Part 2

17 1 0
                                    

Tweep tweep. Cling. Tweep tweep. Cling. Tweep...

Sakit sa ulo.

Tumunog ang alarm clock. 4:00 A.M. Nang bumangon si Quincy inabot niya uli ang maingay na cellphone. May mga sampung nag text ngunit di niya ito pinansin, i-open niya ang music player sa max volume.

But you thought me how to feel when nobody ever would...

Nakakaantok.

Sa kubeta siya nag punta ng kalahating tulog. Buksan ang gripo. Unang hampas ng tubig sa mukha niya, at naalala niyang sabado pala...

"Shiiiit."

November 22. 4:09 A.M.

Nagpunas siya at nag damit ulit. Balik ulit sa kama.

And you thought me how to love when nobody ever could...

Pinilit niyang matulog. Ngunit naiinitan na siya at maingay sa labas. Binuksan niya ang cellphone at tinext si Audrey.

Tuloy ka ba mamaya?

4:48

Nahigang dilat si Quincy. Madilim pa, pahaba na ang gabi. Dahil malapit na ang December.

But you belong to the world...

Ting.

Hi:) Goodmorning po.

Lian 5:12

Hindi naman si Audrey to eh.

Hinila niya ang unan at nilagay sa taas ng mukha niya.

Ang apelido ni Quincy ay A. Rosario. Sixteen years old at fourth year student sa St. Luis High. Isa siyang "magaling" na estudyante.

Hindi pa nababayaran ni Quincy ang upa sa apartment kaya napilitang lumakad ngayon para mag withdraw.

Ting.

Yep sa waiting shed ako txt ka:)

AudrI 5:20

Cge see yaa

5:21

Bakit ba ang ingay sa labas? May santo bang dumaan?

Bumangon siya at nag bihis dahil naramdaman niya ang kalam sa sikmura at ng makabili ng pagkain sa labas.

Kinuha niya ang mga natitirang barya sa kabinet at tumungo palabas.

Nang buksan niya ang pinto, dilim ng langit ang sumalubong sa mata niya. Ngunit hindi inaasahang nababalot ng katahimikan ang kalye. Nasaan ang ingay mula sa kung anumang kaguluhang segundos lang nakalipas? Walang tao sa kalsada. Tanging ang isang plastic na lumilipad.

You belong to the loneliness of filling every need...

6:00 A.M.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tingin Ka Sa LikodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon