Destined 2

3.3K 83 2
                                    

Destined 2

KEI AKASHI

"Wahhhh Aka-chan ok ka lang ba? Sabi ni Lance nasa clinic ka kahapon. Ano nagyari sayo? Di kami makapasok kasi may omega daw sa loob!!" Si Leroy na niyugyog yugyog pa ako sa balikat. Ahh ba yan.

"Bitaw." Sabi ko at agad na lumayo sa kanya. Parang nagdahilan lang ako kahapon. Naguguluhan ako. Sobrang naguguluhan. Nawala agad ang heat ko. Ni di ko nga naramdaman na nag heat pala ako kahapon. Ano ba yun!? Nakakagulo naman.

"Pero Aka-chi ok ka lang ba? Dapat di ka na pumasok." sabi ni Chippy sabay kain mg chippy. Kaaga aga junk food ang kumakain. Di nalang ako nagsalita. Hay nako.

"Senior Kei. Ok ka na ba?" Si Gab na hingal na hingal habang tumatakbo papalapit sakin.

"Ok lang ako. Hahaha Ang ingay nyo. Anong nangyari kahapon? Yung mga alpha ano nangyari sa kanila?" Nakangiti kong tanong sa kanila at pinat ang ulo ni Gab.

"They are fine. Minor injuries lang ang nakuha ng lima. Parang pinatulog lang ng sinuntok mo. Tapos yung lalaking huling nakatayo. Akala ng lahat Beta. Di namin alam kung bakit ayun akala ng lahat sa kanya pero ililipat daw sya ng class na walang omega." Sabi ni Chippy. Tumango nalang ako. Alpha na nagpapanggap na Beta? Wow hah may ganun pala. Tumango nalang ako at kahit na naka ukyabit sakin si Chippy at Gab nagmadali na akong pumasok sa loob ng room namin.

Saan ko kaya makikita yung tumulong sakin kahapon. Bumili ako ng suppressant para sa kanya. Ayoko naman isipin nya na di ako nagbabalik ng hiniram ko.

"Aka!!!" Sigaw ni Ella sabay alis ng tali ng buhok ko. Ano ba nanyayari sa student council? Bakit puro patapon utak. Hay,

"Ano ba ginagawa mo?" Tanong ko. Ang gulo tuloy! Hahabulin ko sana si Ella pero tumunog na yung bell. Wala pa naman akong ibang panali ng buhok. Hay.  Tumakbo nalang ako papuntang Classroom kasabay si Lance. Pagpasok namin tahimik na sila.

"Sorry sir we're--ehh?" Tingin ako sa lalaking naka suit. Si-yung lalaki kahapon!! Tumingin sya sakin at ngumiti.

"It's ok umupo na kayo." Sabi nito. Agad na akong umupo sa upuan ko. Teacher sya!

"Para sa wala kahapon. I'm Alex De Vera. Ako ang bago nyong advisor. Mr. Akashi maayos ka na ba? Nasa clinic buong maghapon." Sabi nya.

"Ok lang po ako sir. Salamat po sa concern." Nakangiting sagot ko. Tatango tango naman syang ngumiti na para bang gumaan ang loob.

"Ok, buti naman. Bago tayo nagsimula. As you can see nandito si Mr. Austine. Nilipat sya dito dahil narin sa nangyari kahapon. Come here sa harap" sabi ng mr. De Vera. Napatingin naman ako sa lalaking matangkad maganda pangangatawan.  Nakatitig sa kanya ang lahat ng tao. His physique is inhuman. Sa tantya ko nasa 194cm sya. Ang tanging di maayos sa kanya ang medyo messy nyang buhok na halos tumatakip sa mata nya at napaka laking salamin nagmumuka tuloy syang nerd! Ano ang Beta sa mangangatawang yan? I feel my blood rushing. Napahawak ako sa dibdib ko. Napakabilis ng tibok ng puso ko.

"Introduce yourself to them." Sabi ni mr. De Vera.

"I - I'm Levi Austin. Sorry sa nangyari kahapon." Sabi nito sabay yumuko. Wow! Isang Alpha yumuko!? Halata sa kanya na di sya kumportable sa attention na binibigay sa kanya. May Alpha palang walang confidence. Wow first time.

Gulat na gulat sya ng makita ako. Maging ako ganun din. Amoy ko ang pheromones nya. Ano ba ginagawa sakin ng lalaking yun!! Bakit ganito!? Kinuha ko agad ang injectable suppressant ko at patagong itinurok sakin. Saka ako tumayo.

"Sir. Sa clinic muna ako. Kung pwede." Sabi ko. Napatingin naman sila sakin. Si Lance lang at ang lalaking yun ang tanging Alpha dito. Napatingin sakin si Lance. Naamoy ba nya!? Shit wag naman sana. Please..

