“Alicia!!” gising sa akin ni mama mula sa baba, hayyy!. Imagine! ilang pader ang tinagos ng bunganga este boses ni mama.
Dali-dali akong nagising nung narinig kong ang uting bumukas ang pintuan.
Baka may dala-dala na naman si mama takip ng kaldero, at gawing alarm clock sa akin. Yun kasi ang ginagawa ni mama kapag hindi ako magising!
Sayang yung panaginip ko!! Napaginipan ko ba naman na ako si Snow white! Na nakahiga sa malambot na kama. At parang nag hihintay ng kiss mula kay PRINCE CHARMING!! hayyy!! #kiligmuch
Kaso, hindi natuloy yun!! Dahil kay mama! Nam'n oh!
*Booogs*
“Aray!!” ang sakit hinampas ako ni mama ng tsinelas! Ang sakit ha!.
“Ma,!!!” sigaw ko habang tumatayo.
“Ano?! Gising ka na ba!! Alam mo bang late kana sa trabaho mo! Gusto mo bang ulit mawalan?!” sigaw sa akin ni mama.
Grabeng magalit. Mukha ba akong tulog eh, nakatayo na nga ako. Mama talaga oh!
Speaking of 'Trabaho' ilang beses na rin akong nawalan dahil lagi akong late. Junior high pa lang ako. Pero itong trabaho ko na ito parang part time job lang. Hindi ko ito sinisersoyo pero sinisikap ko parin makatulong kahit sa maliit na paraan kay mama, kahit na nag iisa lang akong anak at nag iisang magulang si mama.
Wala na akong Tatay, at ayoko nababanggit ang word na yun nakakairita. Bata pa lang kasi ako naiinggit na ako sa iba kong mga kaklase dahil meron silang tatay, hanggang sa tinanong ko si mama kung nasaan ang tatay ko pero sabi niya baby pa lang daw ako wala na siya.
“Ma?!! Bakit mo hinagis sa akin 'yan” sabay turo sa tsinelas.
Ang sakit kaya!! Sa mukha ko pa tumama.
“Para ka kasing lutang! Bilisan mo diyan!” pagkatapos sinabi ni mama 'yun bumaba na din siya at sa wakas nakapag pahinga na rin ang tainga ko!
Naligo na rin ako at nag ayos ng aking sarili. Para maging presentable naman ako kapag humarap sa costumers.
At natapos na ako. Ayon bumaba na ako at nag paalam kay mama.
Hindi na rin ako kumain. Busog pa ako.
“Teka!! Lia!!” tawag sa akin ni mama bago ako lumabas ng pinto.
“B-bakit po?” tanong ko habang papalapit sa akin si mama.
Ina abot sa akin ni mama ang isang bag na may lamang…
Lunch box
2 bimpo
1 damit
Med kit
1 toothbrush w/ toothpaste
Hayy… Mama talaga oh!! ang sweet…
Nagpasalamat ako kay mama at niyakap ko siya at umalis na ako.
Mr. Sweet Cupcake Cafe
Hayy… nandito na rin ako. Nag bike lang ako hanggang dito sa pinagtratrabahuhan ko. D' gaanong malayo kung mag b-bike pero kung lalakarin 45 mins kang maglalakad.
“Lia!!!” masayang bati sa akin ni Kat-kat.
Siya si Kathleen Rose Parungao ang best friend ko. Siya rin ang nag aya sa akin na mag apply dito. Mabait siya at maalalahanin.
“Muntik ka na naman ma-late!!” sigaw niya sa akin.
Hanggang ba naman dito! May sisigaw sa akin. My poor little ears! 丅一丅
“Late na rin kasi ako matulog kagabi” hahaha. Late ako matulog kasi nanood pa ako ng TV. Kanda kasi ng mga palabas ngayon!
“Susme!! Mag alarm ka kasi!” sabi niya sa akin habang nag aayos ng upuan.
God. Kaya nga ako nag tratrabaho dahil gusto ko nga makabili nun! Nakakasawa na rin kasi tuwing umaga boses ng nanay mo at kaldero ang gumigising sayo! 彳。彳
“Oo na! Ok na! Alam ko na! Gets ko na!” sigaw ko sa kanya at tinulungan ko narin siya mag ayos ng upuan.
Dumami na rin ang mga costumers. Abalang abala kami.
4:10pm
At ayon, natapos na rin ang nakakapagod na araw, hindi ko kasabay umuwi si Kat-kat dahil may pupuntahan daw siya. Poor me! Walang kasabay.
Kinuha ko yung bike ko at saka umalis.