Paghanga(revised)

15 0 0
                                    

Paghanga (Revised)

Tayo’y estranghero sa pagkikita

Ako’y napaisip kung sino ka ba sa akin

Noong una ay balewala ka lang sa akin

Sa akin ay walang kang halaga

Isang araw ay napasulyap sa iyo

Ako’y nagkaroon ng interes sa iyo

Nais malaman ang kahit ano

Paghanga nab a ito?

Tuwing nadyan ka, ako ay kinakabahan

Hindi rin mapakali tuwing ikaw ay  nasa malapitan

Kapag sa direksyon ko’y tumingin ay kinakabahan

Tuwing tinatanaw, pagngiti’y di maiiwasan

Iyong mga ngiting nakabibighani

Kasiyahan mo ang dahilan ng pagngiti

‘Pag ikaw ay tumatawa, ako’y natitigilan

‘Pag ikaw ay nagsalita, ako’y kinakabahan

Tuwing nakikita ka, ako ay sumasaya

Pakiramda ko’y gumagaan kapag ikaw ay masigla

Kapag iikaw ay malungkot, ako ay nahahawa

Kapag hindi nasisilayan ang iyong mga ngiti, ako’y nag-aalala

Ninais kong kaibiganin ka

Ngunit ako’y iyong binaliwala

Muling sinubukan pero walang nagbago

Hanggang saan aabot ang ganito?

Kaunting oras na lamang ang nalalabi

Upang ikaw ay makasama at makita

Alam kong ako’y walang halaga

Hahanga na lang ako sa iyo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kaweirduhan ni MissVanillaliciousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon