#Prologue
Ang sakit ng ulo ko... Hindi ba naman to sasakit kung pinapalo ka ng nanay mo ng pagkalaking kamay? Kanina pa yang ganyan eh, para na ngang na.fractured na ang utak ko nito
"Ma!!! Ayoko nga doon! Wala naman akong kaibigan doon, tsaka ma.bubully lang ako doon, hindi mo naman siguro gugustuhin yun diba?"
"EMIIIIIILLLLYYY ROOOOOOOOOSE!!! Ano bang sinabi ko? Sabi ko diba na dapat pumasok ka doon dahil sayang na sayang talaga ang skolarsyip... Hindi ka ba nanghihinayang kung sakaling hindi ka mapunta duon sa skwelahang iyon?" galit na sagot ni mama
"Hindi" agad akong sumagot. Wala naman talaga akong plano na kumuha ng scholarship sa paaralang iyon eh kasi hindi ko naman ka.level yun mga tao dun, puro pa.SOSYAL at kung anu.ano pang aksesoryang nagaganap.
Bigla nag.iba ang timpla ni mama. Bigla lamang itong naging mahinhin na hindi ko mawari. "Anak, sabi ko nga sayo diba? Ang sayang.sayang kung hindi mo tatanggapin ang scholarship na iyon. Alam mo ba na tila sa 50,000 na mga estudyanteng gusto makakuha ng eskolarsyip na iyan eh 3 lang ang estimated na maka.kuha noon? At Ikaw Emily. Ikaw ang kasali sa tatlong iyon.. Hindi ka ba nanghihinayang nun? Isipin mo nalang ang natitirang 49,997 na hindi nila nakuha iyon? Hindi ka ba naawa sa kanila? Bakit hindi mo subukan man lang kahit 3 linggo?"
Yan ang nakaka.inis kay mama eh. Ang lakas makapangonsensya, at mukhang hindi naman talaga ako mananalo sa away namin na ito, "Haaay mama, sige na nga." Nag.lighten up ang face ni mama, sasagot na sana cya pero binara ko agad "Pero, pero... Pag nakaramdam ako na mamamatay na ako doon eh titigil na ako mama huh?" pagsisigurado ko sa kanya
"Haay, sige na nga.. Pero, pakiramdaman mo doon huh?" pagsisigurado din ni mama. Tumango nalang ako at ngumiti. Binigyan nya ako ng isang mainit na yakap at bumalik na sa kusina. Umakyat na din ako sa kwarto ko at tumingin sa bintana.
Sana hindi nalang matapos ang ulan ngayon para walang pasok bukas.
- - - - - - - - -
Hi guys.. Salamat sa pagbabasa XD
With love,
eLFCiTy