"Are you ok?" Tanong nya.

"I'm not. Please sir." Sabi ko siguro naman naiintindihan nya ang kalagayan ko.

"Ok, class tahimik lang kayo dito. Mr. Akashi sasamahan na kita." Sabi nito. Wala akong magagawa. Ayokong mag isa." Lumakad na kaming dalawa papunta sa infirmary.

"Dapat di ka na muna pumasok kung in heat ka parin. Delikado sayo.."

"I don't have. Di ko alam kung bakit.. when I see him I feel this. I don't even know why." Sabi ko. Naiinis na ako. Di naman ako ganito sa iba pang Alpha.

"Rest for a while. Titignan ko kung ano nangyayari." Sabi nito. Pagkapasok namin sa infirmary walang katao tao. Dinala nalang nya ako sa kama sa pinaka dulo at inihiga doon.

"Sir salamat. Ibibigay ko nalang po sa inyo yung suppressant mamaya. Nagamit ko yung ibibigay ko sana sa inyo." Sabi ko.

"Sige sige babalik na ako doon.----"

"Sir." Tawag ko sa kanya. Napatingin naman sya sakin.

"Di-di naman amoy pheromones ko diba?" Tanong ko.

"No di naman. Don't worry tama ginawa mong umalis agad. Just stay calm. Ok sleep"

Umalis na sya at natulog nalang ako. Levi Austin. Sino ka ba talaga?

--------------------

"Si Aka-chan!?" Tanong ni Leroy sa kakambal nyang si Lance ng makalabas ito sa classroom nila.

"Bat wala si Aka-chi!?" Si Chippy na inikot pa talaga ang buong room.

"Infirmary." Sabi nito na kinalaki ng mga mata ng mga ito.

"Ano!!!? Bakit? Ano dahilan?" Sigaw nila. Ngayon lang kasi na infirmary ang kaibigan nila at ang malala magkasunod na araw pa.

"Di pwede yun---"

"K-kilala n-nyo s-si Akashi Kei?" Napatingin sila ng may matangkad na taong na mas mataas pa sa kambal ang lumitaw sa likod ni Chippy at Ella. Napalingon ang dalawa dito at halos malula sa tangkad nito.

"Wow ang tangkad mo!!" Sigaw ni Chippy. Napayuko naman yung higante.

"Wait bakit tinatanong mo so Aka-chan! Di babae si Aka-chan!" Si Leroy.

"I- I know. But- Ano ba gender nya?" Sabi nito. Naguluhan naman ang mga ito. Diterminado naman si Levi.

"Beta si Press. Unang Beta na naging Student Council president. Ang galing nya diba? Kahit na mga Alpha walang panama sa kanya." Si Chippy na pinagmagaling ang kaibigan. Nanlaki naman ang mga mata ni Levi. Beta ito. Pero ramdam may naramdaman sya kanina at nung una silang nagkita.

"Ga-ganun ba? Beta sya. Salamat." Sabi nito na para bang disappointed na hindi naniniwala sa kanila at agad na silang iniwan.

"Ano yun?" Tanong ni Leroy. Nanatiling tahimik si Lance at kinabahan naman si Ella.

"Pupuntahan ko si Akashi. Mauna na kayo sa cafeteria." Sabi ni Ella at tumakbo na ito papunta sa kaibigan.

------

KEI AKASHI

"Thank God gising ka na." Sabi ni Ella na parang nagmamadali. Ano nanaman yun?

"Bakit ba?"

"Levi Austin. Yung transfer na nag transfer sa room nyo. I think may alam sya sayo." Sabi ni Ella na kinalaki ng mga mata ko. Ano daw!?

"Pano mo nasabi?"

"Tinanong nya kami kanina kung ano gender mo. You think naamoy nya pheromones mo??". Tanong nya.

"What? Can't be. Kahapon puno ng pheromone ng ibang omega ang room nyo. Kanina sabi ni Sr. De Vera di naman nag leak ang pheromone ko. Di naman sigu----"

"What did you say!? Si Sir De Vera? Alpha sya?" Tanong nya na takot na takot.

"No he's an omega like me. Sya tumulong sakin kahapon." Sabi ko.

"Sandali diba nung last month ka lang nag heat? Bakit meron ka nanaman?" Tanong nya. Ako rin naguguluhan. Ngayon lang nangyari sakin to. Simula kahapon nung nakita ko ang lalaking yun. Ano nalang ba gagawin ko?

Ahhhh pano ba ako makakapag aral ng maayos!?

"Nakaka asar!!!!!"

--------------------------

What do you think?
Please vote and comment
Thank you!!

My Destined Pair (OMEGAVERSE BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon