Chapter 3

137 9 4
                                    


Heaven

Tahimik namin binabaybay ang daan patungo sa main building kung saan naroon ang principal's office. Hanggang ngayon ay nag tataka kami kung bakit kami pinatawag na tatlo, gayong hindi pa naman nag umpisa ang klase at wala naman kaming ginagawa na masama.

"Psst, Heaven." napa tingin ako kay Night ng tawagin niya ako at hilahin ang kamay ko na hawak niya pa din.

"Bakit?"

"Kinakabahan ka ba?" nag aalalang tanong niya. Hindi ko maiwasan mapangiti dahil alam niya talaga kung kailan may dinaramdam ako.

"Medyo. Nakakapag taka naman kasi talaga diba? Bakit tayo ipina patawag? E wala naman tayong ginagawa."

"Hay naku Heaven. Huwag kang kabahan. Isipin mo na lang na gustong makita ng owner ng school na 'to ang pinaka bagong magaganda at gwapo niyang estudyante ngayon pasukan." sabi ni Agatha tsaka sabay tingin uli sa hawak niyang salamin. Napatawa ako dahil sa sinabi niya.

"Oo. Yun na lang ang isipin mo." naka ngiting sabi ni Night. "Mantsakin mong may naiisip din naman palang maganda tong si Agatha noh?" sabay bulong niya sakin.

"Hoy babe! Narinig ko 'yon ah!" angil na sagot ni Agatha.

"Tama na yan. Mag aaway na naman kayo e." awat ko sa kanilang dalawa.

Nang makarating kami sa may Main building ay may lumapit samin babae at sinabi na nasa pinaka tuktok ang opisina ng Dean. Mabilis kaming umakyat at nakita namin ang nag iisang kulay itim na pinto dito.

Si Night na ang kumatok at nagulat pa kami dahil si Eliana ang nag bukas ng pinto.

"Hi. Long time no see, Night and Heaven." aniya ng wala man lang emosyon ang mukha atsaka tuluyan kaming pina pasok.

Nagka tinginan kami ni Night at nagkibit balikat na lang. Noon pa man ay ganyan na siya samin.

Pagka pasok namin ay nakita namin na naka upo si Blake sa pang isahan sofa. May nakita din kaming tatlong lalaki at dalawa pang babae na naka upo sa mahabang sofa, sa kanang bahagi. Nilibot ko ang tingin nakita kong walang naka upo sa gitna kung nasan ang lamesa at upuan ng Dean. May tag isa rin pinto sa kaliwa at kanang bahagi ng silid.

"Maupo muna kayo. May kausap lang ang Dean." sabi ni Eliana atsaka tumabi kay Blake sa katabing upuan nito.

Hinila ako ni Night paupo sa isang mahaba pang sofa sa kaliwang bahagi. Nasa gitna nila ako ni Agatha. Napaka tahimik ng paligid. Wala man lang sumubok mag salita.

Narinig kong bumukas ang pinto sa likod namin kaya hindi ko naiwasan lingunin 'yon. Bumungad sa paningin ko ang isang lalaki. Sa tingin ko ay nasa late forty na ang edad. Kita sa itsura nito ang kakisigan kahit may edad na. Matangkad ito at may maaliwalas na ngiti sa mukha.

Napa tingin ito sakin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti bago dumiretso sa upuan niya.

"Good afternoon everyone. Sorry for disturbing you. But I have an announcement for you. Pero bago 'yon, I want you to introduce yourself. I can feel the awkward atmosphere here." anito at nilibot ang tingin samin.

"Let's start from the Grade 11 students. Blake mauna kana."

Napa tingin kaming lahat kay Blake ng tumayo ito. "Hi. I'm Shawn Blakely Stanford. 17." anito ng seryoso ang mukha at mabilis din naupo pagka tapos.

"I'm Eliana Venice Lewis. 16 years old." sabi nito ng nagpakunot sa noo ko.

Lewis? Bakit pareho na kami ng apelyido? Ibig sabihin isang Lewis din ang umampon sakanya.

Cyprus AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon