Althea's POV
I gotta admit, the house I've talked to Paul John was entertaining. Maybe it was the fact that I was talking to PAUL JOHN not the CONCEITED PAUL JOHN.
May sarcasm pa rin sa kanya at pagiging mayabang pero, pareho naman kami.
Alam ko rin na nahalata niya na hindi ako nag-maldita sa kanya sa mga oras na nag-uusap kami pero, kaya lang naman ako hindi nag-maldita ay baka kasi bumalik ang sobrang yabang na Paul John kapag nag-maldita ako.
At that moment, or any moment, ayaw ko nang bumalik iyon pero, hindi naman lahat ng magagandang bagay ay nag-tatagal, di ba? At mapapatunayan ko iyon ngayon
"Nagugutom na ako, may pagkain pa diyan?" sabi niya habang hinihimas ang kanyang tiyan "Meron pero kailangan mo pang iluto" sabi ko.
He rolled his eyes like a snotty girl "Luto? Marunong ka naman magluto di ba? Ipagluto mo naman ang boyfriend mo, oh" sabi niya.
I scoffed loudly at him "Hindi naman purket 'BOYFRIEND' kita ay dapat ko nang gawin ang gusto mo. Ipagluto mo ang sarili mo" I said then flipped my hair at him before walking out of my room.
Bigla niya akong hinabol at naglakad sa tabi ko "Sige na naman oh, nagugutom na talaga ako, eh" paki-usap niya
"Wala naman akong sinabi na hindi ka pwede magluto ah." sabi ko. "Sige na naman, Althea, oh. Ipagluto mo na ako" paki-usap niya ulit at nag-pout pa sa akin.
Cute iyon pero, hindi gagana sa akin iyon. Sa daming beses na ginawa sa akin ni Joanna iyon ay natuto na akong tumanggi, tsaka, bitch nga di ba?
"17 years old ka na, di ba?" tanong ko.
Tumango siya pero mukhang nag-tataka siya sa aking tanong "Oo, bakit?" sabi niya
"Edi dapat marunong ka na magluto" sabi ko at tsaka pumasok sa aming kusina at kumuha ng maiinom. Tumingin ako sa kanya at nakitang nakaka-kagat labi siya; parang nag-aalangan
"Ano naman ang problem mo ngayon?" tanong ko habang nag-pamewang. Binaling niya ang tinging niya sa akin at ngumit, tumatawa pa ng pahiya
"Ah, eh, hindi ako marunong magluto, eh" sabi niya ng patawang nahihiya.
Bigla akong napatawa ng sobrang lakas ay kailangan ko nang humawak sa counter para sa suporta.
17 years old hindi marunong magluto?! Ngayong lang ako nakarinig nun, ah!
"HAHAHA! H-Hindi ka... Hindi ka marunong.... magluto?!" I said in between laughs at nakita ko siya mag-blush "Hindi" pabulong niyang sinabi.
"Grabe, hindi ka talaga marunong magluto?" tanong ko ulit "Hindi nga! Ang kulit mo naman!" sigaw niya habang lalo pang namula ang mukha niya
"Hindi mo ba ipinagluluto ang mga babae mo para lalo pa silang mahulog saiyo?" tanong ko muli "Nagta-take-out lang ako at sinasabing luto ko iyon." sabi niya habang tumitingin ng masama sa akin
"Isa pa, pang babaeng gawain lang naman ang pagluluto eh, hindi ko kailangan pag-aralan" sumbat niya sa akin.
Tumawa pa ako ng isang beses bago ko pinisil ang pisngi niya "Sige na nga, nakaka-awa ka naman. Baka mamatay ka pa sa gutom" sabi ko at tsaka inihanda ang mga gamit at ingredients
----
"Alam mo, mas gusto ko kausap yung Altheang naka-usap ko kanina" he blurted out in the middle of my cooking
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Bitch and Popular Numb Cassanova
Teen Fiction"Now, I just want to love you with all my Heart." -Kaya kong harapin at iwanan ang lahat para sayo.