Rachel's pov :
Papasok na naman ako. Kelan ba ko titigil sa lintik na pagpasok na to? Nagpapakahirap akong mag-aral.. para kanino ba ko nagsusumikap? Sa nanay kong matagal ng dedo? O sa babaero kong ama? Dahil sa kanya, nawalan ako ng inang mag-aaruga sana sa akin. Ayoko na! Hirap na hirap na ko sa ganitong buhay!!! Kelan ba may magliligtas sakin dito sa lugmok na to?
Nandito na ako sa eskwelahan namin. Ang eskwelahan ng mayayaman ngunit mga walang Modong estudyante...
"Aray!!!"
Nasambit ko nalang ng bigla akong
Mabangga ng isang lalaki.
"Sorry miss. Im in a hurry. May meeting kasi ako with the Deans. I'll see you around to say sorry." Anito at Umalis Na.
Hindi ako umimik. Umalis nalang din Ako. Pumasok nako sa classroom and as usual, ayan na naman ang "the weirdo is already here" look ng mga maaarte kong kaklase. Wala naman akong pakialam sa iniisip nila. As long as kahit hindi ako mag-aral ng mabuti, Im on top of them. Yes. Actually, kahit ayokong mag-aral, matalino ako. Ako lang naman ang top 1 sa klase. And top 2 sa buong Shining Inheritance Academy. Hindi ba? Ang saya! Pero hindi ko na kailangan ng Talino. Ayoko nito. Mas okay pa sana kung buong pamilya ang binigay sakin kesa tong talinong 'to.
Naupo ako sa armed chair ko. And as usual, nariyan na naman si Matthew Choi, ang bulkhead sa klase.
"Hi Rachel! So, ano na namang vitamins ang Ininom mo para maging matalino ngayong araw na'to? Ah! Huhulaan ko nalang! Siguro nag-overdose ka ng memory plus ano?" -si Matthew.
"Ano kaba Matthew! Wag mo na ngang kausapin yang weird na'yan!" -ang kambal nitong si Abby Choi.
Tinignan ko ng void si Matthew.
"Kahit sabihin ko sa'yo kung ano ang iniinom ko at kinakain ko everyday, hindi parin naman mababago non ang katotohanang hindi ka matalino." -Sabi ko saka kinuha ang phone ko at iyon ang hinarap.
Nag-tiim bagang siya. At nagulat nalang ako ng bigla niyang hablutin ang phone ko at....
*CRAAASHH*
Gulat na gulat lahat ng kaklase ko and even me. At Kahit galit na galit na ako dahil sa mommy ko ang phone na'yon, I tried to be calm and wear my expressionless face. Dahan dahan akong tumayo sa kinauupuan ko. Ngumisi siya sakin.
"How I wish ika-talino mo ang pagbasag sa phone ko." Sabi ko saka pinulot ang phone kong wasak wasak.
Void ako physically,, but deep inside, humihiyaw nako sa galit.
Halata ang pagka-badtrip sa mukha ni Matthew. Dahil narin siguro sa sinabi ko at sa Wala silang Mabasang expression sa
mukha ko. Pumasok na ang first teacher namin. Nagsiupo na sila sa kani-kaniyang armed chair at ako heto, deep inside nagluluksa.
"So king Herod told the wise men......blah blah blah..."
Psh... -_- dahell. My favorite subject
:3 :3 Yes!! That's irony. I hate theology subject. Para Saan ba yan? I dont even believe that GOD exist. Because if He does, sana buhay pa ang mother ko. :'( umma, eodireul areu(mom, where are you)? Jigeum dangsini pilyohaeyo (I need you now).
*RRRRRRRIIIIIIIIINNNNNNGGGG*
"Okay, class dismissed."
Haaayy!!!! Sa wakas! Tapos na din :D Next class na namin. Music... oh~~ pft .. isa rin to. Ayoko din nito. Paano ko ba naman magugustuhan to eh, namana ko sa walang hiyang lalaki ang galing ko sa pagkanta.
-_-
"KYAAAAAAAAHHHHH~~~~~~"
Napalingon ako sa pinto. Okay. Kaya pala naghiyawan ang malalandi kong kaklase. Ang SSC President naming si Robin Lee pala ang pumasok. Humarap ako sa bintana.
"Good morning, class. May ia-announce lang ako. Sino pala ang gustong sumali sa school journalism? Yung talagang willing. Itaas ang kamay please ..." -siya.
Nagulat nalang ako nang biglang may huminto sa tabi ko. Tinignan ko kung sino yon at...
"Ikaw miss, ayaw mong suma----- teka, ikaw yung nabunggo ko kanina diba? Sorry pala. Hindi ko sinasadya." -siya.
Tumango lang ako.
"Ayaw mo bang sumali? Nakikita ko kasing may potential ka."
"Not interested." -sagot ko.
"But if you ever change your mind..."
"Not interested." -I insist. Ang kulit ah!!!
Nagkibit-balikat siya saka ngumiti.
"Okay. But you're always welcome sa office ko anytime."
"Okay."
Bumalik na siya sa harap.
"Mag-pass nalang kayo ng ⅛ sheet of paper, dun sa mga willing."
"Now na, Robin?" -si Abby.
"Yes."
Maya maya lang nag-pass na sila ng papel. Ako lang ata ang babaeng hindi nag-pass ng papel. Pero mukha namang interesting eh. Tsaka na. Kapag Wala ng mga babaeng umaali-aligid sa office niya.
Lumabas na siya at pumasok na ang teacher namin. Nag-discuss lang siya, blah blah blah, and nagulat nalang ako ng tawagin niya ako. Tumayo ako.
"Hindi ba magaling ka sa pag-play ng musical instruments, Ms. Yoo? " -siya.
"Piano, guitar, at gayageum lang po, ma'am." -ako.
"Gayageum... o well, half korean ka nga din pala."-siya.
"Im a pure korean, ma'am."
"Oh, really..."
"Yes. So what am I going to do then?"
"Sa intramurals kasi, ni-request ni President na mag-perform daw ang top 5 ng Shining Inheritance ng kahit ano. And I suggested you to perform a song. And they approved it."
Linsyak na teacher 'to. Narinig kong nagbulungan ang mga kaklase ko at para bwisitin sila lalo....
"Any song ma'am? " -tanong ko.
"Oh!!! I thought aangal ka..."
"Why would I ma'am? It's my pleasure to perform infront of the school's President."
Wew... ako ba'to? Haha... ako nga to. :D Nag-alburuto na ang mga kaklase ko.. Saya!!:D
"That's great! So just prepare any song. And dapat with musical instrument."
"okay, ma'am."
"okay, so that's all for today.Class dismiss."
Break time na. Nagpunta ako sa Campus Journalism's Office (CJO). Kumatok ako Pero walang sumagot. Inilapit ko ang tenga ko sa dahon ng pinto. May naririnig akong tumitipa sa keyboard. Kumatok uli ako ng mas malakas.
"PASOK!!!!!"
Pinihit ko ang doorknob. Nag-angat ito ng mukha at awtomatikong napangiti ito ng makita ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry po ngayon lang ulit nakapag-update.. na-uninstall ko po kasi yung notebook app ko kung Saan nakasave yung draft ko nito eh.. nag force close kasi yung app. Well, anyway ang mahalaga ay importante.. joke!! Haha.. ang mahalaga, nakapag- update nako :)) sana nag-enjoy kayo sa chapter 1 :D
YOU ARE READING
DEMON'S HIDE
Mystery / ThrillerAno'ng gagawin mo kung may ibang nagma-manipulate sa buhay mo? Continue living with struggle or die for good reason?