ay hindi ko naman gustong pasukan.

"Ate Aria! Ate Aria!" mabilis kong pinunasan ang luha ko ng marinig ko ang boses ni Jelay mula sa malayo.

Humarap ako sa pinto at bumungad sakin si Jelay na naka ngiti kasunod si Night sa likod niya.

"Bakit Jelay?" naka ngiting tanong ko. Napa sulyap ako sa likod niya at nakita kong seryosong naka tingin sakin si Night.

"Hala, ate! Umiiyak ka na naman?" kumandong siya sakin at pinunasan ng maliliit niyang kamay ang naiwan luha sa pisngi ko. "Wala to, bakit mo ba ko tinatawag?"

"Tapos na po kasing mag impake si Kuya Night! Sabi din ni Mother Lilia ay kailangan niyo na daw umalis at baka maiwanan pa kayo ng bus na sasakyan niyo." anito habang may malungkot na ngiti.

"Ganun ba? Sige. Tapos na din naman ako. Dinouble check ko lang ang gamit ko. Mauna kana sa baba, mag uusap lang kami ni Kuya Night mo." sabi ko at ginulo ang buhok niya.

Tumayo ito atsaka yumakap sakin. "Ate! Mamimiss ko kayo ni Kuya! Babalik kayo dito ah?"

"Oo naman." sabi ko atsaka gumanti ng yakap dito. Ngayon pa lang ay mamimiss ko na ang batang 'to.

"Group hug muna tayo nila Kuya!" sabi nito atsaka umalis sa pagkaka yakap sakin at hinila sa kamay ang tahimik na si Night.

Niyakap niya kaming dalawa at paulit-ulit niyang sinasabi na mamimiss niya daw kami at bumalik daw kami pag bakasyon.

"Promise, babalik kami kahit hindi pa bakasyon. Basta may oras kami ay babalik kami dito para dumalaw." sabi ni Night kay Jelay ng humiwalay ito sa pagkaka yakap. Tumango na lang ito at nagpa alam para mauna na sa baba.

"Anong pag uusapan natin?" tanong sakin ni Night ng tumabi siya sakin sa sahig at siya ang nag sarado ng maleta ko.

"Pwede bang wag na tayong tumuloy?" pakiusap ko. Narinig ko ang pag buntong hininga niya bago siya humarap sakin.

"Heaven. Ito ang gusto nila Mother Lilia. Pareho lang naman tayong malungkot e. Pero wala na tayong magagawa." sabi niya na tila nagpapa intindi.

Napa kagat ako sa labi atsaka tumingin sakanya. "N-Natatakot kasi ako Night." mahinang sabi ko.

"Hindi naman kita papabayaan do'n e. Magkasama parin naman tayo kaya di ka dapat matakot. Okay? Ako ang bahala sa'yo." sabi niya sakin ng naka ngiti atsaka ginulo ang buhok ko.

"Pero hindi lahat ng tao na makaka salamuha natin don ay normal Night."

"Alam ko. Hindi rin naman tayo normal e. " aniya ng natatawa. Sinamaan ko siya tingin ng dahil sa sinabi niya.

"Ano? Totoo naman e! Masasabi mo bang normal tayo? Ikaw, nagiging pula ang mata mo pag nakakaramdam ka ng matinding emosyon-- kagaya ngayon. Ako naman, may mga bagay na nagagawa--- na hindi nagagawa ng normal na tao. Tanggapin na natin ang bagay na 'yon Heaven." sabi niya na tila ba pag ganon lang kadaling gawin ang sinabi niya.

Napa iwas ako ng tingin, alam kong tama siya. Hindi nga kami normal. Sino ba naman ang normal na tao ang nagpapalit ang kulay ng mata? Sino din bang normal na tao ang may kakaibang klaseng kapangyarihan kagaya ng kay Night?

"Let's face it Heaven. We're not normal. Baka nga doon din tayo maka kuha ng sagot kung bakit tayo ganito." napa tingin ako sakanya at nakita kong seryoso siya. Ako naman ngayon ang napa buntong hininga.

Cyprus AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon