Too Late To Have My Happy Ending

44 1 0
                                    

Narananasan niyo na bang magmahal?

Yung tipong ginawa niyo lahat, binigay mo lahat

Pero sa huli ikaw parin ang dehado?

Ikaw ang kawawa?

Ikaw ang may kulang?

Masakit isipin na nagiging tanga tayong mga tao dahil sa pag ibig

Miski ako, siya , tayong lahat nagiging biktima ni LOVE.

Akala natin dati, pag katapus ng kasalan happily ever after na

Na pag na sealed na ng kiss, wala ng magbabago

Pero ang totoo nag iilusyon lang pala tayong mga tao.

Hindi permanente ang mga bagay sa mundong ginagalawan natin

Gaya ng pag ibig, ngayon mahal ka bukas hindi na

At ang mga umaasa na magkakaron sila ng happy ending?

 Sila ang kawawa at sila ang iiyak

Sisisihin pa nila ang sarili nila sa nangyari

Hinahanap nila ang mali nilang ginawa

Not knowing na hindi sila ang may kulang kundi yung mga naka partner nila

Masakit isipin na mayroon talagang nangyayari na nagpapakamatay dahil sa sobrang

Lungkot at sakit na nadarama nila. Kagaya ko .

Pero naisip ko din na hindi ko dapat pinag aaksayahan ng dugo at luha

Ang taong nanakit sa akin, ang unti unting dumudurog sa puso ko

Na wala namang ibang ginawa kundi ang mahalin siya.

Pero sa tingin ko hindi naman siya aware sa pag ibig ko sa kanya.

Fling lang ata para sa kanya ang limang buwan naming relasyon.

At sa loob ng limang buwan na yun puro pasakit lang ang nararanasan ko.

Sabihin na nating, oo, naging Masaya naman ako kahit papano sa kanya

Pero hindi ko maikakait na mas lamang parin talaga ang mga masasakit na

Rebelasyon na natutuklasan ko sa loob lamang ng limang buwan.

Maikling panahon pero puro kasinungalingan lang ang nalalaman at

Nararanasan ko sa kanya, akala ko at kampante ako, na ako lang

Pero ang totoo, pito kami. Nakakatawa lang diba?

At nung nalaman ko yun? Anong ginawa ko?

Pinabayaan ko. Ganun ko siya kamahal para hayaan siyang magpakasasa

Sa mga babae niya dahil umaasa ako eh. Umaasa ako na isang araw

Magpagtatanto niya na ako lang ang mahal niya pero hindi.

Mas pinanindigan niya ang paglalaro at syempre ako?

Tao rin ako, may damdamin, nasasaktan at sumusuko.

Pagod na pagod na ako sa kakaintindi sa kanya.

Kung kaya ko lang na ibigay sa kanya ang mga naibibigay nung mga yun

Edi sana mas mahal niya ako at lalayuan niya na yung mga babae niya pero hindi !!

Hindi ko maibigay sa kanya dahil ayaw niya, willing akong ibigay sakanya yun

Kung yun lang ang paraan para itigil na niya ang pananakit sakin emotionally.

Nag hihintay lang ako na siya mismo ang lumapit at magmakaawa na tulungan

Ko siyang magbago at turuan siyang mahalin ako pero wala eh.

Namuti nalang ang mata ko kakahintay na gawin niya yun pero wala.

Nakaka disappoint! Nakakaasar! Dahil lang sa walang kwentang bagay na yan

Nakalimutan na niyang mahal niya ako. Dahil sa walang kwentang tukso

Na yan, nakalimutan niyang may nagmamahal sa kanya at may nasasaktan.

Kaya noong mga oras na hindi ko na talaga kayang dalhin ang hinanakit sa dibdib ko

Tumakbo ako sa isang kaibigan na alam kong matutulungan niya akong pakalmahin

At mabibigyan niya ako ng ideya sa kung ano ang susunod kong gagawin.

Dahil sa puno pa ng poot at hinanakit ang dibdib ko naibigay ko sakanya ang para

Dapat sa taong mahal ko. Hindi ako nagsisi bagkus natuwa pa ako dahil pwede

Ko nang maangkin ang taong mahal ko dahil maibibigay ko na sakanya

Ang kanyang kaligayahan pero dahil din sa insidenteng yon kaya kami nagkalayo

Ng tuluyan. Dapat akong matuwa dahil malalayo ako sa taong nananakit saakin.

Pero nasasaktan din ako dahil hindi ko na siya mapapaligaya sa paraang gusto niya.

Wala akong nagawa kundi ang sundin ang magulang ko. Lumipad kami at nagpakalayo.

Tatlong taon din mahigit ang inilagi ko sa probinsya ng aking ina. At hindi maganda

Ang naging buhay ko doon, mas nailabas ko ang poot sa dibdib ko sa paraang alam

Kong maaawa ang mga kaibigan ko na iniwan ko, sa akin. Halos araw araw ako

Kung makipagtalik sa aking nagiging kasintahan, kahit nga hindi ko kasintahan

Pinapatulan ko. Madumi ang tingin ng mga tao sa akin doon at laking pagsisisi ko

Dahil naging ganito lang naman ako dahil sa lalaking binigay ko na nga ang lahat

Naghahanap parin ng iba pang pampalipas oras. Naaasar ako sa kanya!!

Imbes na sabihin niyang ayaw na niya sakin mas pinapaibig naman niya lalo ako

Sa mga salitang binibitawan niya at dahil nga sa mahal ko siya patuloy at patuloy

Ko parin siyang pinapapasok sa buhay ko. At ngayong nagbabalik ako dito,

Malalaman kong pamilyadong tao na siya?? Ang sakit lang isipin mga kaibigan!

Sobrang sakit, hindi ko man lang mailabas tong hinanakit sa puso ko sa mga kaibigan ko

Dahil may sari-sarili rin silang problema at tinutulungan ko silang lutasin yun.

Samantalang yung sarili kong problema hindi ko malutas lutas dahil wala na eh.

Nakatali na siya, hindi na maaaring bumalik sa dati. Nagtataka kayo kung bakit

Hinihiling ko pang bumalik kami sa dati? Dahil mahal ko pa siya, sobrang mahal ko pa siya!

Ni hindi ko nga siya makausap dahil hadlang ang asawa niya. Gusto kong humingi ng tulong

Sa mga kaibigan ko pero gaya nga ng sinabi ko, may mga personal din silang mga

Problema at ayoko ng dumagdag pa. ayokong maging pabigat kaya siguro magsusuot

Nalang ako ng maskara sa harap nila para hindi nila malaman ang tunay na pakay ko

Kung bakit patuloy parin akong pumupunta sa lugar nila. Dahil hanggang ngayon sa oras

Na ito, sa linggong ito, sa buwan na to, sa taong ito isa lang ang sigurado ako.

Mahal ko pa siya pero hindi ko na siya makakamit pa kahit kailan.

Gustuhin ko man, may hadlang na kaya kahit mahirap, kahit masakit

Lalayo ako, ititigil ko to hangga’t kaya ko! I am not the leading lady of our story,

And now that he have already found his QUEEN, I’m accepting my defeat and I know

It’s too late to have my happy ending with him </3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Too Late To Have My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon