Thank you so much for the kawaii cover, towaitforeternity!
*~*~*~*~*~
The Wedding Booth by ForeverInspirit.
"1 text message received"
Isang maliit na kulay asul na ilaw ang nag-shishine sa bandang itaas ng phone ko. Hay, ano nanaman ang kailangan ng bruhang to? Mamaya yayain nya akong pumunta sa kung saan. Uso pa man din ang kidnapping at rape ngayon.
"Bruhaaaa! Malapit na ang School Fair ng High School Dept! Punta tayooo! Mag-reply ka! Alam kong gising ka!"
I groaned. Paka-demanding talaga ng bruha. Tsaka, high school department? Ano naman ang huhuntingin nya dun? Mas bata ng apat na taon ang mga estudyante sa side na yun noh. Sumandal ako sa headboard ng higaan at pinindot ang 'Call'.
Hindi na ako nag-hintay. Agad-agad na sinagot ni Valerie ang phone nya. Of course, ang unang bungad nya sa akin ay isang malakas na tili. Well, more like a dolphin-slash-tsanak type of scream. Nilayo ko saglit ang phone ko.
"Hindi mo ko kailangang sigawan, Val. I'm not deaf"
"Ehhh, dali punta tayo! Baka may papi dun! Hihi"
Umirap ako. Kahit hindi naman nya nakikita. "Look, 70% ng population dun ay 16 years old pababa. They're kids for heaven's sake! Bakit dun ka pa maghahanap ng gwapo?"
"Ano ba, girl! Kaya hanggang ngayon single ka pa din eh. Masyadong nega! Oo, alam kong maraming kiddos dun pero asa namang sila ang hahanapin ko noh? Malay mo yung mga students dun may kuya na sobrang gwapo diba?"
Naipatanong ko na lang ang isang kamay sa noo ko. Grabe. Ang tindi talaga mag-isip ng babaeng to. Basta gwapo, kahit anong paraan gagawin makakita lang. Pero sa tindi ng skills ni Val, I'm amazed na never pa syang nagka-boyfriend.
"Fine" I can hear her squealing at the other line. "Makiki-ride na lang ako dyan sa gwapo hunting whatever mo. I just need to get my mind off things"
"Ayieeeeee, si Ezekiel ba yaaaaaaaan?"
"Gago, hindi. Bakit ba sya agad ang sinasabi mo? Ugh. That was three years ago! Get over it!"
Kahit nasa kabilang side kami ng siyudad, I can imagine how she looks with her annoying grins and shrieks. The type of look that makes you want to slap her one hundred times. "YIEEEEEEEEEE! DI PA NAKAKA-MOVE ON SI ATEEEENG!"
"Shut up. I'm completely over him"
"Wushu. If I know, stinastalk mo pa rin siya! Nakooo. Tindi talagang kagwapuhan ni Papa Kiel at maski ang Diyosa ng Dynasty Academy ay napatumba nya!"
BINABASA MO ANG
The Wedding Booth (One Shot)
Teen FictionSa loob ng dalawang oras, kinasal ako sa isang taong di ko kilala.