Chapter I-Sweetdreams

52 1 1
                                    

"Omg. Late na ako!!!!" Tumatakbo ako ngayon sa hallway, dala dala ang mga libro sa kamay ko. Late na ako! 1st subject ko at may long quiz kami. Kailangan ko pa pumanik ng isa pang hagdan dahil nasa 2nd floor palang ako at sa 3rd floor pa ang room ko. Grabe, pagod na ako kakatakbo! Ang haggard na ng itsura ko, mukha akong nakipagsabakan sa gera. Sa wakas, konting takbo nalang sa hallway malapit na ko sa room, ng biglang...

"Araaayyyy!!!!"

May nakabungguan ako at nalaglag ang mga libro na hawak ko.

"Miss, okay ka lang? Im sorry, hindi ko sinasadya, hindi kita napansin"

Nabunggo ako ng isang lalaki. Ang bango niya.

"Okay lang ako, sorry din, nagmamadali kasi ako eh late na ako"

Pinulot niya yung mga libro ko, nakatingin lang ako sakanya. Ang gwapo niya. Ang tangkad, chinito, ang tangos ng ilong, maputi, at ang aliwalas ng mukha. Masasabi kong perfect chinito type.

"Miss, Sorry ulit ha, ano nga palang name mo?"

Sabi niya pagtapos niya pulutin mga libro ko. Gosh. Ang mga mata niya kumikislap parang may spark.

"Ay thankyou. Ako nga pala si Anne, and you?"

Nakangiti siya sa akin, nakangiti rin pala ako ng hindi ko namamalayan. Na love at first sight yata ako.

"Hi Anne, I'm Sam. Nice to meet you" Sabay abot niya ng kamay niya, iaabot ko na rin ang kamay ko, nag shake hands kami.

"Uhmm.. sige una na ako ha. Sorry ulit, Sam"

Medyo nahiya na ako tumingin sakanya. Nadidisract ako sa mukha niya.

"I'll go with you, hatid na kita. Anong room mo?"

Hawak niya parin yung mga libro ko.

"Ay ehhh.. doon sa room 314"

"Okay. Let's go"

Sabi niya habang nakangiti siya. Tila huminto ang oras habang naglalakad kami, ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang gwapo niya pag nakangiti siya, pati mga mata niya ngumingiti. Naiinlove na yata ako.

"Uy Sam, thankyou ah nakakahiya bitbit mo pa yung mga libro ko."

Nasa tapat na kami ng room ko.

"No. Its my pleasure and sorry again. I hope to see you again soon Anne"

Nakatingin sya sa mga mata ko. Bumibilis lalo tibok ng puso ko.

"No worries, see you around. Bye Sam"

Bubuksan ko na yung pintuan ng room.

"Bye An... *RRRRRRIIIINNNNNGGGG*

Nagising ako sa katotohanan, panaginip lang pala! Ang lakas naman maka love story sa isang movie yung panaginip ko. Nagising ako sa tawag ni Haidee.

"Hello girl!!! Nasaan kana ba?"

"Kakagising ko lang Haidee, istorbo ka ang ganda na ng panaginip ko!"

"Ay sorry naman teh. Sana hindi nalang pala ako tumawag no'? Para ma-late ka ngayon! May practice tayo ng sayaw, remember???"

"Ay! Oo nga pala. Ano ba yan, akala ko makakapagpahinga ako ngayong rest day. Sige na, babangon na ako at mag aayos."

"Akala mo lang yun! Banat banat din ng katawan teh. Sige may ikukwento pala ako sainyo later. See you!"

"Tse, ikaw banatan ko jan eh sige sige bye. See you!"

Ang hirap naman ng buhay estudyante, nag aaral ka na nga, nagsasayaw kapa! Nag ayos na ako ng mga gamit na dadalhin ko, tumingin ako sa orasan 8:30 na pala at 10am ang call time. Habang nag aayos ako hindi pa rin ako maka get over sa panaginip ko, si Sam. Totoo kaya siya? Hayyy. Buti nalang hindi blurred ang mukha niya sa panaginip ko at nasilayan ko ang kanyang kagwapuhan! Thankyou lord! Sam sam sam! Sana totoo ka. Sana makita kita in person. Napabuntong hininga ako. Kumilos na ako.

Ako nga pala si Anne. 17years old, 2nd year college na. BS Psychology ang course ko. Masayahin akong tao, madaming kaibigan, palabiro, simple lang ako at gusto yung nagpapasaya ako ng tao. Ako din yung tipo ng tao na kinikilig nalang sa lovelife ng iba, wala eh, NBSB. Sakin lumalapit yung mga kaibigan ko kapag magkekwento sila tungkol sa lovelife nila, kahit mapa break up man yan o mga nakakakilig na nangyayari sakanila. Marunong daw kasi ako mag advice pagdating sa lovelife, nagtataka nga sila kasi kung sino pa yung walang boyfriend eh yun pa yung marunong mag payo at alam ang gagawin sa isang sitwasyon. Madami na din kasi akong napagdaanan, tao rin naman ako, naiinlove at nasasaktan. Hanggang M.U lang kasi ako, ewan ko bakit hindi mapunta punta sa Bf/Gf, hindi ko alam ang dahilan. Minsan hindi ko maiwasang maisip, eto na ba talaga yun? Siya na nga kaya yung para sakin? Pero hindi eh, hindi talaga. Iniisip ko nalang na may nakalaan talaga para sa akin, at hindi ko kailangang magmadali.

Tapos na ang pratice, grabe 1st practice palang pero parang nag last practice na namin, akala mo hindi na sasayaw bukas! Ang strict pa ni kuyang dance instructor.Bakit kasi nauso pa to' eh? Nagpractice kami ng modern dance para sa finals namin sa PE. Kasama ko ngayon ang mga sisters for life ko na sina Haidee, Alex at Jenny, nagpapahinga kami ngayon sa gym at nagkekwentuhan.

"Girls!!! OMG. May chika ako ngayon. Grabe kinikilig ako!" Banggit ni Haidee.

Saming magkakaibigan, ako lang yung walang nagpapakilig sakin! Silang tatlo may mga sari-sariling lovelife, pare parehong umiibig. Pero hindi naman ako naiinggit, masaya naman ako sa kung anong meron ako ngayon. Nandiyan naman yung mga kaibigan ko eh yung mga nagiging crush ko lang talaga yung isa sa nagpapakilig nalang sakin.

"Grabe Haidee, ikaw na talaga! Ang swerte mo naman jan kay Mark, sana talaga seryoso sayo yan. Kundi kakaratehin ko mukha ng lalaking yan" sabi ko.

"Oo nga eh, baka naman nakikisabay lang sa uso yan yung mga surprise surprise keme tapos i-uupload pa sa youtube at facebook!"

Sagot ni Alex.

"Ano ba kayo, tiwala lang girls. Alam ko seryoso talaga sakin si Mark. Sasabihin ko naman sainyo mga nangyayari sa relationship namin lalo na pag may problema kami at alam ko susuportahan nyo ko dun. Kaya love na love ko talaga kayo eh!"

"As long as happy ka Haidee, syempre suportahan ka namin! Hay nako ang drama mo pa. Basta dapat hindi natin hahayaang tapak tapakan ng mga lalaki ang dignidad natin, girls! Chos!" Sabi ni Jenny.

"Ewan ko sayo. Ang dami mong alam Jenny! Basta nandito lang kami lagi para sayo Deedee, i love you all girls!!! Group huuuuug" sagot ko naman.

Nagyakapan kaming apat na may ngiti sa mga labi namin. Masaya kami para kay Haidee, mag 3 months na sila ni Mark. Inaya niya si Haidee na mag date sa monthsary nila, sa ngayon maganda ang takbo ng relationship nilang dalawa. Mahal na mahal yun ng kaibigan ko, sana lang hindi siya lokohin ng lalaking yun.

"Girls tara kain muna tayo sa labas bago tayo umuwi!" Aya ni Jenny.

Kumain kami sa Mcdo malapit sa school, as usual tuloy ang kwentuhan habang kumakain kami. Si Alex may boyfriend na din siya, si Aaron. Matagal na sila, 2 years na sila ng boyfriend niya. Highschool palang kasi sila nililigawan na siya ni Aaron at naging sila din kaya alam namin na mahal na mahal siya nun. Matagal tagal kasi siyang niligawan ni Aaron, naghintay talaga para sakanya. Naiisip ko nga baka sila talaga para sa isa't isa? Pero hindi ko rin naman masasabi kasi bata sila, depende na yun sa tadhana nila. Si Jenny naman, may ka M.U siya, nangliligaw na rin ata sakanya. Siya yung hindi mapakali ang relationship saming magkakaibigan, madalas kasi niloloko siya ng mga nagiging boyfriend niya noon. Kaya matagal tagal din siya walang lovelife, natakot na din kasi siya magmahal dahil sa mga nangyari sakanya. Pero ngayon, handa na daw ulit siya magmahal may nagpapatibok na kasi ng puso niya, si Carl. Hindi pa namin na-meet yun kasi nahihiya pa samin si Jenny, pero ang sabi niya ipapakilala niya daw samin si Carl, soon. Masaya ako para sa mga kaibigan ko, dahil may nagpapasaya sakanila. Marunong sila mag handle ng relationship nila, hindi nila yun ginagawang hadlang sa pag aaral nila kundi ginagawa pa nila yun inspiration at motivation. Bilib nga ko sakanila kasi napagsasabay nila yung mga ganong bagay. Ako kaya? Kailan kaya dadating yung magpapasaya sakin?

Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon